PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo gives priority to acting career and rearing his son

Dennis on issue about Cristine Reyes: "Wala na... matagal nang wala."
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 1, 2008
"Sa itinatakbo ng mga pangyayari ngayon, imposible na magdagdag pa ulit ako. Mas concentrated ako sa career ko talaga. Tapos, lumalaki na nga si Calix, kaya gusto ko nababantayan ko siya sa paglaki," says Dennis Trillo.

Natawa na lang si Dennis Trillo sa nakarating sa kanyang balita na ayaw raw ng ina ng kanyang anak na si Carlene Aguilar na magkaanak siya sa iba dahil gusto nito na priority nito ang anak nilang si Calix Andreas.

Sa naganap na big launch kay Dennis bilang celebrity endorser ng Soda sa Trinoma Mall kahapon, November 30, ay sinagot niya ang mga tanong ng taga-media tungkol sa binitawan na statement na iyon ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang anak.

"Sa totoo lang naman, wala talaga akong balak na magkaanak muna ulit," ngiti ni Dennis. "Sa itinatakbo ng mga pangyayari ngayon, imposible na magdagdag pa ulit ako. Mas concentrated ako sa career ko talaga. Tapos, lumalaki na nga si Calix, kaya gusto ko nababantayan ko siya sa paglaki. Nag-usap naman kami ni Carlene at talagang si Calix ang priority naming dalawa. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kaya dahil sa nagseselos si Carlene na naman kay Cristine Reyes na balitang may relasyon pa rin daw sila hanggang ngayon?

"Si Cristine? Wala na... matagal nang wala," diin ni Dennis. "Ayoko namang isipin na nagseselos si Carlene. Siguro natanong lang siya at nasagot lang niya maayos. In regards kay Cristine, matagal na kaming walang communication. Matagal na talagang wala na kaming ugayan sa isa't isa.

"Alam ko na may TV show siya ngayon at congratulations sa kanya. Pero ang i-link pa ako, huwag na lang kasi luma na ‘yang issue na ‘yan. Matatapos na ang 2008 kaya iwan na natin ‘yan sa nakaraan."

MOVIES NEXT YEAR. Ipinagdiinan din ni Dennis na loveless siya ngayon at ang trabaho niya ang kanyang hinaharap.

Bukod sa top-rating primetime show niya sa GMA-7 na Gagambino ay may mga pelikula siyang sisimulan na next year. Kabilang dito ay ang matagal nang proyekto na may working title na My Other Man na ididirek ni Maryo J. de los Reyes at isang movie ulit with Judy Ann Santos after ng hit na tandem nila sa Mag-ingat Ka Sa... Kulam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Dennis, "Supposed to be nga kasama ako sa Shake, Rattle & Roll X. Pero kakatapos lang kasi noong Mag-ingat Ka Sa...Kulam, kaya napagdesisyunan namin ng manager ko [Popoy Caritativo] na huwag muna akong gumawa ng horror movie. Yung sa SRR X kasi horror na naman ang gagawin ko. Kaya pahinga muna.

"Yung movie with Juday, excited ako kasi matagal din naming ginawa yung Mag-ingat Ka Sa...Kulam. Almost half of the year, sinu-shoot namin ‘yon kaya naging maganda ang bonding naming dalawa. Excited ako to work with Juday again.

"Tungkol naman sa My Other Man," patuloy ni Dennis, "matagal na dapat ‘yon nagawa pero nagkakagulo sa schedules ko, tapos yung script hindi pa yata natatapos. Tapos naghahanap ng actress na babagay sa role na married woman, na ako ang magiging kabit niya.

"Maganda yung story at chance ko to work again with Direk Maryo, this time sa pelikula. Okey kasi ang working relationship namin noong ginawa namin ang afternoon drama na Magdusa Ka. Sana nga sa 2009 ay masimulan na namin ‘yon."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CHRISTMAS PLANS. This Christmas ay nasa Pilipinas lang daw si Dennis kasama ang kanyang pamilya. Marami raw kasi siyang magiging trabaho ngayong December kaya hindi siya makapagbakasyon sa ibang bansa.

Mabuti naman daw dahil may mga plano siyang gawin na kasama ang anak nila ni Carlene na si Calix. "Gusto ko siyang ipasyal sa maraming lugar. Natutuwa siya kapag maraming ilaw at kapag may music. Gustung-gusto niya kapag may music talaga kasi parang napapasayaw siya.

"Mag-uusap pa naman kami ni Carlene kung paano ang arrangement sa anak namin this Christmas. Baka rin kasi may mga plano siyang iba kaya kailangan maayos kaming mag-usap," saad ni Dennis.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa itinatakbo ng mga pangyayari ngayon, imposible na magdagdag pa ulit ako. Mas concentrated ako sa career ko talaga. Tapos, lumalaki na nga si Calix, kaya gusto ko nababantayan ko siya sa paglaki," says Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results