Robi Domingo "overwhelmed and surprised" by his Star Awards nomination

"I am very overwhelmed and surprised na mayganito palang pagkilala sa akin. I mean, hindi ko ini-expect na ganitopala kalakas ang impact ko, like Jon Avila, Bruce Quebral, Josef Elizalde, mgasobrang... Alam mo yung paglabas pa lang ng kahit ano, ang lakas na agad ngimpact nila. Hindi ko ini-expect na I'm one of those people na, you know, napagdating ko sa industry na kinilala na agad," says Robi Domingo.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang secondbig placer ng Pinoy Big Brother Teen Editon Plus na si Robi Domingo kahapon,November 19, sa taping niya sa music channel na MYX, kung saan isa siya sa bagong VJs dito.

Sinabi ni Robi sa PEP na "sobrang happy" siya nang malamanniyang nominado siya for Best New Male TV Personality sa PMPC 22ndStar Awards For TV, na gaganapin sa SMX Mall of Asia sa November 30.Makakalaban niya sa kategoryang ito ang mga kapwa niya Kapamilya na sina JonAvila, Bruce Quebral at Josef Elizalde, at sina Dr. Hayden Kho at Doc FerdsRecio ng GMA-7.

"Nung una sinabi sa akin ni Ate Luz [Bagalacsa, Robi'shandler in Star Magic] na nominado ako sa Star Awards, sa totoo lang, sinabi kosa kanya, ‘Ate Luz, nambobola ka na naman. Sige na nga, ilibre na lang kita nghamburger.' Mga ganun!" natatawang kuwento ni Robi.

Pero aniya, "I am very overwhelmed and surprised na mayganito palang pagkilala sa akin. I mean, hindi ko ini-expect na ganitopala kalakas ang impact ko, like Jon Avila, Bruce Quebral, Josef Elizalde, mgasobrang... Alam mo yung paglabas pa lang ng kahit ano, ang lakas na agad ngimpact nila. Hindi ko ini-expect na I'm one of those people na, you know, napagdating ko sa industry na kinilala na agad.

"Nagulat lang ako na...nag-isip ako sa sarili ko, ‘Bakit kayaako napili? Bakit ako napasama sa kategoryang ito? Kaya apprehensive akothe whole thing na, ‘May possibility ba na matalo ko sila?' Mga ganun."

Paano niya kukumbinshin ang voting members ng PMPC na siyaang dapat manalo o iboto ng mga ito bilang Best New Male TV Personality?

"When I think of the word personality, one thing that comes to mymind is about who you really are. Not acting as anyone. Not pertaining asactor or something like that. Yung talagang ikaw na ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We can connect the TV and the personality na parang...Hindi naman sa TV na ‘O, ganito si someone, ang galing-galing niyang umarte naganun.' Ako, umaarte rin ako. Pero it doesn't mean na puwede akong maging TVpersonality kasi sa ginawa kong acting na yun.

"Yung TV personality na sinasasabi ko is portrayal ofyourself, your real self. And outside TV naman, kung paano yung pakikitungomo with everyone. Siyempre, you have to have a good sense of humor and you haveto inject good things to the people.

"Bahala na lang ang mga taga-PMPC kung sa tingin ba nila aydapat nila akong iboto o hindi. Kung anuman ang maging resulta, whether I winor not, still nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil na-nominate ako. Hindiko nga inaasahan na magiging parte ako ng Star Awards na datingpinapanood ko lang," lahad niya.

RIGHT TIMING. Si Ejay Falcon ang itinanghal na grand winner sa PBB TeenEdition Season 2, pero matagal nang tapos ang contest ay wala pang proyektongbinibigay ang ABS-CBN sa kanya. Unlike Robi na napasama sa My Girl, napinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Andrerson. Ano ang masasabi ni Robitungkol dito?

"I think people have different packagings," sabi ni Robi."Like for example, me, I'm more of the expressive person na talking, talking,and talking. Yun nga, I've learned things as well na... I think masasabi kolang ngayon is I came to the right place at the right time. Pasok na pasoklahat.

"Like sa My Girl, they're looking for this kind ofcharacter, kailangan medyo... Hindi naman sosi, pero educated young man. So yun naparang napasok sa sarili ko. Like sa MYX naman, I wanna thank my mom forgiving me the genes na maging taktakero and my dad for being a cerebral guy. Sonag-intertwine yung dalawang bagay na yun na napunta sa akin," paliwanagniya.

Happy si Robi dahil nakasama at nakatrabaho niya si LuisManzano sa MXY. Very vocal kasi si Rob sa pagsasabing idol niya ang anak ninaBatangas Governor Vilma Santos at OMB Chairman Luis Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbibigay ba ng tips sa kanya si Luis kung paano ang dapatniyang gawin para maging effective na host at DJ?

"Isa sa mga iniidolo ko, si Luis nga. And yun, pag mayevery taping day or nagkikita kami, he gives me some humor jokes and sabihinko, ‘Oo nga, ‘no, ba't parang ganoon'. And I like his style. Pero hindi kokinokopya. Pero yun, gusto ko siyang maging one of the people who molded me inthis industry," pagtatapos ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN