PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FIRST READ ON PEP: Vilma Santos signs three-movie contract with Star Cinema

Vilma signs contract with Star Cinema, which includes a movie with Sharon Cuneta.
by Mell T. Navarro
Published Nov 26, 2008
"Naku, ang mga constituents ko, sabi ko sa kanila noon one time, ‘Puwede ba akong makagawa ng kahit isang movie, wala ba sa inyong magre-react?' Sabi nila, wala naman daw. Pumayag sila. Tapos ngayon, sila na ang nagtatanong, kelan na raw ba ako gagawa ng movie? Pumayag na sila, kahit ang mga pari doon, nagpasabi. So, may blessings nila ako to do a movie," says actress-governor Vilma Santos.

Sa wakas, makalipas ang apat na taon ay balik-pelikula na ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos. Huling napanood si Vilma sa big screen sa pelikulang Mano Po 3: My Love ng Regal Entertainment noong 2004, bagamat nagkaroon siya ng guest appearance sa D' Lucky Ones ng Star Cinema noong 2006.

Kaninang tanghali, November 26, sa Bohol Room sa 14th floor ng ELJ building ng ABS-CBN, ay pormal nang pumirma ang multi-awarded actress ng movie contract niya under Star Cinema. Alas-dose ng tanghali ang call time para sa ilang piling press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na ipinatawag ng Star Cinema at ABS-CBN.

"Five to ten minutes na lang po, parating na si Gov.," sabi ng Corporate PR staff ng Dos sa harap ng mga press people na unti-unti na ring nagdaratingan. Hanggang sa dumating na nga si Vilma, at halatang nanibago sa nakitang set-up na presidential table, at "theater style" ng mga ilang silya sa harap ng table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkarating pa lang ni Vilma ay magiliw itong lumapit at bumati sa entertainment press na nasa unahan na niya at kumaway na lang sa ilan na nasa bandang likod.

"Nakakapanibago!" bungad na sambit ni Ate Vi. "Hindi na ako sanay! Sa Batangas kasi, ibang ambiance at mga tao sa presscons ko, e, at usually, tungkol sa projects ko sa province namin ang topic."

Bago umupo sa presidential table ay ipinakilala muna ang magaling na aktres sa ilang station managers ng ABS-CBN na nasa kabilang room lang. Maya-maya ay dumating na ang big bosses ng Kapamilya network na si Mr. Gabby Lopez (chairman and COO) and Ms Charo Santos-Concio (president), na kasamang pipirma ng contract.

"Parang ang press po ang tatayong witnesses sa contract signing na ito," sabi pa ng staff kay Ms. Charo.

After a few minutes, naganap na ang contract signing ni Vilma for Star Cinema. Present din si Ms. Malou Santos, managing director ng nasabing giant film outfit. "Puwede bang basahin ulit?" biro pa ni Vilma, bago pumirma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DOUBLY EXCITED. After the usual photo op at pagbibigay ng bouquet ni Mr. Lopez sa Star for All Seasons, pinutakte na si Vilma ng print and TV media sa harap.

"Dapat talaga last year pa ito, pero dahil busy nga ako sa Batangas, di kinaya. Finally, heto at masayang-masaya ako dahil natuloy na rin at long last," sabi ni Vilma, na nandoon pa rin ang very candid niyang reaction and mannerisms na paghawak sa pisngi o braso man ng mga close na reporters sa kanya.

Wala pang definite title ang comeback film ni Vilma, kung saan makakasama niya sina John Lloyd Cruz at anak niyang si Luis Manzano. Ito ay ididirek ni Olivia Lamasan.

Unang nagkatrabaho sina Direk Olive at Vilma sa telesbisyon, sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya. Ito naman ang first movie ni Vilma sa multi-awarded and blockbuster director. Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Olive ay ang mga sumusunod: Sana Maulit Muli, Madrasta, Minsan Minahal Kita, Got 2 Believe, at Milan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung may dahilan para maging double excited si Vi, first time niyang makakasama in one film si John Lloyd at kanyang anak na si Luis.

Kailan ang official start nila ng shooting sa sinasabing "movie event of 2009" mula sa Star Cinema?

"Anytime this Dcecember ay magsisimula na kami ng two shooting days," pagbabalita ni Vilma. "Then, ang resume na namin ay sa February na next year, dahil hahabulin namin ang snow sa New York. May eksena kasing dapat may snow. Pagbalik ko doon, April na dahil sasamantalahin ko naman ang summer vacation ko. At mga three weeks kami doon."

Sixty percent daw ng pelikula ay sa New York kukunan. May September 2009 playdate na rin ito, ayon pa rin sa aktres, in time marahil sa anniversary ng Star Cinema.

"Ibang klase ang movie na ito, kaya I'm sobrang excited!" bulalas ni Ate Vi. "Hindi kasi ito drama-drama, kundi parang light comedy-drama. Para bang milder Ai-Ai [delas Alas]. Pero maiiyak ka pa rin sa drama scenes dahil basically, tungkol pa rin ito sa family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit sa Star Cinema niya piniling gumawa ng kanyang comeback movie, after her last film na Mano Po 3 ng Regal four years ago?

"Marami na kasi kaming pinagsamahan ng ABS-CBN at ng Star Cinema, e," sabi ni Ate Vi. "Ang magaganda at memorable movies ko ay dito, like yung Anak at Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

"Yung contract ko dito, dapat nga noon pa. Nagkakaso pa nga ako, pero na-dismiss na ‘yon. At talagang na-miss ko ang paggawa ng pelikula. I hope magutuloy-tuloy na talaga.

"No'ng pagpunta ko nga dito, kinakabahan ako, e. Excited kasi talaga ako, at sobrang nami-miss ko na ang showbiz!"

Ano nga ba ang role or character niya sa comeback movie niya?

"Isa akong masungit na librarian dito. Na sa sobrang kasungitan, pati pusa ay pinapatulan. Magmi-meeting pa kami ni Inang [Direk Olive]. Ang gusto nga nila, mukha akong dilapidated, like gusto nila, may puson ako! Kahit sa library, masungit ako sa movie. It's something new, kaya kaka-excite!" masaya niyang kuwento.


Nangyayari ba sa kanya yun sa totoong buhay, yung character niya na masungit?

"Well, behaved na ako," ngiti ni Ate Vi. "Pero huwag lang talaga ako mapupuno, lalaban ako. Mahaba talaga ang pisi ko, pero napupuno rin naman ako siyempre."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maya-maya ay nag-request na ang mga namamahala ng presscon na mag-lunch break muna ang lahat, habang si Vilma ay makakasamang mananghalian ang big bosses ng ABS-CBN na sina Sir Gabby at Ma'am Charo, sa kabilang executive lounge.

MOVIE PLOT. Nang mag-resume na ang chikahan with Vilma, parang mas naging energized ito sa pagkukuwento, maging ng buong plot ng movie, na in a few times ay nadudulas ito sa walang patid na chika.

Nang bulungan siya ni Chit Guerrero [ABS-CBN's business unit head for special projects], sabi ni Vilma, "Ay, di ko daw pala dapat ikuwento lahat, so kayo ang mag-edit niyan, ha? Edit-edit-edit, please!" natatawang pakiusap at paglalambing ng aktres sa press.

Sa movie, ina ng tatlong anak si Vilma. Isa nga dun si Luis na discreet gay pero may karelasyong isa pang gay, to be played by John Lloyd.

Bilang real mom ni Luis, hindi ba siya na-bother o nagdalawang-isip na tanggapin ng anak nito ang gay role at may kissing scene pa yata with John Lloyd sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naku, sila ang nagdesisyon niyan, huh?" tawa ni Vilma. "Ang Star Cinema talaga ang nakipag-negotiate at nag-convince niyan kay Lucky. Pero sabi ko nga kay Luis, ‘Don't worry! Ako ang sasagip sa ‘yo! E, siyempre, anak ko ‘yon at ayoko naman siyang mapahiya, di ba? Sabi ko, ‘Wag kang mag-worry, ‘nak, sagot kita [sa kissing scene]!' Kung tinanggap man ito ni Luis, hindi ako nakialam sa desisyon niya."

Sa mga panayam ni John Lloyd, inamin nitong dream come true para sa kanya ang makasama ang award-winning actress sa pelikula.

"Alam n'yo, magaling na artista si John Lloyd. Siya yung tipong, kapag nakikita ko siya, ang nakikita ko ay si Dindo Fernando! Di ba, kahit sa acting, para siyang si Dindo? Lima ‘ata ang napagsamahan naming movie ni Dindo, like Karma, Langis at Tubig, at Gaano Kadalas Ang Minsan."

Sa movie, hindi naging maganda ang samahan nina Vilma at ang asawa nito na ama ni Lucky sa movie. Biro ng isang entertainment editor, "True to life ba, Vi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oy! Naka-recover na ako, huh!" halakhak ng actress, na ikinatawa rin ng lahat ng nakapaligid sa kanya.

CONTRACT WITH STAR CINEMA. Ang pinirmahan pala ni Vilma na kontrata sa Star Cinema ay tatlong movies. Isa with John Lloyd, isa with her son Luis, at isa with Megastar Sharon Cuneta. Ito ang kinumpirma ng aktres.

"Pinagsama ko na ang John Lloyd-Luis project. Dahil sa trabaho ko bilang governor, we can't be sure kung magagawa ko pa yun nang bukod. Kaya sabi ko, ‘Pag-isahin na lang natin,'" saad niya.

Ano nga kaya ang inaasahan niyang magiging scenario pag nakatrabaho na niya sa shooting ang anak na si Luis, who's playing a gay character?

"Naku, hindi ko alam kung paano ako magre-react sa anak ko! Ni wala kaming workshop-worshop, ha! Sila-sila ‘ata ang nag-workshop. Pero mas gusto ko yun, mas maganda yun na wala akong idea sa pag-atake niya. Para pag nakita ko na ang acting niya, do'n na lang lalabas ang reaction ko. Kesa sa kapag nag-workshop, parang aral na aral o alam ko na ang gagawin niya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, si Luis pa, kilala n'yo naman ‘yon na makulit. Pero pagdating naman sa trabaho, nagseseryoso yun. Babatukan ko siya pag di siya nagseryoso dito!" tawa ni Vilma.

Dagdag niya, "In denial kasi ako as a mother niya dito. Pero at the end, wala akong magagawa dahil makikita ko ang kasiyahan niya sa relasyon nila ni John Lloyd, pero in denial pa rin ako."

May nangumusta naman sa talent fee niya at sa anak, na mina-manage ni June Rufino. June is also the manager of Edu Manzano, Luis's dad.

"Hindi ko alam yung sa kanya, e. Iniisip ko lang, na baka nga tinaasan niya ang TF niya at kinol ng Star Cinema, para tanggapin niya!" tawa ulit ni Vilma.

VI FOR VP? Siyempre pa, hindi nakaligtas si Vilma sa tanong ng press kung siya nga ba ay tatakbo para sa vice presidency sa taong 2010. Sabi-sabi, hinihikayat daw siya ng Malacañang upang i-consider ang pagtakbo for VP ng bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm not entertaining it," diretsong tugon nito, pagkatapos magseryoso ang mood.

Not yet?

"Hindi, hindi... Kasi, alam n'yo, madali kasing magsalita ng patapos. Kasi, malay mo, may mga magkakatapat... Kaso, iba talaga yung sinasabing may ambisyon ang isang tao, sa walang ambisyon. Pero sa akin, wala naman akong ganun, e. Kung ngayon mo ako tatanungin, Batangas is my focus. I don't see myself in a national position someday," deklarasyon ni Vilma.

Idinagdag pa ng aktres na sa kanyang Batangas constituents daw ay naiintindihan ang kanyang unang minahal na trabaho—ang pag-aartista.

"Naku, ang mga constituents ko, sabi ko sa kanila noon one time, ‘Puwede ba akong makagawa ng kahit isang movie, wala ba sa inyong magre-react?' Sabi nila, wala naman daw. Pumayag sila. Tapos ngayon, sila na ang nagtatanong, kelan na raw ba ako gagawa ng movie? Pumayag na sila, kahit ang mga pari doon, nagpasabi. So, may blessings nila ako to do a movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAMEO ROLE. Lastly, may cameo role pala sa pelikula ang gaganap na asawa niya na ang naging anak ay si Luis. Si Vilma na mismo ang nagbalitang balak niyang kausapin si Edu Manzano to play the role.

"Maglalambing ako kay Eduardo!" bulalas niya. "One day lang naman, e. Sasabihin ko sa kanya, ‘Nag-guest ka ng one day sa movie ni Ai-Ai, di ba? So, dapat pati sa akin!' Kung papayag lang naman siya, why not?

"Yung sa amin ni Luis sa film, mas mapi-feel ko yun dahil tunay ko siyang anak. Yung character ko as his mother, mararamdaman ko yun. Tapos, mukha pa ng tunay kong anak ang kaeksena ko, exciting, di ba?" masayang pagwawakas ng Star for All Seasons.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naku, ang mga constituents ko, sabi ko sa kanila noon one time, ‘Puwede ba akong makagawa ng kahit isang movie, wala ba sa inyong magre-react?' Sabi nila, wala naman daw. Pumayag sila. Tapos ngayon, sila na ang nagtatanong, kelan na raw ba ako gagawa ng movie? Pumayag na sila, kahit ang mga pari doon, nagpasabi. So, may blessings nila ako to do a movie," says actress-governor Vilma Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results