Jon Avila says he's not courting Rufa Mae Quinto

"We'refriends. Click kami when we're together. Pero kung iisipin mong ipapasok namin yungpagkakaroon ng relationship, baka lalo lang gumulo ang sitwasyon. As of now,we're good friends. I just want to take this slowly. Let's just see what willhappen," clarifies Jon Avila about the rumor that he's courting Rufa MaeQuinto.



Nilinaw ni Jon Avila ang ipinahayag niya noon na crush niya si Rufa MaeQuinto. Pero, nang tanungin siya sa isang talk show at kung ano angtipo niyang babae, dapat daw ay exotic looking ito, or morena, kabaligtaran ngphysical attributes na maglalarawan kay P-chi.

"Normally,yung mga morena at exotic looking ang type ko," sabi ni Jon nang makasalubongnamin siya sa hallway ng TV5 kamakailan sa Novaliches, Quezon City, habangkasagsagan ng taping ng Shall We Dance?kung saan isa siya sa co-host ni Lucy Torres-Gomez.

Patuloyniya, "Hindi naman laging may particular type ako, pero kung preference,sinasabi ko talagang mas gusto ko ang morena.

"Lumakiako sa London, di ba? Ang lagi kong nakikitang mga babae roon, mapuputi.

"Pero,totoo yun, that I had a crush on P-chi the first time I saw her on TV. Hindinaman big deal yun or contradictory talaga roon sa sinabi kong nagkaka-crushako normally sa mga exotic-looking at morena."

Forthe record, idiniin ni Jon na friends lang talaga sila ni P-chi. Lalong tumindiang closeness nila nang magkatrabaho sila sa Single, para sa sariling produksyon ni P-chi, in cooperation with Viva Films.

"Nami-missko nga yung shooting namin, kasi, tapos na yung movie," ani Jon."Naghihintay na lang kami ng playdate for early next year. Nagda-dubbingna lang kami.

"Grabekasi ang bonding namin for that movie. Si P-chi, laging nagpapatawag ng night outafter shooting, kapag maaga kaming natatapos.

"Masayaang bonding namin doon, with Raf [Rafael Rosell]and the others. P-chi is such a cool producer. Hindi ko nga naramdaman natrabaho yung ginawa namin," kuwento pa ng half-British hunk.

RELATING WITHRUFA MAE.Sa ngayon, parang ayaw yatang magsalita muna ni P-chi tungkol sa mga lalaki.That was after na magkaroon daw ng isyu sa kanila ng half-Mexican BF niyang siBobby Lopez.

"Nagkausapkami ni P-chi about her ex-BF," pagtatapat ni Jon. "Alam ko kasingmahirap yung long-distance relationship nila. Nakaka-relate ako roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naranasanko na rin yun, pero I can feel, she's also happy with her relationship kayBobby. Pero, mahirap. Kaya sa ganoon, lagi kaming nag-uusap ni P-chi. Wealways have a lot of things to talk about.

"Nasasabinga niya sa amin na talagang wala na siyang time. Masyado siyang busy.Dumarating siya sa set, sluggish ang feeling niya, lagi siyang puyat.

"Napakasipagdin kasi niya. Kaya kahit hindi long-distance relationship siguro, baka hindiniya masyadong maasikaso ang lovelife niya," nasabi na lang ng binata.

Parehorin daw kay Bobby yun, na wala ring oras para kay P-chi.

"Forthe record, I'm not courting P-chi," sabi pa ni Jon. We're friends. Clickkami when we're together. Pero kung iisipin mong ipapasok namin yungpagkakaroon ng relationship, baka lalo lang gumulo ang sitwasyon.

"Asof now, we're good friends. I just want to take this slowly. Let's just seewhat will happen," dugtong niya.

CAREER-ORIENTED. Pareho rinsilang career-oriented ni P-chi, lalo na siya na kailangang tutukan niya angcareer dahil hindi pa siya established as an actor.

Mapapanoodmuna si Jon sa Metro Manila Film Festival entry na OneNight Only para sa OctoArts Films; and among the guys sa cast ng Single, si Jon ang may pinakamalakingrole as the leading man of Rufa Mae.

"SaDecember 3, mag-uumpisa na kami ng taping for Sanlakas, the all-star cast telefantasya kung saanpagsasama-samahin sina Kapitan Boom, Varga, Kapitan Inggo, Tiny Tony and theothers na creations ni MarsRavelo.

"It'sanother good break for me after I played the role of Kapitan Boom, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN