PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE (Part 1): Riza Santos's mom airs grievance about how Viva treated her daughter

Riza was not told she was already replaced by Cristine Reyes as endorser of an apparel brand.
by Kate Borbon
Published Dec 16, 2008
This is not the first controversy hurled at Riza Santos. The most recent was her reported "tardiness" in one of the tapings of I Love Betty La Fea. Riza's mom said, "Sinabihan siya ng handler niya na may taping siya nung araw na iyon pero hindi niya kasalanan kung late siya ng dalawang oras. Sabi ni Riza sa akin na hindi naman daw nabanggit ng handler niya ang exact call time ng taping. Basta ang sabi lang daw ay may taping siya, k

Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at beauty queen na si Riza Santos—si Mrs. Dina Santos—kahapon, December 13, sa isang restaurant sa Mandaluyong City. Sa ngayon ay patong-patong na isyu na ipinupukol sa kanyang anak at hindi niya kayang ipagsawalang-kibo na lamang ang mga ito.

"Masyado na akong maraming naririnig na mga negative issues na binibintang sa anak ko. Sobra na siyang nasasaktan, kaya ako na mismo ang umaaksyon para mabigyang-linaw ang mga accusations sa kanya!" diretsahang wika ni Mrs. Santos.

Dagdag pa niya, "Stressed at sobrang malungkot ngayon si Riza dahil sa mga issues na pumapalibot sa kanya, and as a mother, I feel hurt for her. Hanggang ngayon, hindi pa din gaano sanay ang anak ko sa showbiz dito, nag-a-adjust pa din siya until now.

"Lumaki siya sa Canada na hindi talaga marunong makipag-away or sumagot. She is so disciplined and knows how to respect others kasi she's well-trained under military sa Canada. Kaya alam kong tinitiis lang niya ang mga accusations sa kanya, pero ako, hindi ako papayag na ganun na lang ang sitwasyon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat ang mag-ina sa statement na ipinadala ng Viva Artists Agency sa PEP noong ika-11 ng Disyembre. Dalawang punto ang isinaad doon—una, hindi raw umalis ng bansa ang young actress; pangalawa, pinabulaanan ang pahayag ni Riza sa telebisyon na hindi ito naabisuhan ng kanyang handler tungkol sa schedule ng kanyang mall tours para sa isang clothing company, na dati niyang inindorso.

ISSUE WITH VIVA ARTISTS AGENCY (VAA). Hindi ikinaila ni Ms. Dina na hindi natuloy si Riza sa paglipad nito patungong Canada.

Aniya, "Nagpaalam naman nang maayos si Riza sa kanila [VAA] and informing them that after September 29 till third week ng October ay uuwi muna siyang Canada for a military duty...

"We decided to delay Riza's flight back to Canada and later on thought of just canceling it since it would no longer serve any meaningful and practical purpose at all. Nilakad na ni Joshua [Riza's younger brother] yung pag-waive ng Canadian military sa dapat na military service na kailangang gawin ni Riza doon. Kami na mismo ang nag-decide na hindi na siya tumuloy sa Canada kasi na-settle na naman ni Joshua."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tungkol naman sa hindi umano pagsipot ni Riza sa mall tours ng Mint, kulang daw ang salaysay ng VAA sa inilabas nitong official statement.

"May mga date silang hindi nabanggit doon," ang wika ni Ms. Dinah. "Yung date pang iyon ay yung araw na nagpunta kami ni Riza sa VAA office para kausapin si Ms. Veronique [del Rosario] na ready na kami for the Mint Mall tour. Pero ang sabi niya, wala na daw. That was last October 20, 2008, when she also told us na hindi na puwede pang gawin dahil meron na daw silang naipalit na bagong endorser."

Noong mga panahong iyon ay hindi raw nila alam na taga-Viva rin pala ang kapalit ni Riza, at ito ay si Cristine Reyes.

"Sobrang nagulat na lang kami nang makita namin sa TV Patrol na tinanggal na pala nila yung billboard ni Riza sa EDSA at pinalitan nila ng bagong endorser. At dun lang namin nalaman na si Cristine pala iyon!" ang sabi ng ina ni Riza na hindi na maitago ang sama ng loob sa VAA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy niya, "Wala kaming against kay Cristine dahil alam naming wala din siyang alam, pero ang ikinasasama lang ng loob namin ay ang pag-aksyon nila nang hindi man laman nila kami, or si Riza, sinasabihan na ganoon pala ang plano."

"Wala man lamang kaming abisong natanggap sa VAA or kay Ms.Veronique," paggigiit ni Ms. Dinah. "Tahimik sila sa oras na naiipit na ang anak ko at nagkakaproblema na with Mint."

Samantala, tungkol naman sa balitang nagpa-retoke raw ang 21-year-old actress noong dagliang nawala ito sa entertainment scene, "Hindi totoo yan!" ang nasambit ng ina ng Kapamilya star.

"Hindi siya nagpagawa ng dibdib or lalo na ng puwet niya. Dun ako isa pa sumama ang loob...Kahit nung Ms. Earth pa lang ay ganun na si Riza physically. At hindi namin gagawing excuse kung may ireretoke man sa kanya para lang magtago sa lahat."

Sa ngayon ay wala pa raw communication ang mag-ina with VAA or Veronique, right after nalaman nilang pinalitan si Riza as endorser ng nasabing clothing brand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pahinga muna si Riza sa work. Her last project was when she hosted Ms. Earth last month at kakatapos lang niya sa isang commercial ng isang brand ng beer, na ipinalalabas na ngayon. But soon, makikita niyo siya sa calendar ng isang multinational company for beer, mineral water and soda."

Hindi pa tiyak ng ina ni Riza kung ano ang magiging kahihinatnan ng apat na taong kontrata na pinirmahan ng kanyang anak with VAA.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This is not the first controversy hurled at Riza Santos. The most recent was her reported "tardiness" in one of the tapings of I Love Betty La Fea. Riza's mom said, "Sinabihan siya ng handler niya na may taping siya nung araw na iyon pero hindi niya kasalanan kung late siya ng dalawang oras. Sabi ni Riza sa akin na hindi naman daw nabanggit ng handler niya ang exact call time ng taping. Basta ang sabi lang daw ay may taping siya, k
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results