Masayang inamin ni Christian Bautista na hindi sila nagdalawang-isip ng manager niyang si Carlo Orosa na tanggapin ang offer na maging first endorser ng BlackWater Men's Spray, ang newest brand ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. Aniya pa, kahit alam niyang pangunahing produkto ng Ever Bilena ang ladies' scents na ini-endorse naman ng mga babaeng artista na tulad nina Toni Gonzaga at Francine Prieto, honored daw siya sa pagiging first endorser ng panlalaking pabango naman ng cosmetics company. Gusto rin daw naman kasi niyang mag-branch out from singing and acting to modeling and product endorsing, lalo pa at maganda ang offer sa kanya.
"As their first [male celebrity] endorser, gagawa ako ng TV and print ads, billboards and involved din ako sa direct selling ng product na may four scents, ang Aqua, Ambitious, Dynamic and Sporty. Pero ang favorite ko ay ang Aqua, which I learned na ito ang best selling nila," nakangiting kuwento ni Christian after his contract signing and launch of BlackWater sa Annabel's Restaurant, T. Morato, Quezon City kahapon, November 20.
"Bago rin sa akin na I will work hand in hand with their marketing department, dahil may possibility na madala ito sa Indonesia," pahayag pa ni Christian. Kilala rin kasi si Christian sa Indonesia.
KARYLLE. Hindi naman nagdamot ng sagot si Christian nang magtanong pa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol naman sa kanyang career and lovelife.
Since iisa na ang manager nila ni Karylle, may possibility kaya na ma-link silang dalawa lalo na ngayon at pareho silang loveless?
"Kami naman ni Karylle, noon pa good friends, dahil nga matagal na rin kaming nagkasama. Sa simula pa lang ng production ng musical naming West Side Story and now, lumipat na nga siya sa management ng Stages," sagot ni Christian. "And masaya ako dahil Kapamilya na rin siya. We'll see!"
Aware ba siya na may problema si Karylle while they were staging West Side Story?
"Karylle is very professional. May napansin lang ako na there's something... dahil madali siyang umiyak. Marami pa naman siyang scenes na kailangan niyang umiyak sa musical," sagot ni Christian. "Hindi naman ako nagtatanong dahil wala naman akong alam na may nangyayari na pala sa relasyon nila ni Dingdong [Dantes], until nalaman ko na lang na break na sila. Hindi naman siya nag-confide sa akin. Kaya bilang respeto ko sa kanyang nararamdaman, hindi ko na siya tinanong."
GIVING TIPS TO KARYLLE. Biniro namin si Christian, since si Karylle ang kakanta ng Philippine national anthem sa Manny Pacquiao-Oscar dela Hoya fight sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, on December 5, binigyan ba niya ng tips si Karylle? Naranasan na rin kasi niyang kumanta nito on national TV.
"No," natatawang sagot ni Christian. "Naging joke na lang sa akin kapag napag-uusapan ang mali kong pagkanta ng ating national anthem noon. Kaya biro ko rin kay Karylle, she should stay away from me kapag kakanta siya nito. Ayaw din niya ng tips. Saka alam ko namang she can do it alone, pero ipagpi-pray ko siya when December 5 comes."
RACHELLE ANN GO. Hindi maiwasang maitanong din kay Christian ang tungkol sa naging relasyon nila ng dating girlfriend na si Rachelle Ann Go. Umabot din ng almost two years ang relasyon nila and almost two years na rin mula nang maghiwalay sila. Alam ba ni Christian na si Gabriel Valenciano na ang napapabalitang nanliligaw sa dati niyang girlfriend?
"Yes, and I'm happy for them. Nagkikita-kita kami sa ASAP every Sunday at kahit hindi naman kami nagkakausap nang matagal, wala naman kaming ilangan."
Sa December 14 ay iwe-welcome na sa ASAP si Karylle. Maging problema ba kay Christian kung sakaling pag-perform-in siya with Karylle and Rachelle Ann?
"No problem. Baka iyon nga ang gusto ng mga tao, na mapanood kaming tatlo na magkakasamang kumakanta," natatawang sagot ni Christian.
NOT LOOKING FOR A GIRLFRIEND. Hindi ba siya naghahanap ngayon ng girlfriend? Mas type ba ni Christian ngayon ang magka-girlfriend na non-showbiz?
"Kung non-showbiz, she should be understanding sa trabaho ko, dahil nakakapagod ang showbiz, wala akong enough time na maibibigay sa kanya. But for now, ayoko munang maghanap, ayoko munang mag-girlfriend. Sayang ang oras, pera, panahon, effort. Hihintayin ko na lang siyang dumating. Malalaman mo naman kung siya na. I guess I have learned from my mistakes, I should apply it now. Hindi ako ang guy na date lang nang date."
May hurt pa ba siyang nararamdaman sa nangyari sa kanila ni Rachelle?
"Hindi naman hurt, mahirap din namang makalimutan iyong mga magagandang memories. As I've said, hindi kami nag-iiwasan ni Rachelle sa ASAP. Okey na kami at mas relaxed na kami ngayon dahil friends pa rin naman kami."
If ever ba na gusto niyang ligawan si Karylle, sa tingin ba niya, madali itong mahalin? Friends ba sila ng mommy nito, si Zsa Zsa Padilla?
"Oo naman, she's a very sweet lady, she's wife material. Kami ni Zsa Zsa, okey kami, since sa One In A Million show pa na kami ang nag-host noon."
GIG IN INDONESIA. Kinamusta rin namin kay Christian ang experience niya singing in the recently held First Asian Beach Games held at the Garuda Park in Bali, Indonesia, kunsaan, he shared the stage performing with other Asian artists.
"Nang una kong mapuntahan ang lugar na iyon, sabi ko sana makakanta ako doon, kasi ang ganda-ganda ng lugar. True enough, dream-come-true nang maimbita ako at kumanta sa harap ng delegates from 40 countries all over the world na nag-participate sa sports festival na iyon. I met the Philippine team, hindi lamang ako nagkaroon ng chance na malaman kung may nanalo sa kanila dahil bumalik na rin ako ng Pilipinas."
GOING BACK TO ACTING. After West Side Story, may susunod na ba siyang musical na gagawin?
"Wala pa naman pero gusto ko muling bumalik sa acting, like what I did sa Kampanerang Kuba, sabi ni Christian. "Although medyo mahirap din kapag may teleserye ako, kasi mahirap mag-book ng show, nakakapagod din ang pagti-taping, pero part iyon ng trabaho. Ang maganda naman, after na ipinalabas ang teleserye, mas marami akong naging booking dahil napapanood ito sa TFC. Makikipag-usap ang manager ko sa ABS-CBN, baka may bagong show na ibibigay sila sa akin."
"Nagkaroon din ako ngayon ng time to spend with my family, dahil while doing West Side Story, hindi ako nakakauwi sa amin sa Imus, Cavite. Ngayon, bumalik ako roon saka may ipinaayos ako sa bahay namin."
May iri-release na bagong album si Christian sa Warner Records, ang Christian Bautista: Capture featuring his duet with Philippine bossa queen Sitti. May concert din siya sa Captain's Bar ng Manila Mandarin sa November 29 at may concert sila ni Sitti sa Music Museum sa December 17.