PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Survivor Philippines" castoff Vern Domingo finally admits dating finalist Rob Sy

Vern wants to host a sports program.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 11, 2008
  "Noong makabalik na kami sa Manila, he called me up and he wanted to go out daw. So okay lang because we already bonded sa island, kaya I see no harm in going out with him," says Survivor Philippines castoff Vern Domingo about Rob Sy.

Ayaw pa sabihin noong una ng Survivor Philippines juror na si Veronica "Vern" Domingo kung sinong kapwa castaway ang dini-date niya ngayon. Nang tanungin siya sa first live guesting niya sa Showbiz Central after her elimination tungkol sa ka-date niyang ito, sinabi ni Vern na hindi pa niya puwedeng i-reveal dahil hindi pa nae-eliminate that time yung guy.

Pero ngayong dalawa na lang ang natitirang castaways sa Survivor Philippines—sina JC Tiuseco at Rob Sy—inamin na rin sa wakas ni Vern sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang castaway na ka-date niya ngayon ay walang iba kundi si Rob Sy.

Ayon kay Vern, hindi raw niya type noong una si Rob. Nayayabangan daw kasi siya rito noon at parang parating nagmamarunong kapag nagsasalita.

"Actually, turned off ako kay Rob noong una kaming nagkakilala sa island," pag-amin ng taekwondo expert. "Nagulat ako kasi parang feeling close na siya kaagad sa aming lahat. Tapos madaldal din siya. Pala-Ingles pa kaya lalo akong naiinis sa kanya noon. Sinabi ko nga sa sarili ko noon na hindi ko type ang lalakeng ito, kasi parang arogante. Hindi ko talaga feel ang mga lalakeng tulad ni Rob."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero noong tumagal na raw sila sa isla at nag-merge ang mga tribong Naak (kung saan kabilang si Rob) at Jarakay (kung saan part naman si Vern) para maging Chalam, doon daw mas nakilala ni Vern si Rob.

"In fairness naman to Rob," ani Vern, "noong nagsama-sama na kami, doon ko na-discover na okay naman pala siya. Siguro nga yung first impression sa kanya, gano'n talaga. Iba kasi ang dating niya. Malakas na nakakainis. Ewan ko lang kung style niya ‘yon para ma-intimidate kaming lahat sa contest.

"But when I was able to talk to him, okay naman pala siya. He's very open with his life at marami siyang naikuwento sa akin na normally, e, sa isang ka-close or sa girlfriend mo lang masasabi. Kaya noong makabalik na kami sa Manila, he called me up and he wanted to go out daw. So okay lang because we already bonded sa island, kaya I see no harm in going out with him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MEETING THE PARENTS. Nabanggit ni Vern na naipakilala na siya ni Rob sa buong pamilya ng binata, at ganundin naman siya sa pamilya niya.

"Nagulat nga ako na bigla niya akong ipinakilala sa family niya," sabi ni Vern. "Mababait at malambing sila tulad ni Rob. Sabi nga nila, kapag ang guy ang unang nagpakilala ng family niya sa iyo, it means na serious daw siya sa iyo. Well, that's okay naman with me kasi it means din na hindi niya ako ikinahihiya.

"Ako rin naman, ipinakilala ko siya sa buong family ko. At ang nakakagulat ay gustung-gusto nila si Rob. That was the time na hindi pa nag-e-air ang Survivor Philippines. Ipinakita na ng family ko na gusto nila si Rob for me.

"Pero sabi ko naman na masyado pang maaga. We are taking things slow kasi dating pa lang naman kami. Hindi pa kami dumarating sa serious part ng dating namin. Ngayon, we are just having fun and getting to know each other more," lahad ni Vern.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May pag-asa ba si Rob?

"I can't say yet kasi nga marami pa akong gustong malaman sa kanya. Sabihin na natin na fifty-fifty siya ngayon sa akin," sagot ng Survivor Philippines castoff.

JACE FLORES. Unang na-link si Vern sa castaway na si Jace Flores noong nasa Koh Tarutao island pa sila. Inakala nga ng marami na nagkatuluyan sila dahil pareho silang mahilig sa sports at marami silang romantic moments sa island. Pero nanggaling na rin mismo kay Jace na parang kapatid lang niya si Vern at wala raw namagitan sa kanila sa isla.

"That's true naman, e," pagsang-ayon ni Vern. "Para ko lang kapatid si Jace. Unang-una, he's younger than me. Nineteen years old lang kasi si Jace at nasa early 20s na ako. Kung alam lang nila, isip-bata pa ‘yang si Jace. Kaya yung sinasabi nilang romantic moments namin, wala lang ‘yon. Nag-aasaran lang kami no'n, kasi nga, para lang kaming brother and sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"‘Tsaka alam ko naman kung sino ang type ni Jace. Siya na lang ang tanungin n'yo kasi baka nag-iba na siya ng type!" sabay tawa ni Vern.

SPORTS SHOW. Kapipirma lang ni Vern ng two-year contract sa GMA Artist Center. Gusto ni Vern na maging part ng isang sports program. Bagay raw sa kanya ang gano'ng klaseng show dahil sa background niya in taekwondo.

"Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. I leave it up to them. But I would really love to get involved in sports. Yun naman ang passion ko, e. Sa laki kong ito [she's 5'8"], para siguro talaga ako sa extreme sports.

"Bata pa lang kasi ako, mga panlalakeng sports na ang hilig ko. It has to do kasi with my dad na very passionate sa sports. Akala nga nila na tomboy ako, pero girl na girl ako. Ang haba nga ng hair ko, e!" tawa ni Vern.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  "Noong makabalik na kami sa Manila, he called me up and he wanted to go out daw. So okay lang because we already bonded sa island, kaya I see no harm in going out with him," says Survivor Philippines castoff Vern Domingo about Rob Sy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results