Sara Duterte calls Antonio Trillanes a "wannabe"

Apr 29, 2016
<p>Sara Duterte slams Sen. Antonio Trillanes IV for accusing her and her father Mayor Rodrigo Duterte for allegedly having a joint account containing millions of hidden wealth.</p>

Bumuwelta si Inday Sara Duterte, anak ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte, hinggil sa akusasyong mayroon sila umanong joint account sa isang branch ng bangko sa Pasig City at naglalaman umano ito ng milyun-milyong hidden wealth.

Nitong Miyerkules, April 27, sinabi ni vice-presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV na may joint account si Duterte at anak na si Sara sa branch ng BPI sa Julia Vargas, Pasig City.

Naglalaman diumano ito ng P211 million, ngunit hindi idineklara ni Duterte sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, hinamon ni Sara si Trillanes na magsampa ng kaso laban sa kanyang ama.

“Just file a case so that we will know whether you are telling the truth or not,” post ni Sara sa kanyang Instagram account ngayong Biyernes, April 29.

“Alam ng lahat ano’ng klaseng tao ka, wannabe.

Continue reading below ↓

“Walang good vibes today.”

Taglay rin ng nasabing caption ang caricature ni Duterte, kung saan makikita na hinihila siya pababa ng kanyang mga katunggali, habang hinihila naman siya pataas ng kanyang mga tagasuporta.

Nauna nang hinamon ni Rodrigo Duterte si Trillanes na mag-file ng kaso laban sa kanya hinggil sa akusasyon nito.

Inamin ni Duterte na mayroon nga siyang dalawang bank accounts sa nasabing bangko, pero naglalaman lang daw ang mga ito ng P50,000 at P17,000; hindi P211 million, gaya ng bintang ni Trillanes.

Samantala, hinamon naman si Duterte ng iba pa niyang katunggali sa pagka-presidente na ipaliwanag ang inaakusa sa kanyang milyun-milyong halaga ng hidden wealth, kagaya nina former DILG Secretary Mar Roxas, Sen. Grace Poe, at Vice President Jejomar Binay.

Read: Duterte confirms existence of bank accounts; denies P211 million hidden wealth

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sara Duterte slams Sen. Antonio Trillanes IV for accusing her and her father Mayor Rodrigo Duterte for allegedly having a joint account containing millions of hidden wealth.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results