Duterte confirms existence of bank accounts; denies P211 million hidden wealth

Apr 28, 2016
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte said that Sen. Antonio Trillanes's claim that the mayor has P211-M hidden wealth is "fabricated" and a smear campaign against him.</p>

Hinamon ng ilang presidential candidates ang kanilang katunggali na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ipaliwanag ang diumano’y hidden bank account nito na naglalaman umano ng P211 million.

Ginawa nina former DILG Secretary Mar Roxas, Sen. Grace Poe, at Vice President Jejomar Binay ang hamon kay Duterte, kasunod ng pagbubunyag ni vice-presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV ang tungkol sa hidden bank account umano ni Duterte kahapon, April 27.

Ayon kay Trillanes, naglalaman umano ng P211 million ang isang bank account si Duterte sa isang branch ng BPI noong 2014.

Hindi raw ito idineklara ng alkalde sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.

Ayon daw sa “network of informants” ni Trillanes, may joint account si Duterte at anak niyang si Sara Duterte sa BPI branch sa Julia Vargas, Pasig City.

Sabi pa ni Trillanes sa TV interview sa kanya kahapon, April 27, ang nasabing P211 million ay “just tip of the iceberg.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng senador, “You would have no idea how wealthy Mayor Duterte [is]. You'll be surprised, you'll be amazed with the wealth of the guy.”

MAR CHALLENGES DIGONG. Sa statement ni Mar nitong Martes, sabi niya, “Mayor Digong, liwanagin mo para sa taong bayan kung ang kamay mo ay mas malinis kaysa iyong bibig...

“The people are entitled to straight answers to straight questions.”

Dagdag pa ni Mar sa ulat ng GMA News, “Tungkulin natin ang humanap ng linaw tungkol sa isyung ito.

“Kung lehitimo ang pinanggalingan ng kayamanan, bakit ito ikahihiya?”

Ganito rin ang nilalaman ng pahayag ni Grace.

“Well, siguro nasa kamay niya na patunayan na hindi totoo yun.

“Ang pinakamadali ay kung papayagan niyang buksan kung lehitimo yung account na yun,” saad ni Poe, sa ulat ng The Manila Times.

Hinamon naman ng kampo ni Binay si Duterte na tuparin ang nilagdaan niyang bank waiver at payagan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na silipin ang kanyang assets, gayundin ang mga kaanak niya.

Continue reading below ↓

Hinamon din ng tagapagsalita ng partido ni Binay, ang United Nationalist Alliance o UNA, ang iba pang presidentiables na sumailalim sa pagsusuri ng AMLC upang matiyak kung wala nga silang itinatagong yaman.

DUTERTE CONFIRMS. Samantala, kinumpirma ni Duterte na mayroon siyang bank accounts sa BPI Julia Vargas branch.

Gayunpaman, hindi raw P211 million ang nilalaman nito, gaya ng akusasyon ni Trillanes, kundi dalawang bank accounts na naglalaman ng P50,000 at P17,000.

Simabi ito ni Duterte sa ilang reporters sa Balanga, Bataan kahapon.

Hinamon pa ng Davao City mayor si Trillanes na ilabas ang affidavit na naglalaman ng mga detalye kung paano niya nakuha ang mga detalye tungkol sa kanyang mga akusasyon.

Hamon pa ni Duterte kay Trillanes, magsampa siya ng kaso laban sa alkalde.

Pinanindigan naman ni Duterte na ang akusasyon sa kanya ni Trillanes ay “fabricated.”

CAYETANO DEFENDS DUTERTE. Sinabi naman ng running mate ni Duterte na si Alan Peter Cayetano na ang akusasyon ni Trillanes ay “smear campaign” laban kay Duterte.

Continue reading below ↓

“It's quite sad that a supposed principled man like Sen. Trillanes will resort to such a cheap and shameful gimmick.

“It's a pity that Sen. Trillanes has reduced himself from being a protector of the people to a 'Poetector'," ayon kay Cayetano, sa ulat ng GMA News Online.

Dagdag ni Cayetano, ang intensiyon ni Trillanes ay upang pabagsakin si Duterte at iangat ang “preferred candidate” nito sa pagkapangulo na si Grace Poe.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte said that Sen. Antonio Trillanes's claim that the mayor has P211-M hidden wealth is "fabricated" and a smear campaign against him.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results