Wilma Galvante and Annabelle Rama reconcile in Los Angeles

GMA-7 SVP for Entertainment TV Wilma Galvante (left) and talent manager Annabelle Rama (right) met at the Los Angeles Airport last Wednesday night (U.S. time).

That meeting paved the way for their reconciliation after a brief falling out.



Bumiyahe pa ng 11,745 kilometers ang GMA-7 SVP forEntertainment TV na si Ms. Wilma Galvante at ang talent manager na si Annabelle Ramapara tapusin na ang kanilang alitan.

Ayon sa report ni Jojo Gabinete sa Abante ngayongaraw, December 5, nagkita sina Ms. Wilma at Annabelle sa Los Angeles Airport(LAX) noong Miyerkules ng gabi, December 3 (U.S. time). Nakasabay kasi ngflight papuntang L.A. ni Ms. Wilma ang anak ni Annabelle at Kapuso star na si Richard Gutierrez.

Si Ms. Wilma ay nagpunta ng L.A. para sa Let's Celebrateconcert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pagkatapos nito ay tutuloy siyasa Las Vegas para naman manood ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya,gaya ni Richard at ng kanyang pamilya.

Paglapag nila sa LAX ay sinundo si Richard ng mga magulangniyang sina Annabelle at Eddie Gutierrez. Dito na naganap ang pagbabati ninaMs. Wilma at Annabelle.

Kasama ni Ms. Wilma ang anak niyang si Clara at si MotherLily Monteverde ng Regal Entertainment.

Si Eddie raw ang unang lumapit kina Ms. Wilma at MotherLily. Pagkatapos nilang magkumustahan ay hinanap ni Ms. Wilma kay Eddie si Annabelle.

Nilapitan daw ni Ms. Wilma si Annabelle, na naka-wheelchairdahil katatapos lang ng kanyang operasyon. Kinumusta rin ng GMA-7 executive angkalagayan ng ina ni Richard at nagpatuloy na ang kanilang usapan.

Matatandaang nagsimula ang alitan sa pagitan ng dalawa nangakusahan ni Annabelle si Ms. Wilma na siya diumanong pasimuno sa pagtatapat ng birthdayconcert nina Dingdong at Marian, Let's Celebrate, sa Araneta Coliseum safirst-day showing ng pelikula naman nina Richard at KC Concepcion, For TheFirst Time, noong August 27. (Click HERE to read related story.)

Bagamat nagkaroon ng alitan sina Ms. Wilma at Annabelle ayhindi naapektuhan ang estado ng mga alaga ni Annabelle sa Kapuso network; nakinabibilangan ng asawa niyang si Eddie, mga anak na sina Richard at Raymond,at sina JC de Vera, Ehra Madrigal, Michelle Madrigal, Bubbles Paraiso, at ibapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Richard naman ay may bagong show sa GMA-7, Full Force Nature. Pagkatapos nito ay sisimulan na niya ang taping ng bago niyang primetime series na Zorro at ang shooting ng second movie nila ni KC para naman sa GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN