Jericho Rosales and Carmen Soo 'grilled' by Kris Aquino on "The Buzz"

Filipino actor Jericho Rosales and Malaysian actress Carmen Soo guested on The Buzz last Sunday, December 7, for the final week of their telenovela Kahit Isang Saglit.



Para sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye saABS-CBN na Kahit Isang Saglit, sabay na nag-guest nang live sa The Buzz noongLinggo, December 7, si Jericho Rosales at ang kapareha niyang Malaysianactress-model na si Carmen Soo. Magkasabay rin nilang sinagot ang mgakatanungan ng The Buzz host na si Kris Aquino.

Sumabak agad ng pang-iintriga si Kris kina Echo at Carmen,na talaga namang ikinakikilig ng mga tao sa loob ng studio.Ani Kris, "I saw it on TV Patrol, sinabi ni Christopher de Leon [kasama sa castng Kahit Isang Saglit], na iginagalang nating lahat, na madalas daw kayongmag-date sa Malaysia. Saan kayo nagpunta?"

"Hindi, a!" tanggi ni Echo.

"You mean, liar siya [Christopher]?"

"No, no, no...not a liar. We went to Langkawi. And meronakong three days na walang ginagawa. So, nag-rent ako ng kotse. So, every timena malilibre siya [Carmen], I would ask her to go around with me," paglilinawni Echo.

"Kayong dalawa lang?"

"No, we went with Sally, my PA [personal assistant]," sabi ni Echo.

"I heard tonight you're going somewhere?" tanong ni Kris.

"In-invite ko lang siya to watch Hairspray. Kasi si Michaelde Mesa, meron silang play na Hairspray. So, since last night niya rito, Iasked her out," sabi ni Echo.

"Parang it's Miss Saigon, like it's the last night of theworld," komento ni Kris. "Tapos ano ang gagawin n'yo after?"

"Tutulog na, kasi maaga bukas meron kaming Umagang KayGanda," ani Echo.

"Saan kayo matutulog? It's a very easy to answer question."

"Ako sa bahay ko. Siya sa hotel niya," natatawang sagot niEcho.

"After Hairspray, will you take her out to eat?"

"I think we're gonna grab something before we watch," sabini Echo.

"Kayong dalawa lang, o kasama pa rin si Sally?"

"No, wala na si Sally."

At tinanong naman ni Kris si Carmen, "Are you comfortablewith him?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah," sagot ng Malaysian actress.

"So, tama ba ako? Magkatabi kayong ganun, tapos holdinghands?"

Hindi agad nakasagot si Echo at natatawang sabi, "Hindinaman. Comfortable naman kami ni Carmen. Kasi kapag nasa Malaysia ako, siyaiyong nag-aalaga sa akin doon."

"So, maalaga siya?"

"Oo naman, maalaga siya."

Dahil tuluy-tuloy ang pag-uusap nina Kris at Echo inTagalog, bigla tuloy sumingit si Carmen at natatawang sinabing, "I don'tunderstand what's going on."

Kaya in English ang sunod na tanong ni Kris kay Carmen."You've know him now since he is with you the most part of this year. So, ingetting to know him, what is his best quality?"

"I think his best quality is he's always joyful, no matter what happens," sagot niCarmen. "Even though there are setbacks or problems, healways [has] a positive mind. I laugh on him and he laugh on me, too."

"Do you believe in a long-distance relationship? Kaya bangma-sustain?"

Si Echo ang unang sumagot, "Yeah. I can. But she doesn'tbelieve."

Singit ni Kris, "So, she doesn't believe in long-distancerelationship. Explain. Bakit alam mo? Trinay mo no?"

"No. She has her past kasi, e," sabi ni Echo.

At sumagot na rin agad si Carmen, "I tried it before, and itdidn't work."

"Then you live here, Carmen, naman... Echo, di ba, kahit sinongbabae naman dito sa Philippines, di ba, titira ka na dito with Echo?"

Dahil hindi maintindihan ni Carmen, isinalin pa ito niKris.

"I have to be courted first," wika ni Carmen na sobrangikina-react ni Kris at ng mga tao sa studio.

"Nagpaparinig na nga, ano pa bang hinihintay mo?" ani Kriskay Echo.

"Carmen, we talk about it na, e," sagot ni Echo.

"Echo, eto na lang, what's your song for her? Kinakantahanmo siya for sure."

"Well, sa mga gigs ko."

"Iyong kinanta mo na para sa kanya?"

"Meron na like ‘You're Beautiful.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay, game, kantahin mo for her, ha. Huwag ka sa akinnakaharap," sabi ni Kris kay Echo.

"Now? Like a ‘Be My Number Two.'"

"O sige, kantahin mo ‘yan. I love that song," ani Kris.

At kinanta nga ni Echo ang "Be My Number Two," habangpinipilit ni Kris na dapat kay Carmen siya nakatingin.

Sinabihan ni Kris si Carmen, "Carmen, pag pinakawalan mo pa‘yan, luka-luka ka na!"

Siyempre, hindi naintindihan ni Carmen at trinanslate pa niEcho, "You will be crazy if you let me go."

Biniropa ni Kris si Echo na dapat ay bayaran na siya nito dahil sa pagiging publicistni Echo na sa lahat ng mga babae ay inaangat niya ang pagkatao ni Echo.

Tapos ay nag-invite na sina Echo at Carmen para sa mgahuling araw ng Kahit Isang Saglit. Nagpasalamat din sila sa lahat ng mga taongsumuporta sa kanilang palabas.

At nag-final message pa si Kris para kay Echo, "Alam mo, sasobrang supportive ko sa iyo, dapat kung sino mang babae ang makakabihag sapuso mo, dapat ang first interview n'yo sa akin."

Samantala, ang mga nakakakilig na eksena sa The Buzz aynasundan pa nang mag-guest nang live sina Jericho at Carmen sa Boy & Kriskahapon, December 8.

At dito nga ay nagpakuwento si Kris ng mga nangyari sa datenina Echo at Carmen.

Ayon kay Echo, nangggaling muna sila sa birthday ng anakniya na si Saint, who turned eight years old, bago sila tuluyang nanood ng play naHairspray sa Star Theater, Star City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN