PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariel Rodriguez clarifies issue raised by disgruntled fan from Texas

Mariel says they were told they were going to a private dinner and was unaware that it was actually a house party.
by Melba R. Llanera
Published Dec 15, 2008
  "Sabay-sabay kaming dumating, nagpaalam kami nang maayos, nagpasalamat kami dun sa may-ari ng bahay. I mean... Why did we go there anyway? What do we have to do in a party? They invited us to eat, we eat. What do they want us to do? Hindi kami galit, hindi nang-snub. I think it's very nice of us to go to the party, I think that alone should be appreciated. Di dapat bigyan ng issue, sana wag na lang," explains Mariel Rodr

Bukod sa lumabas na balitang flop daw ang nakaraang shows ng Wowowee sa San Diego, Calfornia at Houston, Texas ay isang email ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) galing sa isang kababayan natin na nagrereklamo sa pagsusuplada diumano nina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Angelica Panganiban sa dinner na hinanda raw para sa grupo (click here to read the email).

Agad namang hiningi ng PEP ang panig nina Mariel tungkol sa nasabing reklamo at last Saturday, December 13, sa dressing room ng Entertainment Live ay nakausap namin ang TV host tungkol dito.

"No. When we went there, we were told that we were gonna go to a dinner. Ang alam ko, kami-kami lang, we didn't know it was a house party. So when we got there, we ate, ‘tapos after eating, nagpa-picture pa kami dun sa may-ari ng bahay. Binigyan niya pa kami ng kutsara, kaming lahat.

Mariel also assured na maayos ang pagpapaalam nila sa may-ari ng bahay na nagbigay ng dinner party sa Wowowee group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG. Ani Mariel, hindi na niya alam kung saan ilalagay pa ang sarili—kung pumunta man sila o hindi sa isang naihandang event ay laging may isyung lumalabas.

"Sabay-sabay kaming dumating, nagpaalam kami nang maayos, nagpasalamat kami dun sa may-ari ng bahay. I mean... Why did we go there anyway? What do we have to do in a party? They invited us to eat, we eat. What do they want us to do?

"Dati sa Hawaii... nagkaroon na ng issue, ‘Ay, hindi napunta ang Wowowee dito,' na kesyo hindi raw kami sumipot at galit na galit daw ang mga tao.

"Hindi ka pumunta may issue, pumunta ka may issue pa rin, ano ang gagawin mo? Saan kami lulugar?

"Hindi kami galit, hindi nang-snub. I think it's very nice of us to go to the party, I think that alone should be appreciated. Di dapat bigyan ng issue, sana wag na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw din ni Mariel ang lumabas na balita na flop daw ang Wowowee shows sa San Diego, Califonia and Houston, Texas.

"Okey naman, maraming tao s