Ai-Ai delas Alas reveals she has been celibate partly for the sake of her MMFF movie

"Bago ako pumunta ng Vatican, nag-celibate na ako. Mga Julyyun, itinuloy ko na. Serious yun... Sananga lang kayanin ko hanggang next year!" says comedienne Ai-Ai delas Alas.



Nagbabadya na maging box-office hit na naman ang Ang TangingIna Ninyong Lahat ng Star Cinema. Sa trailer pa lamang na ipinakita duringthe press conference for this Metro Manila Film Festival (MMFF) entry sa 14thFloor ng ELJ Building kahapon, November 28, tawanan na ang entertainment press at marami na angnaaliw at nagandahan dito.

Matatandaan na Ang Tanging Ina (2003) ang isa sahighest-grossing films of all time sa Pilipinas, kaya hindi na kataka-taka kungmaging kasing lakas din sa takilya ang sequel nito.

Para naman kay Ai-Ai—who came to the presscon with hersignature color, purple, from head to toe—more than anything else, ang kumitaat magustuhan muli ng mga tao ang first and foremost wish niya sa sequel ngmovie, bago ang manalo pang muli ng Best Actress award.

"Okey lang, bonus na yung manalo ako," sabi ni Ai-Ai. "Peromas gusto ko na talagang panoorin ito ng buong mamamayan, buong barkada, buongpamilya. Kasi nakapaganda nitong pelikula, at mas maganda ito sa Tanging Ina 1. Pero maganda rin yun, di ba? Pero ito kasing Tanging Ina Ninyong Lahat, ito natalaga ang ultimate!"

Ilang ulit sinasabi ni Ai-Ai at ng direktor ng pelikula nasi Wenn Deramas na hindi political movie ang ginawa nila. Kahit, this time,hindi na lamang siya isang nanay ng isang dosenang anak kundi presidente nasiya ng buong bansa.

Ani Ai-Ai, "Ibang version ito. Version namin ito ng isanglider ng bansa na ordinaryong mamayang naging lider. Wala itong tungkol kay GMA[President Gloria Macapagal Arroyo] or sa iba, hindi kami sumasali sa mgaganoon."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Aikung puwede ba niyang i-recommend sa mga may planong tumakbo bilang presidenteng Pilipinas sa 2010 ang pelikula nila.

"Why not?" natatawang sagot naman niya.

Maraming ibang entries na comedy sa MMFF this year, isa na nga ritoang Iskul Bukol: 20 Years After na reunion movie naman nina Tito, Vic & Joey. Maykaba ba sa dibdib si Ai-Ai, lao pa't ang sequel ay palaging nakukumpara saoriginal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman...depende. May sequel naman na kagaya ngSpider-Man, maganda yung second kesa sa first. Nagkataon lang na... Oo,kinakabahan ako in the sense na palagi naman akong kinakabahan kapag maypelikula ako. Pero para maging box-office [hit], naniniwala naman ako na ang sequel,palaging mas mataas ang gross kesa sa original," pahayag ni Ai-Ai.

Dagdag niya, "Siyempre, kinakabahan pa rin ako. Sabi konga, yun ang palagi kong iniiwasan...si Bossing [Vic Sotto]. E, idol ko yun. Atsaka, boss ko yun! Idol ko yun! Amo ko yun sa M-Zet kaya palagi kong gustosana... E, ewan ko ba, ganoon talaga. At least, nakapasa na ako kay Tito Dolphy atsaka kay Bossing [referring to Dobol Trobol], okey na ko run."

Kung siya ang masusunod, mas gusto ba ni Ai-Ai na ipalabasang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat sa MMFF o yung ordinary days lang tulad saPart 1?

"Okey lang, kasi ito naman, pang-family siya. E, di ba, yungMMFF naman, pang-pamilya talaga. Lahat ng pamilya, nanonood talaga. Hindi langpang-pamilya, pang-barkada pa."

For the record, ang Ang Tanging Ina ang highest-grossingcomedy film ng Star Cinema.

AI-AI'S SEX LIFE. Nag-iisa lang nga ang Ai-Ai delasAlas dahil siya lang yata ang kayang magkuwento about her sex life, na sa halipna ma-offend ang karamihan ay nagiging katawanan na lang ito.

When asked kung bakit siya blooming ngayon at kung sino angkarelasyon niya, doon lumabas ang pagiging "celibate" niya simula pa raw noongJuly.

"Wala akong dyowa ngayon. Si Lord! Ang sabi ko nga kayDirek [Wenn], ‘Direk ha, hindi ako nakikipag-sex. Celibate ako ngayon.Alang-alang sa pelikula natin, nagmamalinis ako, Direk!' Totoo yun,"nakakatawang kuwento ni Ai-Ai.

Kailan pa nagsimula yung pagiging celibate niya?

"Bago ako pumunta ng Vatican, nag-celibate na ako. Mga Julyyun, itinuloy ko na. Serious yun... Sananga lang kayanin ko hanggang next year!" tawa niya.

Ayaw sabihin ni Ai-Ai kung sino ang huling nakasama niyabago siya magkaroon ng vow of celibacy. Pero pumayag itong tumango sa blinditem kung tama ang sasabihin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis na tumango si Ai-Ai nang may magtanong kung actionstar daw ba ang kasama niya. Pero hanggang doon na lang at hanggang matapos angpresscon ay hindi nito ni-reveal kung sino ang action star na tinutukoy nahuling naka-sex niya.

Seriously, bakit nga ba niya naisipang magkaroon "muna" ngvow of celibacy ngayon?

"Wala lang, naisip ko lang," sagot ng premier comedienne."Kasi, never kasing naging successful ang love life ko, e. So, sabi ko,kumbaga, may blood compact kami. Baka sakali kung ganito ako, matagpuan ko anglalaking magmamahal sa akin nang tapat."

In fairness, umaasa pa siya pagkatapos ng past relationshipsniya?

"Oo naman!" tawa niya. "Habang may buhay, maypag-asa. At saka, gusto ko rin namang mag-asawa. Pero never talagangnatutuloy, e. Sa tingin ko, baka naman bigyan ko pa ng konting time. Bakameron akong kailangang i-sacrifice."

Bakit naman ang aspetong yun ang naisip niyang i-sacrifice?

"Wala, kasi gusto ko dati na ikasal ako nang virgin ako.Siyempre, hindi ko naman natupad! Sabi ko, dati hindi ako papatol sa may asawa.Tapos, naging kabit ako! Ano ba ‘yan?" tawa niyaulit.

Hirit niya, "Parang gusto ko namang magmalinis kahit konti."

Mukha ba namang nagwo-work ngayon ang pagpa-practiceniya ng celibacy?

"Hindi pa rin, pero siyempre, try and try," sagot niya.

Gaano ba kahirap sa kanya ang magpaka-celibate?

"Sabi ko nga, hindi ako nahihirapan sa ngayon. Kasi parangsa dinadaanan ko ngayon, yun... Bukod sa busy ako, parang dumadaan ako sa phase nglife ko na tinatamad ako. Kaya hindi ako nanonood ng sexy films! Baka mamaya,hindi ko matupad!" halakhak niya.

Paano kapag nakakakita siya ng sexy pictures?

"Hindi...hindi akonaano... Huwag lang yung pelikula siguro, hindi ko kaya!"

Ayon kay Ai-Ai, Pinoy pa rin daw ang type niyang magingkarelasyon.

E, sino nga ba ang dyowa niyang action star na huli niyangnakarelasyon?

"Hindi naman dyowa! Chevers lang!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, parang "tinikman" niya lang?

"Oo! Tinikman niya lang din ako! Ano ba tayo? Kung ano-anoang tinatanong n'yo sa akin. Ha-ha-ha!"

Hanggang kailan niya kaya kakayanin ang vow of celibacy?

"Hindi ko alam, tao lang ako. Kaya nga kapag hindi kona kaya, magdarasal na lang ako, ‘Lord, pasensiya na, hindi ko na kaya.'"

Ano ang rason para mawala ang vow niya?

"Kapag dumating ang lalaking mahal na mahal ko atpagkatapos, sabi niya, ‘Can I taste you?' So, why not?" tawa niya ulit.

Hindi ba naging masarap yung last niya, na ayon sa kanya ayaction star, kaya parang hindi na niya ito feel sundan?

"Ay, hindi, masarap siya!"

So, dahil sa sarap, ayaw niyang mawala ang memory ng last?

"Oo! At saka kasi mahal ko yun, e!"

May nangyari ba sa kanila ni Robin Padilla?

"Ay, secret!" tili niya. "Ayokong magsalita! Huwag n'yonang isama si Robin, hindi naman siya kasali sa movie."

May linya siyang kasabihan na "once a pokpok will always bea pokpok." So, is she a "pokpok"?

"Sometimes!" tawa niya.

"Once a malandi, always a malandi." Is she a malandi?

"Oh, yes! Naku, nagbagong buhay na ako!Lord, tulungan mo ako!" natatawang tili niya."

Paano kung yayain siya ulit ng action star?

"Yayain ako? Oh no! Teka, magdarasal muna ako! This is itLord!" natatawang hirit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN