Twin brothers Richard and Raymond Gutierrez are proud of each other’s achievements

"Mas masarap nga ang trabaho ni Raymond sa akin, puro siyabakasyon. Ito talaga ang gusto niya, ang magbakasyon atmag-travel. Siya ang representative ng mga Gutierrez when it comes to travel," says Richard Gutierrez (left) about twin brother Raymond (right).



Magbe-birthday ang kambal nina Eddie Gutierrez at AnnabelleRama na sina Richard at Raymond Gutiererz ngayong January 21. For the firsttime in recent years, wala silang party for friends. Nasa Coron, Palawan kasisa araw na yun si Richard, magsu-shooting ng Valentine movie nila ni KCConcepcion for GMA Films and Regal Entertainment—When I Met U directed byJoel Lamangan.

Hindi alam ni Richard kung makakasama si Raymond sa shootingdahil baka may plano na raw ang kakambal niya. Pero mas maganda raw sana kungkahit wala silang joint party ay magkasama pa rin sila.

Sa parte ni Richard, baka magbigay na lang siya ng dinnerfor the cast and crew that day.

Noong Linggo (January 4) sa Showbiz Central, bilang post-New Yearepisode at para pasimulan ang makabagong machine na ginagamit sa "Don't Lie ToMe" segment ni John "Sweet" Lapus at digital na ito, ang limang hosts ng Sunday showbiztalk show ng GMA-7 ang sumalang sa lie-detector test; isang tanong sa bawathost.

Si Mo Twister ang nagtanong kay Raymond kung nai-insecuredaw ba siya sa success ng kakambal niyang si Richard.

"No" ang naging sagot ni Raymond at "Truth" ang resultasa lie-detector machine. Paliwanag ni Raymond, from the start, alam niyangmagiging magkaiba ang landas nilang mag-kambal; acting si Richard athosting siya dahil ito lang ang gusto niya.

Sa follow-up question na mas malaki ang suweldo ni Richardkesa kay Raymond, dinipensahan pa ng huli ang kakambal niya.

"Of course he is entitled to his rate. I see Richard workingevery day, so dapat lang mas malaki ang suweldo niya. Ako, isang beses isangaraw lang magtrabaho, the rest vacation na. What I should say is that I'm proudof his achievement," sabi ng award-winning host.

Ito ang ikinuwento ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay Richard nang bumisita naman kami sa set ng When I Met U kahapon, January 5,somewhere in San Juan.

Sabi ni Richard, proud din siya sa accomplishments niRaymond at walang insecurity sa kanilang dalawa pagdating sa trabaho dahilginusto nila pareho ang pinasok nilang trabaho sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas masarap nga ang trabaho ni Raymond sa akin, puro siyabakasyon," sabi ni Richard. "Ito talaga ang gusto niya, ang magbakasyon atmag-travel. Siya ang representative ng mga Gutierrez when it comes to travel.

"Basta may pasalubong lang siya sa akin pagbalik niya!"dagdag na natatawang si Richard.

Hindi raw kasi kailanman umalis si Raymond nang hindibumabalik na walang pasalubong sa kanya. Tinanong namin kung ano-ano ang mgapasalubong ng kakambal niya. "Little things" lang naman daw dahil it's thethought naman daw that counts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN