Jericho Rosales surprised by rumor linking him to Karylle

Dec 29, 2008
"We've known each other for a long time now, because of Genesis [Entertainment]. We're of the same management before; pareho kami ng account manager. Dati pa, nagte-text na rin kami, hi-hello, that's all. Grabe!" Jericho Rosales puts down rumors about his "closeness" with Karylle.

True to his words that he has finally and totally moved on ay ang kakaibang sigla ni Jericho Rosales sa interviews. Kahit ang paboritong topic ay ang mga babaeng nagdulot ng matinding depression noon, at panibagong pananaw sa buhay niya ngayon.

"Yeah, yeah, I did! I did already! Positive na talaga ako ngayon," sabi ni Jericho, referring to his last breakup with Heart Evangelista.

But Jericho would rather not comment on his ex-girlfriend at this point. Wala na raw "heart-heart" sa interviews, pagbibiro naman ng press sa aktor.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Echo, matapos ang performance niya sa musical na Katy noong Sabado ng gabi, December 27, sa Harbor Tent ng Sofitel Hotel, pagkatapos ng 2008 Metro Manila Film Festival Awards Night. Masaya rin siya para sa leading lady niyang si Anne Curtis, na nanalong Best Actress para sa pelikula nilang Baler.

"I had the feeling she'd win. I'm very happy for her!" overwhelming ang reaction ni Echo, na kitang-kita rin sa stage nang i-announce na si Anne ang winner, at isa siya sa naging presenter.

Continue reading below ↓

Sa controversial "Tough Ten Questions" sa The Buzz recently—thrown at Jericho by Ruffa Gutierrez— inamin ni Jericho na posible niyang ligawan ang mestisahing young actress.

After the 34th MMFF awarding, "Tough Question" din kung tutuusin para sa tulad ni Jericho ang tungkol sa hindi niya pananalo ng best actor para sa obrang idinirek ni Mark Meilly. Baler, a Viva Films entry, won a total of 10 major and minor awards, including best picture and best director.

"God is good, and He has a reason for everything," sambit ni Echo. Wala siyang bitterness o disappointment sa nangyari dahil maraming ipinagpapasalamat ang aktor, tulad din ng nabanggit niya in an earlier interview with PEP that same night. (Click here to read related story.)

"I'm leaving tomorrow [December 28] to shoot a commercial, so I have a few endorsements next year. And then, a movie siguro mid-year. I'm gonna record my new album, hopefully, by the first quarter of the year. Ayun, at least, for January hanggang kalagitnaan ng 2009."

Continue reading below ↓

REUNION WITH KRISTINE. Pagkatapos ng Kahit Isang Saglit ng ABS-CBN, may pagbibidahan uling teleserye si Jericho; pero wala pa munang detalye tungkol dito. Kasabay ng pagte-taping ng aktor para sa TV soap ay ang paggawa rin niya ng pelikula, kasama ang naging leading lady sa Kahit Isang Saglit na si Carmen Soo at ang isa ring dating girlfriend at paboritong leading lady, si Kristine Hermosa.

"Trabaho ulit. Pagkatapos magpahinga, trabaho ulit. I'm very thankful. It was all worth it! Thank you, Lord!" bulalas ni Echo.

Echo now has only good words for Kristine. Naibaon na nga sa limot ang anumang mapait na alaala ng hindi nila magandang paghihiwalay noon ng dating girlfriend.

Sinimulan ng kanilang mother studio ang pagtatambal muli sa kanila with Kristine and Echo doing an episode in Maalaala Mo Kaya, and it worked.

"When we worked together again, medyo cool lang kami," sabi ni Echo. "From there, haping-happy na ako. Kasi ang tagal naming di nagkausap, e. Limang taon din 'yon, di ba? But now, you know, we say 'hi-hello' to each other; we see each other sa Church, sometimes we text [each other]. It's fun! I'm comfortable now...I'm comfortable again."

Continue reading below ↓

Next, ang speculations tungkol sa posibleng "pagbabalikan" nila ni Kristine?

"Matured na ako... matured na kami," makahulugang banggit ni Echo. At nangiti si Echo pagkasabi nun.

"CLOSENESS" WITH KARYLLE. Kaiba sa medyo kabado niyang pag-e-elaborate nang usisain naman ng isang babaeng reporter ang nababalita ngayong "closeness" nila ng singer-actress na si Karylle.

Sa diretsong tanong kung "sila" na ngayon ni Karylle, nabigla si Echo.

"Ay, my God! Nakakahiya kay Karylle!" reaksiyon ni Echo. Nakangiti rin siya.

Late this year lang naging opisyal ang ulat ng pagiging isa na ring Kapamilya ng panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla. Pero sina Karylle at Jericho raw ay malaon nang magkakilala.

"We've known each other for a long time now, because of Genesis [Entertainment]. We're of the same management before; pareho kami ng account manager. Dati pa, nagte-text na rin kami, hi-hello, that's all. Grabe!" sambit ng binata.

Tulad ni Kristine Hermosa, maganda rin ang pananalita ni Echo para kay Karylle.

Continue reading below ↓

"Okay si Karylle, of course. She's a good girl...very intelligent. I love her voice. Isa siya sa mga showbiz personalities na hindi showbiz...na kakilala ko. And that I like about her. She's cool."

Kung si Anne Curtis ay "posibleng ligawan" ni Echo, si Karylle naman ay hindi pa matukoy ng aktor.

"I cannot say anything about that, you know. I think, she's a good girl and that's all I can say. Ayoko munang mantsahan 'yon ng kahit anong... Ayoko munang bigyan ng ibang kahulugan 'yon," saad ni Echo.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We've known each other for a long time now, because of Genesis [Entertainment]. We're of the same management before; pareho kami ng account manager. Dati pa, nagte-text na rin kami, hi-hello, that's all. Grabe!" Jericho Rosales puts down rumors about his "closeness" with Karylle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results