Marian Rivera's manager defends his ward against "buntis issue"

"Nagtanong siya kungano ang nangyayari at bakit natsitsismis siyang buntis. Hindiko rin alam kung saan galing angisyu, pero gaya ng sinabi niya, hindi totoo ang tsismis. Hindi naman siyaapektado dahil hindi totoo, nagulat lang," says Popoy Caritativo about his ward, Marian Rivera (in photo).



Sinimulan at tinaposni Marian Rivera ang presscon ng Desperadas 2 kaninang tanghali,December 15, sa paghingi ng "sorry."

Una siyang nag-sorrysa press at sa kanyang co-stars dahil sa late niyang pagdating. Inulit ni Marian ang kanyang pagso-sorry sa mgakasama sa pelikula dahil sa kanya na-focus ang attention ng press nang siya'yumiyak pagkatapos itanggi na siya'y buntis at mag-react sa ngiti ni Karylle nang tanungin sa balitang buntis si Marian sa The Buzz.

Hindi nana-interview nang husto si Marian sa partisipasyon niya sa movie dahil late ngasiyang dumating. Ang naikuwento lang ay ang pagbabago ng character na kanyangginagampanan, si Courtney. Okey rin daw sa kanya kung natalbugan sila ni OgieAlcasid—na gumaganap bilang long-lost sister nilang apat nina Ruffa Gutierrez,Rufa Mae Quinto, at Iza Calzado—na napakagaling sa pelikula.

Bago magpunta sapresscon ng Desperadas ay nanggaling pa si Marian sa Medical City para ipa-check-upang kanang paa at magandang balita pa naman ang dala nito. Nalaman ng PEP(Philippine Entertainment Portal) mula sa manager niyang si Popoy Caritativo na sa Miyerkules, December 17, na aalisin ang cast sa kanyang kanang paa. Pero bawalpa rin daw siyang magsuot ng heels.

Ayon pa kay Popoy,disappointed ang alaga dahil mahilig itong magsuot ng stiletto shoes. Pero no choicesi Marian kundi sundin ang utos ng doktor na puro flat shoes ang isuot niya saloob ng isang buwan para tuluyan siyang gumaling.

CRYING MARIAN. Kinuha rin ng PEP ang reaction ni Popoy sa pag-iyak niMarian sa presscon ng Desperadas 2. That timeay hindi pa raw nakakauwi si Marian at tumawag lang kay Popoy na umiiyak.

"Kanina pa nga siyaumiiyak," sabi ni Popoy. "Basta ang bilin ko lang sa kanya, huwag mang-aaway athindi naman talaga siya nang-away. Hindi naman siya nagalit kay Karylle,nasaktan lang kung bakit ganun ang reaction niya nang tanungin sa buntisissue."

Sa tanong kasi niBoy Abunda kay Karylle sa The Buzz kahapon, December 14, kung buntis nga ba siMarian ay ngiti lamang ang isinagot ng ex-girlfriend ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Popoy,nasa Davao si Marian kahapon para sa launching ng ini-endorse na PhoenixGasoline. Noon lang din daw nalaman ni Marian na natsitsismis siyang buntis. Masayaraw ang aktres na humarap sa tao at sumayaw kahit pipilay-pilay at nagulat nalang nang tanungin kung totoong buntis siya.

"Nagtanong siya kungano ang nangyayari at bakit natsitsismis siyang buntis," sabi ni Popoy. "Hindiko rin alam kung saan galing angisyu, pero gaya ng sinabi niya, hindi totoo ang tsismis. Hindi naman siyaapektado dahil hindi totoo, nagulat lang.

"Naawa nga ako kayMarian dahil kung makikita lang kung gaano siya kasipag sa kanyang trabaho,hindi siya pag-iisipan ng kung ano-ano. Hindi siya nagrereklamo at hindiumiiyak kahit nasasaktan. The only time nakita siyang umiyak ay nungmaaksidente siya, pero tuloy pa rin ang trabaho niya," pagtatanggol ng talentmanager sa kanyang alaga.

Ikinuwento rin niPopoy na noong nasa Los Angeles, California si Marian para sa Let'sCelebrate concert nila ni Dingdong, hindi napigilan ng aktres na hindisumayaw dahil nakitang hinihintay ng fans na makita siyang sumasayaw.

MARIAN'S CO-STARSREACT. Nalungkot naman si Iza Calzado sa kinalabasan ng pressscon at sapag-iyak ni Marian. Masaya kasi ang simula ng presscon, kung saan nagtutuksuhanpa sila at nagtatawanan dahil sa pagpapatawa ni Ogie Alcasid. Nabago lang angmood ng presscon sa pag-iyak ni Marian.

Na-buildup lang angemotion ni Marian dahil bago siya tanungin sa buntis issue, hinarap siya ngisang veteran reporter at sinabihang "plastikada" at "tupperware." Personal anggalit ng naturang veteran reporter kay Marian dahil diumano sa pang-iisnab ngaktres sa kanyang kaibigang UP professor nang lumapit ito para magpapirma.

Nakita namin angpagkagulat ni Marian sa sinabi ng reporter. Narinig din yun ninaChristian Vasquez at Rufa Mae Quinto na katabi ni Marian, pero walangmakapag-react dahil ongoing pa nga ang presscon.

Si Ruffa Gutierrez ayayaw namang mag-comment kung offending ba ang smile ni Karylle. Hindi raw kasi niyanapanood ang interview ng co-host niya sa The Buzz na si Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have to reviewthe tape bago ako mag-comment kung tama ang ngiti niya o hindi," sabi ni Ruffa."Iba-iba ang interpretation natin sa ngiti. Pero dahil hindi ko napanood, hinditalaga ako makapag-comment."

Tama ba sa palagayniya ang naging reaction ni Marian sa smile ni Karylle?

"It just so happensit's Karylle being interviewed, pero hindi kasalanan ng The Buzz yun,"depensa agad ni Ruffa. "Naawa ako kay Marian, nakita ko the way she expressesherself, straight from the heart talaga. Dahil sa nangyari, parang gusto koyatang host na lang ako ng lifestyle show o cooking show, walang intriga!"

Paano kung sa kanyanangyari ang nangyari kay Marian?

"Hindi ako iiyakdahil palaban ako," sagot niya.

May nagpaalala kayRuffa na ipinagtanggol niya si Rufa Mae Quinto sa unang presscon ng Desperadas2 nang tanungin ito kung kailan siya huling nakakita ng "Rambo" ng lalake.

"Naawa ako kay RufaMae. Every human being deserves respect and the way the question was asked wasso gross. Parang eeew!" reaksiyon ni Ruffa.

Hindi rin daw naramdamanni Ruffa na natabunan sila sa pag-iyak ni Marian dahil sa kanya na-focus angattention ng press.

"Sobra naman! Pati pag-iyak, may isyu? Umiyakdin kaya ako!" sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN