Joross Gamboa challenged by daring role in "Eva Fonda"

"Tinanggap ko ito as a challenge, yung role naano... Kasi hindi naman talaga ako sanay sa mga bed scenes, sa mga sexy scenes... Para sa akin, nadadagdag ko ito sa mganatututunan ko bilang aktor at bilang isang tao. So, sana sa future, ma-applyko yung mga ganito. Hindi sa totoong buhay yung mga bed scenes, a...!" says Joross Gamboa.



Kasama ang young actor na si Joross Gamboa sa bagongprimetime drama series ng ABS-CBN, ang Eva Fonda. Pinagbibidahanni Cristine Reyes, ang Eva Fonda ay mapapanood na sa Primetime Bida ngABS-CBN simula December 1.

Dito ay hindi si Joross ang leading man ni Cristine kundi siJason Abalos. Bakit tinanggap ni Joross ang project kahit na hindi siya angleading man ni Cristine?

"Tinanggap ko ito as a challenge, yung role naano... Kasi hindi naman talaga ako sanay sa mga bed scenes, sa mga sexy scenes...Kapag naaalala ko yung mga eksena kong yun, naiiyak na naman ako!" biro niJoross sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kidding aside, para sa akin, nadadagdag ko ito sa mganatututunan ko bilang aktor at bilang isang tao. So, sana sa future, ma-applyko yung mga ganito. Hindi sa totoong buhay yung mga bed scenes, a! Maa-apply kosa iba pang acting na gagawin ko," paliwanag ng Star Circle Questalumnus sa presscon ng Eva Fonda kahapon, November 27.

Pero meron din naman siyang kapareha sa Eva Fonda, si Hazel Ann Mendoza. Gaya nina Cristine at Jason, meron ding maiinitna love scenes dito sina Joross at Hazel.

Hindi ba tinablan si Joross habang kinukunan ang maiinitnilang mga eksena ni Hazel?

"Siyempre, professional ako, e! Kasiiba ang feeling, ang daming ilaw, ang liwanag, maraming nanonood. So, hindi akomakapag-concentrate!" tawa niya.

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin kung sa movie namansiya may love scenes?

"Depende sa palabas. Depende sa kalagayan ng akingkatawan. Hindi pa kasi ganun kaganda ang katawan ko, e," sagot ni Joross.

Halimbawa, isang art film at maganda na ang porma ng kanyang katawan. Kayaniya bang magpakita ng todo-todo?

"Siguro hindi yung todo-todo, hindi ko kaya yun,"aniya.

What about frontal nudity?

"Hindi ko kaya yun!" tawa niya.

May offer nga raw na isang indie film dati kay Joross, kungsaan may frontal nudity sana siya. Pero dahil hindi niya kayang gawin yun, tinanggihan niya ang offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang naman sa akin yung mga underwear, pero hindipa sa ngayon. Kailangang i-workout ko muna yung legs ko," ani Joross.

Kissing scene sa kapwa niya lalake, kaya niya ba yun?

"Hindi ko rin kaya, e. Kaya nga bilib ako kayJoseph [Bitangcol] at Polo [Ravales], e," banggit ni Joross. Sina Joseph atPolo ang mga bida sa pelikulang Walang Kawala, kung saan nagkaroon sila ngkissing scenes at love scenes.

Marami tiyak ang magugulat kung bakit nalilinya na sa sexy rolessi Joross. Kilala kasi siyang komedyante sa totoong buhay, kaya ang dapat daw sakanya ay sa comedy makilala.

"Sa akin, actually, gusto ko namang i-try lahat,e," sambit niya. "Pero meron pa rin namang touch of comedy yungcharacter ko rito [sa Eva Fonda]. Pero ngayon ko lang na-experience yung mgasexy scenes. Pero masaya, magandangexperience siya."

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife,sinabi ni Joross na wala pa siyang bagong girlfriend. "Pero may dini-date ngaako ngayon," balita niya. "Yung dating-dating naman kasi, para kilalanin langnaman yung mga tao. Hindi porke't nagdi-date kayo ay kayo na. Kaya ngakayo nagdi-date dahil nandun kayo sa stage na gusto ninyong kilalanin angisa't isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN