PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle relates on-the-spot marriage proposals and new self-confidence

Karylle briefly talked about seeing ex-boyfriend Dingdong Dantes in Las Vegas.
by Glen Sibonga
Published Dec 14, 2008
"Hindi ko kinaya! Kasi yung isa, Mexican pa, parang kunwari... Hindi naman sa may away. Kumbaga after ng Ateneo versus La Salle fight, Pinoy versus Mexican fight, may ganung feeling! Hindi mo maa-avoid yung ganung feeling," relates Karylle about the two guys who proposed to her in Las Vegas during the Pacquiao-De la Hoya fight.

Sa pagiging single ni Karylle after ng breakup nila ni Dingdong Dantes ay maraming pagbabago na ang nangyayari sa buhay niya—paglipat ng TV network from GMA-7 to ABS-CBN, pagpapalit ng manager from Manila Genesis to Stages, pagkakasama sa ASAP '08, paparating na weekly series na Maruja at gagawing bagong album under EMI Philippines.

Pero ang big change na dala ng kanyang pagiging single ay ang paglalantad ng kanyang kaseksihan na kitang-kita sa pictures at billboards niya bilang latest female endorser of Bench Body.

Proud and happy si Karylle na kinuha siya ng Bench Body para maging endorser. All smiles si Karylle nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during her formal launching cum fashion and musical show as the latest Bench endorser na ginanap sa Trinoma Activity Area kahapon, December 13.

"It's always been a dream of mine to be a Bench endorser. I'm very, very proud of Bench. Napakaganda ng quality. And very comfortable to wear. I'm so happy!" bulalas ni Karylle sa panayam ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangangahulugan ba ito ng sexier photo shoots in the future?

"Okay na muna ito for now," aniya.

Bakit ang tagal niyang itinago ang kanyang kaseksihan, samantalang meron naman pala siyang ilalabas?

"Feeling ko kasi before, I didn't feel like I was confident enough to show yung tummy ko. After everything that happened...sumali pa nga ako ng marathon. Pagkatapos ng marathon, nakita ko yung sarili ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ay, ipakita ko nga ito.' When I saw the shots from Ronnie Salvacion's camera, the one against the red wall, I was so happy because you could see the cuts in my tummy, and that's definitely not photoshopped," pagmamalaki ni Karylle.

Talaga bang being single is sexy?

"Sabi nila. Kasi pag single daw, mas naaalagaan mo ang sarili mo," sagot ni Karylle.

Ngayong single na siya, ano ang ginagawa niya to cope with her past heartache?

"Lumalabas naman ako with my friends. I do shopping. Nagdya-jogging ako. Hindi naman ako nagmumukmok sa isang sulok. I continue with my life. Naka-move on na ako."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARRIAGE PROPOSALS. Natatawa ring ikinuwento sa PEP ni Karylle ang kinalaman ng being single is sexy sa kanyang unforgettable experience nang kinanta niya ang Philippine national anthem sa Manny Pacquiao vs. Oscar de la Hoya fight sa Las Vegas last week.

"Nakakatawa kasi noong nandun ako sa Vegas para kay Pacquiao... Sa lobby when you're going out, kasi mahaba yun, e. And two guys proposed to me! Yung isa, Mexican. Sabi niya, ‘Do you mind to marry a Mexican?' Tapos yung isa Pinoy at lumuhod pa sa harapan ko. Kaya nga naisip ko talaga, single is sexy. Sabi niya, ‘Is it okay if I propose to you?' Natawa naman ako. So, parang inire-relate ko lang yung experience ko as a single girl!" natatawang kuwento ni Karylle.

Ano ang naging reaksiyon niya sa pag-propose ng dalawang guys?

"Hindi ko kinaya!" tawa niya. "Kasi yung isa, Mexican pa, parang kunwari... Hindi naman sa may away. Kumbaga after ng Ateneo versus La Salle fight, Pinoy versus Mexican fight, may ganung feeling! Hindi mo maa-avoid yung ganung feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And, you know, as I was walking, kasi nga sobrang crowded, may isang group of guys nga ang gumawa ng paraan para makadaan ako. Sabi nila, ‘Let the lady pass.' Talagang nagbukas sila ng path for me. Sabi ko, ang haba ng hair ko! Natatawa lang ako kasi first time na nangyari sa akin ito na two in one day!" tawa pa rin niya.

Hindi ba nag-ask for date yung dalawang admirers niya?

"Hindi naman. Nakita naman nila na isa akong dalagang Filipina. Lalo pa naka-Filipiniana gown pa ako."

Attractive naman ba yung mga guys?

"Guwapo kaya sila! Totoo, mga guwapo talaga!"

Marami ang pumuri sa kanyang ganda noong nasa Las Vegas siya.

"Thank you naman. Very flaterring. Alam mo yung pride of being a Filipino being in the midst of our national hero. Talagang proud na proud ako to be there."

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga naninira at pumipintas sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko na lang silang pansinin. Mas mahalaga sa akin na nagawa ko yung trabaho ko. At marami rin naman ang nag-approach sa akin at pinuri ako. May nagsabi pa nga na kinilabutan daw sila sa pagkanta ko."

SAME COMPANY WITH DINGDONG. Inamin ni Karylle na nagkita sila ng ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa Las Vegas

"Hindi ko alam kung nakita niya yung incident na ‘yon."

Pero ano ang sinabi sa kanya ni Dingdong nang magkita sila?

"Ang sabi lang niya, ‘Hi, Miss Bench.' Yun lang."

Ano ang feeling na pareho na silang endorsers ng Bench Body?

"With Bench Body, when I watched the fashion show before, sobrang love na love ko especially yung Mobo line and ang kulit-kulit ko, ‘Kailan ilalabas ‘yan?' Tapos nagpa-picture pa ako kay Lesley Mobo [designer ng Mobo line ng Bench]. So, I'm very proud na sa sobrang pangungulit ko sa kanila, nakasali rin ako sa Mobo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Posible bang magkasama kayo ni Dingdong sa isang billboard ng Bench?

"Bahala na si Mr. Ben Chan diyan. Siya na lang ang tanungin n'yo. Kung anuman ang mangyari, I'm part of the best family of clothing line right now. You know, whatever they ask me, I'll do it."

CHANGE OF IMAGE. Dati, parang conservative ang image mo? Bakit ngayon bigla-bigla kang nagpa-sexy at nagpaka-daring?

"Matagal na naman 'yan. Hindi lang siguro napapansin ng tao. Pero minsan naka-mini skirt na ako. Siguro hindi lang kasi ina-announce na katulad nito," paliwanag ni Karylle.

"At saka marami rin namang changes na nangyari. I just became more adventurous. Marami ring opportunities na pumapasok. You know, I came to a point in my life na what else can I do. So, I'm grabbing the opportunity now."

FAMILY SUPPORT. Hindi ba siya binawalan ng daddy niya na kilalang very conservative din?

"My dad is always supportive of me," sabi ni Karylle. "Pero ayoko nang magsalita pa kasi ayaw niyang pinag-uusapan siya, e. Pero he loves me very much and supports me even in my business."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang feeling na todo ang suporta sa kanya ng mommy niya na si Zsa Zsa Padilla dahil hindi lang siya basta um-attend sa launching niya as Bench endorser kundi nag-back-up singer pa siya sa kanya sa song number niya during the launch?

"Oo nga, e, ang cute-cute niya. She's really here and back-up singer ko pa siya," sabi ni Karylle.

Kung dati ay napapanood silang mag-ina ng mga tao sa magkahiwalay na istasyon at magkalabang show, ngayon ay magsasama na sila sa isang stage sa ASAP '08, na nagsimula kaninang tanghali, December 14.

"Oo nga, e, finally mangyayari na. And I'm so happy na a lot of good things are coming my way. Masayang-masaya, pero medyo emotional especially kapag nagkukuwento ng mom ko na naiiyak siya kapag pina-practice niya yung mga kanta."

Ano ang feeling na pareho na sila ng mom niya na oozing with sexiness?

"Sabi niya, ‘I'm inspired.' Si Mommy, talagang sexy na naman siya, e. Sa Divas for Divas concert nga, di ba, talagang sexy siya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE SEXY ROLES? Kung may offer ng sexy roles sa kanya, tatanggapin ba niya?

"Binibigyan. Hindi ko pa kaya now. Tignan natin next year."

How about sexy covers for magazines?

"Meron akong three covers na lalabas pa lang, pero hindi naman totally sexy. Actually, may offer ako na sexy talaga. Pero huwag muna."

Kumusta na ang puso ni Karylle ngayon?

"Flattered kasi ang daming umaaligid!" sagot niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko kinaya! Kasi yung isa, Mexican pa, parang kunwari... Hindi naman sa may away. Kumbaga after ng Ateneo versus La Salle fight, Pinoy versus Mexican fight, may ganung feeling! Hindi mo maa-avoid yung ganung feeling," relates Karylle about the two guys who proposed to her in Las Vegas during the Pacquiao-De la Hoya fight.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results