And dating Showboys member ng SOP na si Marco Morales ay determinado nang maging isang aktor.
Si Marco ay nalilinya sa mapangahas na pagganap. Una siyang napanood sa Walang Kawala, na pinagbidahan nina Polo Ravales at Joseph Bitangcol, at walang takot nga siyang nag-frontal nudity roon.
Sa bago niyang indie film, na may pamagat na Butas (Loophole), hindi lang siya mapapanood nang hubo't hubad sa isang eksena kundi 17 sequences daw yun sa pelikula na talagang nakabuyangyang ang lahat-lahat sa kanya.
"Wala naman akong pakialam talaga. Pero siyempre, gagawin ko lang yun sa pelikula," sabi ni Marco nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City.
Patuloy niya, "May repercussions lang, 'cause if you are branded as somebody daring in your portrayals, ang tendency, ganoon na rin talaga ang nagiging image mo. Kaya nagiging very careful ako pagdating diyan. Kung nakikita ako sa public places, I see to it na hindi ako kumikilos nang palso.
"Happy naman ako kasi may mga feedback, lalo sa Internet, na nababasa ko ngang iba raw pala ako sa personal. May finesse daw, hindi garapal, nasa isang tabi lang. Yun naman talaga ang totoo. That's the real me, I don't really show off. Iba nga lang kapag sa movie na, kung kailangang magpakita, bakit hindi ko gagawin? I don't really have qualms."
Kung sa Walang Kawala, na si Joel Lamangan ang nagdirek, ay macho dancer ang role niya, sa Butas na idinirek ni Bong Ramos (Haw-Ang) ay isa siyang exhibitionist. May love scenes sila rito ni Gwen Garci na talagang talop na talop siya.
"Kung si Gwen nga, walang kaarte-arte, at isa talaga siya sa mga seksing babaeng nakilala ko sa showbiz, ako pa kaya?" rason ni Marco. "I see nothing wrong with what I do, basta part ng movie yun. Ang hindi ko lang gusto, kapag inilalagay sa maling perspective, na akala ng iba, nagwawala ako. So, it's really up to me kung paano maibabalanse yun. I can always do that for a good role."
NUDE PHOTOS ON THE NET. Lumaki sa Australia si Marco. Mula 12 years old siya ay roon na siya nanirahan at nakatulong nga marahil sa ganoon ka-open minded yung mga taong nakakasama niya.
"May nudist camps sa Australia," aniya. "You can go there anytime, basta ba nasa right age ka na. Walang papansin sa 'yo kahit maghubo't hubad ka pa. Walang malisya ang mga tao roon.
"Dito lang sa Pilipinas nagkakaroon ng mga isyung ganyan. Para sa akin, naging advantage siguro yun, kaya hindi mahirap para sa akin ang mapaghubad, basta alam kong kailangan sa eksena," katwiran ni Marco.
Pero ano itong kumakalat na balitang nagrereklamo raw siya dahil kumalat ang nude photos niya sa Internet na kuha sa shooting ng Butas?
"Nagreklamo talaga ako, kasi hindi naman kailangang kumalat yun," sabi ng baguhang aktor. "Besides, kahit kasama sa pelikula yun, halatang stolen shot lang. Hindi talaga yung kasama sa eksena sa pelikula.
"I must admit, I felt bad. Kasi may friends akong tumawag pa sa akin, just to inform me na may ganoong photo. Nakita ko rin. Nasagwaan nga ako, kasi hindi artistically done yung shot. Kung sa movie kasi 'yan, na-edit pa nang maayos, nailawan nang tama.
"Wala naman akong pupuwede pang sisihin sa nangyari. I guess, isa 'yan sa lessons na dapat kong matutunan, na kung very willing akong magtodo-hubad, mangyayari at mangyayari 'yan. Pero sana lang, naingatan, di ba? Wala naman akong reklamo na makita akong nakahubad, basta maganda ang anggulo, maayos yung makikita," pahayag ni Marco.
So, kahit nga magreklamo pa siya, alam niyang walang kapupuntahan. Sana nga lang, eventually mag-work daw yun sa advantage niya.
"At malaman lang ng mga tao na I did that 'cause it's part of the movie," dagdag niya. "Hindi ko naman naiisip na kailangang madala na ako sa paghuhubad. Pero nagwi-wish ako na sana, mabigyan din ako ng ibang klaseng roles na hindi masyadong required mag-frontal.
"Pero sabi ko nga, kung may pagkakataon, maganda ang exposure, gagamitin ko pa rin yun para makilala rin ako as a legitimate actor. So far, I'm doing films with reputable filmmakers. Kaya kahit maghubad pa ako, alam kong may maganda pa rin yung epekto sa pag-aartista ko," pagwawakas niya.