Tito, Vic & Joey recall their road to success

"At isa pang sikreto namin, kaming dalawa niVic, magkapatid, pero ang tratuhan namin, magkaibigan. Sina Joey at Vic,magkaibigan, pero ang tratuhan nila magkapatid, gayundin kami ni Joey. So,ibang klase," says Tito Sotto (left).



Nagmistulang nostalgic moment ang press conference ngpelikulang Iskul Bukol: 20 Years After—ang reunion movie ng comic trio na sina Tito, Vic & Joey—kahapon, November 25, sa Marina restaurant, Timog Ave, Quezon City.

Unang binalikan ng tatlo ang pagsisimula ng Tito, Vic& Joey.

Ayon sa kuwento ni Tito Sotto, nagsimula ang kanilangsamahan noong 1972. Nabuo ang grupo nila sa gag show na OK Lang sa Channel 13, ang datingnangunungang network sa bansa. Kasama rin nila sa OK Lang sinaDanny Javier, Jim Paredes at Buboy Garrovillo, na mas kilala ngayon bilang APOHiking Society.

Nagkaroon ng iba't ibang format ang show kung saankailangan nilang gumawa ng kanya-kanyang gags. Doon na rin nagsimula, ayonkay Tito, na magkaroon ng faction sa grupo.

"Yung APO na dating marami rin ay naging tatlo na lamang,which is sina Danny Javier, Buboy Garrovillo, at Jim Paredes. Naging Vic-Joey.Naging Tito-Ricky [Manalo]," kuwento ni Tito.

Yun daw ang samahan nila noong araw pagdating sa gags.Hanggang sa mabili ang IBC ng Interisland Broadcasting Corporation, pero hindi nakasama sabilihan ang OK Lang.

Ngunit ang naturang gag show raw ang nagbigay daan paramaging matalik na magkaibigan sina Vic at Joey, habang sina Tito at Joey naman aymatagal nang magkakilala.

Pagkatapos ng OK Lang, kinuha ni Bobby Ledesma si Joey upangmag-co-host ng Discorama, isang show sa dating GMA-7. Hanggang sa kinailangannang magpunta ni Bobby sa abroad. He left the show to Joey and asked him to look foranother co-host.

Si Joey naman ang nagkuweto kung paano nakasama sa Discoramaang magkapatid na sina Tito at Vic.

"Ang ginawa ko, naisip ko ang mga dating kasama ko sa OKLang. Tinawagan ko ang Sotto brothers, pero ayaw ni Val dahil nagwo-work nasiya, sa Manpower yata yun. Pero kung natuloy si Val, ang magiging pangalan sananamin ngayon: Tito, Vic, Val, and Joey!" pagbabalik-tanaw ni Joey.

Sina Tito at Vic lang daw ang sumagot sa imbitasyon ni Joey.Pagkatapos nito ay gumawa na si Joey ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Joey, "Ang ginawa ko, 'Tough Hits,' mga kalokohangkanta dahil ginagawa na namin noong panahon ng ‘70s, OK Lang, at saka mga news.Nagkataon na pasara ang show... Kaya pala iniwan ako, papalitan na ng StudentCanteen [defunct noontime show] yung show. Pinch-hitter kami ng Student Canteen.Binabayaran kami ng 200 [pesos] noong araw. Kapag absent si Eddie [Ilarde],papalit kami. E, nagkataon na may ratings... Yung ratings noong araw, hindi katulad ngayon. Yung ratings noon, everytwo months yata. Natiyempo naman na pinapanood pala kami, at maraming natutuwasa mga 'Tough Hits' news.

"So, nag-decide ang PPI [Program Philippines Inc.],nag-extend ang Discorama. At doon officially ipinanganak ang Tito, Vic &Joey sa Discorama. Tapos hayun na, may mga tukso na... Alok ng noontime show.Tatlong kumpanya ‘yan, isa na yung ginoong naka-asul dito [referring to TonyTuviera of TAPE Inc.]. Pero alok lang, wala kaming tinatanggap. Nabalitaan ngPPI ‘yan, medyo nagtampo.

"Isang hapon, sa GMA-7, iba pa ang pangalan noon... Sabi niBobby Ledesma, ‘What's this I heard that you're accepting a show against us?'Sabi namin, hindi totoo. Loyal kami. Kami ang pinaka-loyal na tao sa TV. Walangiwanan talaga.

"Sumama ang loob namin noong sinabi ni Bobby na, ‘Ano yungnarinig namin na tinatanggap n'yo?' Hindi namin pinansin. Natapos ang show nawalang kibuan. At the end of show, hindi kami mapakali. Galit, e. Binanatan pakami ng isang famous line na, ‘O, paano, guys, I won't be seeing you nextSaturday?'

"Hurt kami! Hurt kami at sa hiya namin, hindi na kamipumasok. Tumambay kami sa opisina ni Tito dahil at that time, si Tito, vice president for production ng Vicor Records. Wala...inaabutan lang kami ng 50 pesos ni Tito. E, hindi kami hinabol ngPPI! Lalo kaming na-hurt! Hanggang sa nabalitaan namin na kinuha na yung APO[Hiking Society]. Madrama, e, madrama ang istorya namin. Kami naman, tumambayna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BIRTH OF EAT BULAGA! Alam daw nilang mahirap banggain ang Student Canteen noondahil isa na itong institusyon. Pero nag-set daw sila ng meeting sa dalawangproducers na interesado sa kanila—si Tony Tuviera at ang yumaong si Boy Gatus.Kung sino raw ang mauunang dumating sa parking lot ng Intercon Hotel, na siyangmeeting place nila, yun daw ang tatanggapin nila ang offer.

Si Mr. Tuviera ay dumating 30 minutes ahead of Mr. Gatus,kaya ito ang tinanggap na offer nina Tito, Vic & Joey.

Hirit ni Joey, "Ang masakit kay Boy Gatus, sumalangit nawa,yung dala niyang champagne, yun pa ang ginamit naming pang-celebrate! Okey langdin naman si Boy, pinoprodyus niya ang Iskul Bukol kaya friends kami.

"Dagdagan ko pa ng konti, para mas cute," patuloy ni Joey. "Si Vic, sabi niya,‘Kaya ba natin? Student Canteen ang katapat natin?' Ang Student Canteen, hindilumalakad ang sales nun, nakaupo lang. Naghihintay lang ng tawag. Talagang, ‘A,puno na po kami. Sorry.' Pero yung sa amin [Eat Bulaga!], talagangnagpapakahirap. Sabi ni Vic, natatandaan ko pa, sabi nito, ‘Basta magka-kotselang ako, saka natin iwanan si Mr. T!'" na ikinatawa ng lahat, even Mr. Tuvierahimself.

Dugtong ni Joey, "E, siyempre, Student Canteen, sisiw kami! Binago naminyung...naka-amerikana, naka-tie, naka-long sleeve yung mga host. English halosyung salita, e. Hindi namin alam na namulat na pala ang mga viewers. Ibang alternative ‘to, mga tambay...Nagkadikitan sa rating, hayun na, nagtuloy-tuloy na."

Bawi naman ni Vic, habang tumatawa, "Nagka-kotse na ako,pero hindi ko naman iniwan ang Eat Bulaga!"

Pero may revelation pa rin si Joey kay Vic. Ani Joey,"Matindi rin ‘yan, may kabakyaan din ‘to... Ang unang kotseng binili niya,Toyota, pero yellow!"

Ang Eat Bulaga! na title ng noontime show ng tatlo ay siJoey ang nakaisip. Dahil tuwing pananghalian ang kanilang show, naisip ni Joeyna gamitin ang "Eat." At dahil balak nilang punuin ng sorpresa ang programakaya "Bulaga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Joey, nabuo raw niya ang pangalan ng show sa kusinani Tito.

"Nakakakilabot ito," simula niya. "Noong nabuo ko yun, angkasama kong tao ay Jess Espiritu, isang kaibigan ni Tito. Nasa kusina noongmaisip ko yung pangalan. Jesus, saka Espiritu—holy spirit, so blessing... Athangga't may bata, may Eat Bulaga! Parang, habang nilalaro mo ang anak mo, ‘eatbulaga!'"

ISKUL BUKOL, THE SITCOM. Ang title naman na Iskul Bukol, na sitcom nila from 1977 to1987, ay galing sa ilang mga usong salita noon katulad ng "Hi there,spider!"; "How sweet, Guy and Pip"; at iba pa.

Trivia rin ni Joey na ang una raw inalok sa Iskul Bukol ayang APO Hiking Society.

"Yun nga lang," sabi ni Joey, "ang siningil yata ni Danny[Javier], two thousand each sa sitcom. E, kami, cheap, eight hundred! Pero kungtinanggap ng APO ‘yan, hindi rin lalabas ang mga pangalang Ungasis at Escaleradahil sa amin galing ‘yan, e. At ang magulo, ginulo pa namin, kami ni Tito paang naging magkapatid sa show."

Iskul Bukol was the highest-rating show during that time.Pero after ten years, they decided to say goodbye to the show.

Kuwento ni Tito, "Ang taas pa rin ng rating nun! Kaya lang,wala nang puntahan, e. Graduate na rin yung dalawang luko-luko [Escalerabrothers]. Grumadweyt na rin kahit papaano.

"E, naisip namin, ayaw naming magkakaroon ng TV show naisinara dahil hindi na nagre-rating. Ayaw naming umabot sa ganoon. Kaya namannag-usap-usap kami na habang at its peak, iwan natin para mabango. E, itinuloypa rin ni Boy Gatus for a while, pero binigyan pa rin ng ibang character."

And after 20 years nga ay ibinalik nila ang Iskul Bukol sa pamamagitan ng 2008 Metro Manila Film Festival entry na Iskul Bukol: 20 Years After.

FORMIDABLE TRIO. Ang pangalan naman nilang Tito, Vic & Joey ay definitelynot according to age, popularity or anything. They just based it kung ano angmagandang pakinggan. Sinubukan din daw nila ang ibang combination, pero angTito, Vic & Joey raw talaga ang pinakamaganda at mabilis pakinggan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang dekada na nga ang samahan nina Tito, Vic & Joey.Was there a time na nagkaroon sila ng tampuhan or pag-aaway at paano nilanaayos?

"Bihirang-bihira, e," sagot ni Tito. "Kung magkakaroon mankami ng tampuhan, dahil lang sa mahjong or kaya sa poker! Kahit sa babae,magkakaiba kami ng type... But seriously, girls, never na naging issue. Hanapbuhay,never na naging isyu.

"Pero isang sikreto siguro namin, hindi lang sa hanapbuhaykundi sa samahan namin, kami lang ang undemocratic. Sa samahan namin,undemocratic. Walang majority. Sa amin, one can rule. In other words, one forall, all for one. Kung ayaw ng isa, hindi tutuloy. Wala kaming pipilitin. Kapagumoo lahat, okey, gagawin. Pero kapag may kumontra, wala na."

Dugtong naman ni Vic, "Hindi lang sa amin, ‘no, pero isasiguro sa pasasalamatan namin na patuloy na pagbibigkis sa aming tatlo ay siMr. Tony Tuviera. Kumbaga, parang kuya namin. Malaking bagay sa amin yun."

Ayon pa kay Tito, never daw silang nagkaroon ng malaking awayo malaking diskusyon. "At isa pang sikreto namin," aniya, "kaming dalawa niVic, magkapatid, pero ang tratuhan namin, magkaibigan. Sina Joey at Vic,magkaibigan, pero ang tratuhan nila magkapatid, gayundin kami ni Joey. So,ibang klase.

"At saka, parang natitimpla na agad. Kapag mainit ang ulo ngisa, huwag mo nang kausapin. Kahit kailan, walang pilitan sa amin. Convincing,meron. Kapag nakumbinsi mo, tuloy kayo."

Never din daw dumating sa puntong nanganib na mabuwag anggrupo nila.

Sabi ni Tito, "Alam n'yo, kahit anong undertakings ng isa saamin, kapag may nagso-solo, walang selos. Suportahan pa. At kung mapapansin n'yo,kauna-unahang gumawa ng album sa amin, si Vic, pero kami ni Joey ang gumawa.Suportado namin. Walang nag-solo sa amin na, hiwalay lang, solo-solohan. Wala,e. Palaging naka-support pa rin kami. Hindi kami naghiwa-hiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"It goes back again, our source of power, si TonyTuviera, sa Eat Bulaga!. Yun ang sikreto kaya mas solid palagi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN