FIRST READ ON PEP: Patrick Garcia denies seeing his son with Jennylyn Mercado

"I'm taking things slow muna since I came back, It'smy decision to spend lots of time with my dad. We've been doing a lot of thingslately and na-miss ko lahat ‘yon. Since wala pa naman akong trabaho, I'm takingthis opportunity to be with my dad," says Patrick Garcia when PEP (Philippine Entertainment Portal) caught up with him at the celebrity premiere of Twilight last night.



Naging mailap si Patrick Garcia sa media magmula nangbumalik siya sa Pilipinas last October. Marami ang gustong ma-interview siya paramahingan ng ilang pahayag tungkol sa mga lumabas na mga intriga sa kanya, perohindi nagpaunlak ng interview ang batang aktor.

Kaya nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siPatrick sa celebrity premiere ng Hollywood movie na Twilight sa Trinoma Mallkagabi, November 25, ay hindi na namin siya pinakawalan at agad na tinanong tungkolsa mga kontrobersiya sa kanya.

Una ay ang tungkol sa balitang nakita na raw niya ang babyniya kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Nagsalita kasi noon si Jennylyn nanever daw niyang ipapakita kay Patrick ang anak nila.

Sabi naman ni Patrick, hindi totoo ang balita. Nagulatnga raw siya kung bakit may nagsulat na nakita na niya ang baby niya.

"It's not true. But I am hoping that I will see him soon,"maikling pahayag ni Patrick.

Tungkol naman sa balitang naghahanap daw siya ng legal assistancepara kahit papaano ay makita at mahawakan niya ang kanyang baby, ito ang sagotni Patrick: "No comment muna ako diyan. I don't really want to talk about it.Malalaman n'yo naman if all of that is true or not. For now, let's talk aboutother things na lang."

Tungkol naman sa napabalitang date nila ni Glaiza de Castrosa concert ng international singers na sina Rihanna at Chris Brown sa The Fort noong November 16,hindi naman ito itinanggi ni Patrick. Hindi lang naman daw sila ni Glaiza angmagkasama kundi pati ang magkasintahan na sina Paolo Contis and Isabel Oli.

Bakit si Glaiza ang napili niyang gawing date?

"Bakit naman hindi?" sabay ngiti ni Patrick. "I see nothingwrong in asking Glaiza out to the concert. I asked her and she said yes naman.Kasama naman ang ibang friends namin, like Paolo and Isabel, kaya it was a funnight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "We're getting to know each other now. What Ican say now is that Glaiza is a friend, and there's nothing wrong with having anew friend."

Inusisa rin namin kung ano ang mga ginagawa ni Patrickngayon, lalo na't wala pa naman siyang bagong show na pinagkakaabalahan. Sabini Patrick, he's spending a lot of time with his dad sa bahay nito sa Ayala, Alabang.Marami raw silang ginagawang mga activities at masaya si Patrick dahil muli niyangnaka-bonding ang kanyang ama.

"I'm taking things slow muna since I came back," sabi niya. "It'smy decision to spend lots of time with my dad. We've been doing a lot of thingslately and na-miss ko lahat ‘yon. Since wala pa naman akong trabaho, I'm takingthis opportunity to be with my dad."

Tungkol naman sa pag-aaral ni Patrick sa San Francisco,California, sinabi nito na naging maayos naman daw ang kursong kinuha niyaroon. Nag-leave muna siya sa school dahil kailangan niyang um-attend ngkasal ng kapatid niyang si Chesca Garcia sa basketbolistang si Doug Kramer last October.

"But I will be going back to finish the course,"banggit ni Patrick. "Baka early next year na because I'm still on vacation.Kung may biglang trabahong dumating, okey lang since nandito naman ako ngayon.But right now, I'm enjoying every minute with my family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN