Hazel Ann Mendoza and Joross Gamboa play lovers in "Eva Fonda"

Young actress Hazel Ann Mendoza plays the best friend of Cristine Reyes and the love interest of Joross Gamboa in the ABS-CBN upcoming primetime series Eva Fonda.



Kasama ang aktres na si Hazel Ann Mendoza sa bagongprimetime series ng ABS-CBN, Eva Fonda, na mapapanood simulaDecember 1. Ginagampanan dito ni Hazel ang papel bilang best friend ng bidangsi Cristine Reyes.

Ang Eva Fonda ay hango sa pelikulang Mrs. Eva Fonda, 16 na pinagbidahan ni Alma Moreno noong 1976.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Hazel kahapon, November27, sa presscon ng Eva Fonda sa ELJ Building ng ABS-CBN, sinabi niya na gaya niCristine ay nagulat din siya nang malaman niyang ipalalabas na ang serye nilanext week.

Kuwento ni Hazel, "Nung natapos yung taping namin last month, or two months ago na yata,sinabi sa amin na next year ipapalabas, sabing ganoon. So, sabi namin, 'Okey,tagal pa!' Tapos nung nagka-trade launch, sinabi sa amin, 'O, sabihin ninyoDecember 1 na ang Eva, ganyan.' So, parang kami, ‘Ay, talaga po? Okey po!'Tapos biglang may presscon sa Huwebes, ganyan."

LOVE SCENES WITH JOROSS. Kapareha ni Hazel sa Eva Fonda si Joross Gamboa. Ayon kay Hazel, may lovescenes sila ni Joross dito. Hindi ba siya nailang sa love scenes nila niJoross?

"Ay, hindi po!" mabilis na sagot ni Hazel. "Nagkasama na naman kasi kamisa Gulong ng Palad, e. Nagkatawanan nga kami. Kasi doon sa Gulong, magkapatidang role namin. Tapos ngayon, magkapareha na kami at may kissing scene at lovescenes pa kami. Kumportable na naman kami sa isa't isa kaya wala talagang ilangfactor nung ginawa namin yung love scene."

CHANGING MANAGERS. Sa ABS-CBN nagsimula si Hazel, pero nagdesisyon siyang umalis sa Star Magic atnagpa-manage kay Manny Valera.

Ipinaliwanag ni Hazel kung bakit lumipat siya sapangangalaga ni Manny.

"Kasi nung natapos na po yung kontrata ko sa Star Magic two years ago, angnangyari po... Ang huli ko sa ABS-CBN ay yung Gulong ng Palad. Tapos, wala na poakong naging regular [show]. So, parang ako, okey praktikal, gusto konamang may regular show dahil ako ang breadwinner sa family namin. Yun poang nangyari, si Direk Manny, kinuha nga po ako, ganyan. Tapos inilagay niyaako sa afternoon soap ng GMA-7, yung Kung Mahawi Man ang Ulap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAZEL'S EX-BOYFRIEND. Si Mhyco Aquino, dating member ng all-male dance group na Anime, kasama sinaRayver Cruz at John Wayne Sace, ay naging boyfriend ni Hazel. After Mhyco,sino ang sumunod na naging boyfriend ni Hazel?

"Wala pa po," sagot niya. "May mga pa-text-text, mga ganyan, pero hanggangdoon lang."

Bakit hanggang doon lang?

"Sabi ko nga, parang natatakot ako na showbizulit," ani Hazel.


May communication pa ba sila ni Mhyco?


"Wala na. Pero nagkasama kami sa isang show. Incidentally, pareho pala kaming manager, kay Direk Manny na rin pala siya. Nagkaroon ako ng show saCagayan de Oro. Dapat ay si Alwyn Uytingco ang kasama ko. Kaso, biglangnagkaroon ng conflict sa schedule ni Alwyn. So, ang ipinalit sa kanya, siMhyco. So, nagkita kami sa airport," kuwento ng dating child actress.

Pero nagkaroon naman daw sila ng chance na magkausap.

"Nag-open siya na meron nga raw siyang girlfriend, ganyan. Pero hindi parin daw siya seryoso dahil bata pa raw siya, sabi niyang ganun. Parang pa-fling-flinglang daw siya. Ako naman, sabi ko, me mga nanliligaw. Ganun lang ang mgapinag-usapan namin."

Nang makita ba niya si Mhyco ay wala ba siyang naramdamang kakaiba o di kaya'y nanumbalik ang nakaraan nila?

"Wala na talaga," diin ni Hazel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN