Baron Geisler feels blessed with several TV and movie projects

"Oo, kasi wala naman talaga akong binibigyan na problemakahit kanino. Nakikita nilang mahal ko ang trabaho ko. Natuto rindahil sa mga kasama ko. Kung wala ang mga kasama ko, hindi ako matututo," says Baron Geisler about his love for his craft.



Walang entry si Baron Geisler sa Cinema One OriginalsDigital Film Festival, pero isa siya sa pinakamaagang artistang dumating parasa awarding ceremony at naging isa sa mga presentor kahapon, November 28, saDolphy Theater ng ABS-CBN.

"Sinusuportahan ko lang ito, kasi mahal na mahal ko angmovies. Lahat ng mga filmmakers talaga, kahit paano, gusto kong maging parte ngcongregation nila. Para naman suporta sa ating industriya," saad ni Baron nangmakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Masaya ring ibinalita ni Baron na kasama siya sa pelikulangBaler na kalahok sa 2008 Metro Manila Film Festival. Sa February next year namanang regular screening ng pinagbibidahan niyang indie film Jay, kung saan nanalosiyang Best Actor sa Cinemalaya.

Kasama rin si Baron sa ABS-CBN primetime series na EvaFonda, na magsisimula nang ipalabas sa December 1. Bukod pa rito ang upcoming primetime series na TayongDalawa, na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Jake Cuenca, at Gerald Anderson.

"I'm very blessed this year. Thank God! Praise the Lord!"sambit ni Baron.

At least, masasabing sa kabila ng mga negatibong intriga sakanya, mapalad pa rin siya pagdating sa trabaho.

"Oo, kasi wala naman talaga akong binibigyan na problemakahit kanino," sabi ni Baron. "Nakikita nilang mahal ko ang trabaho ko. Natuto rindahil sa mga kasama ko. Kung wala ang mga kasama ko, hindi ako matututo."

Aminado si Baron na sa Eva Fonda, posible talaga siyangkatakutan ng mga manonood.

"Sobra! Oo, masasabi ko... Parang ang dating nga rito, parangJoker ng Batman, e... Rapist, psychotic, gago, sira-ulo!" paglalarawan niya sakanyang character.

In fairness, siya ang isa sa mga aktor na parang walangpakialam kung anumang character ang gawin niya.

"Wala! Kasi, ayoko nang nakakahon ako. Gusto ko,maaaring weird or maaaring kakaiba, ayoko ng nakakahon kasi parang hindi kanaggo-grow as an actor. Okey lang sa akin kahit support-support muna. Perosiyempre, deep inside, gusto ko rin maging bida dito sa istasyon ng ABS-CBN orGMA, depende."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakaligtas sa PEP nang banggitin ni Baron ang GMA-7.Tinanong namin kung nagbabadya ba ito ng intensiyon o plano niyang paglipat ngibang network. Pero naging maagap si Baron sa paglilinaw na baka mabigyan ngibang meaning at ma-misinterpret ang sinabi niya.

"Hindi naman, hindi ganoon... Siguro it's more on gusto kongmaging open sa ngayon. But of course, my network pa rin will be ABS-CBN.And the network naman is taking care of me, and I love ABS. But you know, it'sa different world now, e. I'm just open lang. Pero siyempre, in terms ofloyalty, nandoon na yun, e," paliwanag ng dating child actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN