Rowell Santiago resigns as director of "Divas 4 Divas"

Concert director Rowell Santiago (in photo) resigned from Divas 4 Divas concert—featuring Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernadez and RegineVelasquez. He was replaced by Douglas Nierras.



Kumpirmado ang nakarating na balita sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na hindi na si Rowell Santiago ang direktor ng Divas 4Divas concert nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernadez at RegineVelasquez. Nag-resign si Rowell ngayong araw, November 26—nine days before theDecember 6 concert sa Araneta Coliseum.

Ang schedule ng apat na divas ang rason ng pagre-resign niRowell. Sobrang busy kasi nina Kuh, Zsa Zsa, Pops, at Regine kaya hindimakapag-rehearse nang sabay-sabay. Hindi mapagtagpo ni Rowell ang apat. Ayawnaman niyang gumawa ng half-baked na trabaho dahil siguradong siya ang mapipintasanpag nagkabulilyaso ang show.

Ayaw ni Rowell na masira ang track record niya bilangconcert director, lalo't very successful ang Gary V Live @ 25 ni GaryValenciano last November 14 & 15. Siya rin ang nasa likod ng mga nakaraangsuccessful major concerts nina Pops, Martin Nievera, at Sharon Cuneta.

Ang pagdidirek ng The Idol Experience: Ogie Sings With TheIdols, na gagawin sa Aliw Theater sa December 20 & 21, at shooting ngsequel ng A Very Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz nalang ang pagtutuunan ng pansin ni Rowell.

Paano nga naman makakapag-rehearse ang apat kung sina Popsat Zsa Zsa ay nasa Amerika at sa December 2 pa ang balik nila? Paalis din siKuh this weekend. Si Regine lang ang naiwan dito, pero busy rin siya sa promong Low Key album niya sa Universal Records.

Pinilit ni Kuh na pagsamahin silang apat sa isang majorconcert, pero nagkakaproblema sa hectic schedules nilang apat. Hindi langkasalanan nina Pops at Zsa Zsa, kundi nilang lahat.

In fairness, excited ang apat sa first time nilang pagsasama-samasa isang concert. Si Kuh pa nga ang in-charge sa gowns na kanilang isusuot, atpati sapatos ay ibinili niya ang tatlo para pare-pareho silang bongga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
As of today, ang choreographer na si Douglas Nierrasna ang direktor ng Divas 4 Divas at siguradong magkakaroon ngpagbabago sa takbo ng concert. Kilalang istrikto si Douglas, makatikim kaya ngtalak sa kanya ang apat na divas na sa halip na mag-rehearse ay travel nangtravel ang iba sa kanila?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN