Francine Prieto admits lack of work caused her stress

"Ngayon kasi, kapag ilang buwan hindi kalumabas, hindi ka makikipag-date sa kanila, hindi sila magtitiyaga. Ayaw nilasa ‘yo. Katuwiran nila, ang dami naman nilang pagpipilian. So, ako, kung ayawnila, e, di hindi!" says Francine Prieto about her suitors.



Bata pa lang si Francine Prieto noon, pero napapanood at fanna raw siya ng sitcom na Iskul Bukol sa telebisyon. Kilalang-kilala pa nga rawniya ang ibang characters sa movie, tulad nina Miss Tapia (Mely Tagasa) at MangTemi (Bing Angeles), bukod siyempre sa Escalera Brothers (Tito Sotto and Joeyde Leon).

Bata pa lang daw kasi siya, mas hilig na niyang panoorinang comedy shows.

"Napapanood-panood ko noong bata ako. Kasi noong bata ako,hindi ako mahilig sa drama, mahilig ako sa Champoy, sa T.O.D.A.S., Iskul Bukol... Yungmga comedy. Mahilig akong talaga. Napapanood ko, pero hindi ko lang memorizedlahat. Natatandaan ko lang na natatawa ako noon at kilala ko sila MissTapia. Kaya nga no'ng guest namin siya[sa Bubble Gang], ako yung parang, ‘Ay, si Miss Tapia!" natatawang kuwento niFrancine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ngayon nga ay kasama na si Francine sa pagbabalik ng grupong Iskul Bukol sa pelikulang Iskul Bukol: 20 Years After. Ano ang role niyarito?

"Ako ang girlfriend ni Jacky Woo. Tinulungan ko siyanghumanap ng binili niyang treasures. Kailangan kong hanapin ang nawawalang partnun kung kaya na-meet ko ang Escalera brothers," lahad ni Francine sa pressconng Iskul Bukol kahapon, November 25, sa Marina restaurant sa Timog Ave., QuezonCity.

Masayang-masaya raw si Francine nang kunin siyang magingpart ng movie.

"Nang kinuha nga ako rito, parang ako, ‘Wow! Talaga,magkakaroon ng Iskul Bukol, The Movie?' Parang ilang years na silang nawala, diba? Kaya tuwang-tuwa ako na ngayong nag-reunion movie sila, nakasama pa ako."

WEIGHT PROBLEM. Kung tutuusin, malaki na ang ipinayat ng katawan niFrancine. Unti-unti na rin bumabalik yung dating kaseksihan niya. Pero hindimaitatanggi na nakatatak pa rin sa tao ay ang biglang pag-gain niya ng weight.Na-exaggerate pa nga ito dahil sa iba't ibang comments na natanggap niya nangrumampa siya sa Bench underwear fashion this year. Pero alam naman daw ni Francine na kailangan talaga niyang mag-maintain ng magandang figure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo siyempre, kahit nga siguro lalaki ka. Lalaki or babae,kailangan talaga ma-maintain mo. Ang hirap din talaga, lalo na kung minsan, gustomong kumain ng marami, talagang kailangan mong i-maintain.

"Kaya siguro yung iba, napupunta na sa drugs kasi wala nasilang ibang paraan. Kumbaga, napapakapit na sila sa patalim. Kasi, gusto nanilang pumayat nang sagad-sagad talaga. Kaso, yun lang, masama lang talaga angepekto nun sa katawan," saad ni Francine.

Ano nga ba ang ginawa niya para pumayat?

"Nag-tennis, nag-workout, nag-jogging. Hindi kaagad mabilisna proseso, pero safe ako. Ang tagal ko ring nagpapayat. Kasi yung stress ko,almost one year, e. Noong nawala lahat yun, yun na."

Ipinagdidiinan ni Francine na hindi siya nag-resort saliposuction.

"Hindi, kasi noon, mahilig akong mag-diet ng diet pillslang, tapos hindi kumakain. Pero ang nangyayari sa akin, palagi akongnagko-collapse. Basta nahihilo ako, hindi ako nakakatayo agad. So, hininto kona yun."

Never pa raw niyang na-experience ang magpa-lipo.

Hindi ba siya pabor sa mga ganoong klase ng procedure ngpagpapapayat?

"Hindi naman," sabi ni Francine. "Kaya lang, kung pupuwedepa naman ng natural way, bakit naman hindi? Ang dami-dami pa namang paraan.Siguro kung talagang walang-wala na at hindi na umepekto sa akin ang mgaginagawa ko, siguro yun na ang last na gagawin ko."

Takot ba siya sa surgical procedures?

"Hindi, takot akong magka-peklat!" natatawa niyang sabi."Parang iba pa rin kasi kapag may peklat ka. Like, noong bata ako, may mgasugat na akong tinahi. Takot ako na, siyempre, lipo, may mga ganoon yun."

Aminado naman si Francine na naging motivation niya ang mganatanggap na criticism dahil sa pagtaba niya.

"Oo, pero ang una ko munang ginawa talaga ay tinanggal komuna yung mga causes ng stress ko. Hindi yun mawawala. Hindi akomakakapag-start hangga't nandoon at nandoon yun, e. So, noong mawala yun, doonako nakapag-start magpapayat."

SOURCE OF STRESS. Aminado naman si Francine na ang naging source ng stressniya ay nang mawalan siya ng trabaho last year. Bilang breadwinner ng pamilya,hindi raw niya talaga puwedeng ma-afford na wala siyang work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, isa na lang show [Bubble Gang], walang pumapasok na raket! So,paano ‘to? Siyempre, may naka-loan pa akong bahay. May monthly [bills] akongbinabayaran. Bukod pa sa pambayad mo sa kuryente, sa tubig. Since ako lang angnagtatrabaho sa family, lahat ng gastos sa bahay, sa akin nanggagaling," lahadni Francine.

At present, okay naman daw ang trabaho niya. Kasalukuyan dindaw siyang naghahanap ng magiging manager niya.

"Wala kasi akong manager, ako lang ang kinokontak. Siyempre,iba pa rin kapag may manager ka, may plano para sa ‘yo."

Hindi ba siya talent ng GMA Artist Center?

"Hindi, mag-a-Artist Center ako dapat, may pinakiusap na rinsa akin. Pero hindi pa ako pumipirma ng kontrata sa kanila. Parang sa ngayon,hindi pa rin kami okey. Parang hindi pa rin kami nagpa-final na usapan. Sangayon, naghahanap pa rin ako. Kung meron akong makita, e, yun na."

FRANCINE ON PHILIP. Madalas na nali-link si Francine sa older men. Pero aniya,wala siyang lovelife ngayon. Pero tila mahirap itong paniwalaan.

"Wala pa rin! E, kasi, parang ever since yata, palaging wala.At saka, tingin ko, hindi rin naman yun ang priority ko. At saka, parang walarin ano... Kaya nga sabi ko, minsan yata, kailangan ko ng gayuma" natatawa niyangsabi.

Si Francine na rin ang nagsabi ng pangalan ng isa sa oldermen na nali-link sa kanya—si Philip Cu-Unjieng, na executive ng ABS-CBN at writer sa Philippine STAR.

"Baka nga si Philip. Kasi si Philip, matagal ko nangkaibigan. Sa tingin ko, nasa-shock yung mga tao kasi medyo magkalayo yung mundonamin. Sa lifestyle siya, tapos showbiz ako. Malayo ang age gap namin, pero magkaibigan kami.

"Separated pa siya, so ang mga tao, parang nasa-shock sila.So, siguro ganoon lang. Pero wala, magkaibigan kami hanggang ngayon," diin niFrancine.

Dagdag niya, "Actually, si Philip, tinutulungan akohanggang ngayon. May mga projects na siya ang nagrekomenda. Pero walangromantic talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na siya katagal na walang lovelife?

"Napakatagal na yata!" natatawa niyang sabi."Siyempre, noon may mga nanliligaw sa akin. Pero kasi, yung mga tao ngayon,hindi naman katulad dati na ilang years, magtitiyaga sa ‘yo.

"Ngayon kasi, kapag ilang buwan hindi kalumabas, hindi ka makikipag-date sa kanila, hindi sila magtitiyaga. Ayaw nilasa ‘yo. Katuwiran nila, ang dami naman nilang pagpipilian. So, ako, kung ayawnila, e, di hindi!" pagtatapos ni Francine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN