PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo proud of son Calix Andreas's first pictorial in "YES!"

As much as possible, Dennis doesn't want Calix to enter showbiz.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 4, 2008
"Marami nga ang nagagandahan sa pictorial na 'yon ni Calix. Gusto ko na nga makita kaya nagpabili na ako. Proud ako sa baby ko kasi kaya gusto kong masorpresa," says Dennis Trillo about the YES! pictorial of his son Calix Andreas with mom Carlene Aguilar.

Hindi pa nakikita ni Dennis Trillo ang pictorial ni Carlene Aguilar at ng anak nilang si Calix Andreas sa December issue ng YES! magazine noong makausap namin siya sa launch ng clothing wear na Soda noong Linggo, November 30, sa Trinoma Mall.

Marami kasi ang nagsabi kay Dennis na sobrang cute ni Calix sa pictorial, kaya gusto na raw nito makita ang magazine. Alam daw niya ang tungkol sa pictorial na ‘yon, pero hindi siya nakadalaw dahil may taping daw siya ng Gagambino.

"Marami nga ang nagagandahan sa pictorial na 'yon ni Calix. Gusto ko na nga makita kaya nagpabili na ako. Proud ako sa baby ko kasi kaya gusto kong masorpresa," saad ni Dennis.

Dahil parehong celebrities sina Dennis at Carlene, papayag ba si Dennis na pasukin din ni Calix ang showbiz? Balita kasing may mga gusto nang kumuha kay Calix para sa isang commercial.

"Hangga't maaari ayokong pasukin niya ‘yon," sabi ni Dennis. "Ayoko namang masyadong ma-overexpose ang anak ko. Masyado pa siyang bata para pasukin ang mundo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung may offer nga, pag-uusapan namin muna ni Carlene. May kasunduan naman kami na hindi kami magdedesisyon para kay Calix unless agree kaming pareho. Kung may isang kokontra sa amin, tapos na ang usapan namin tungkol doon. Gusto ko kasi na mag-enjoy si Calix bilang isang normal na bata. Ayoko talagang ma-expose siya parati sa showbiz," paliwanag ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Marami nga ang nagagandahan sa pictorial na 'yon ni Calix. Gusto ko na nga makita kaya nagpabili na ako. Proud ako sa baby ko kasi kaya gusto kong masorpresa," says Dennis Trillo about the YES! pictorial of his son Calix Andreas with mom Carlene Aguilar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results