Roxanne Guinoo: "Huwag tayo masyadong baliw sa pag-ibig."

Single and with no lovelife,Roxanne Guinoo would rather work and spend time with her family, especially onChristmas day. "Ngayon lang kami magkikita ng tatay ko ulit. Kasi tuwing umuuwisiya, may trabaho ako. So hindi ko siya nakikita and hiwalay ako sa kanila, soibibigay ko na ‘yong panahon kasama sila," says Roxanne Guinoo at the press conferenceof Regal Entertainment's Shake, Rattle& Roll X, where she is part



Tuluyan na raw nanaka-move on si Roxanne Guinoo pagkatapos ng breakup nila ng dati niyang boyfriend na si Jake Cuenca.

Sa press conference ng Shake, Rattle and Roll X noong Martes, December 9, na ginanap saImperial Palace Suites sa T. Morato Ave., Quezon City, ay halatang ayaw nangpag-usapan pa ni Roxanne ang anuman tungkol sa dating karelasyon.

"Ayoko nang mag-commenttungkol dun kay Jake. Basta kung ano man 'yong naging problema namin, eventuallykami rin ang makaka-settle niyan. So ayaw na naming pag-usapan," saad niRoxanne sa entertainment press matapos ang presscon proper.

Masyado na raw kasing lumakiang issue between her and Jake, to the point na madami na ang nadamay, bukod pasa ilang mga intriga na naglabasan.

Katuwiran ni Roxanne, "Ayokona lang din po pag-usapan kasi masyado nang napag-usapan, e. And kung anuman ‘yongnaging issue namin, talagang kami lang makaka-settle niyan, hindi ibang tao. Maramingmakikihalo diyan, kahit pami-pamilya namin. Kasi ako, hindi ko hinahayaangpakialaman ng pamilya ko. Naniniwala ako, kaming dalawa din mag-aayos nito hindiman ngayon pero darating yong time."

WORKINGWITH JAKE. Aminado si Roxanne na dinamdam niya angpaghihiwalay nila ni Jake noong umpisa. Subalit time heals all wounds 'ika nga athindi nagtagal ay natanggap na rin ng dalaga ang lahat ng nangyari.

"Napagdaanan ko na ‘yongsakit, e, bumongga na po sa sakit and ang dami nang realizations nanangyari. Okay na ako ngayon," paniniguro nito sa mga kausap.

Wala naman daw problemakung makasama niya sa isang project ulit si Jake. Puwede naman daw ihiwalay angtrabaho sa personal na problema. Kumpiyansa naman ang dalaga na hindi siyamagpapaapekto, sakali ngang makaeksena niya ang dating kasintahan.

"Ako naman po ‘pagtrabaho, kahit naman makatrabaho kahit sino, wala pong problema sa ‘kinyon. Kayakong gampanan ‘yong character na ibibigay sa akin o ‘yong role. Perosiyempre, kung anuman ‘yong mga personal issues, sa aming dalawa nalang ‘yon. 'Tsaka ayoko napo talaga pag-usapan," muling pag-iwas ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay hindi rawpriority ni Roxanne ang lovelife at mas gusto na lang muna niyang mag-focus sacareer.

"Huwag tayo masyadongbaliw," nangingiting payo ni Roxanne. "Mabaliw tayo sa trabaho, kasi kung walatayong trabaho, wala tayong income."

Feeling ba ni Roxanneay nabaliw siya sa pag-ibig noon kay Jake?

"Tanong mo siya kung nabaliwdin siya!" pilyang balik ni Roxanne, bago muling nakiusap: "Huwag na natingpag-usapan si Jake."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN