"Serbis" director Brillante Mendoza keeps mum about lack of financial support from government



Katumbas ng ilang nakaka-disappoint na pangyayari sakanyang pagiging producer-director nitong nakalipas na taong 2008 ay angmga bagay na lubos ding ipinagpapasalamat ni Brillante "Dante" Mendoza, kaya masaya ang naging pagsalubongniya sa taong 2009.

"Sobrang dami ng blessings, na hindi mo maiisip napuwedeng mangyari yung gano'n in a year," sabi ng award-winningmovie director nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sakanyang tahanan sa Mandaluyong City.

CELEBRATED INDIES. Taong 2007 nang matapos at itanghal, locally andinternationally, ang dalawang pelikulang digital ni Direk Dante: FosterChild ng Seiko Films at Tirador ng Centerstage Productions.Kapwa celebrated indies ang mga ito. Naitanghal sa Cannes Filmfest(Director's Fortnight) ang Foster Child. Ang Tirador nama'ynailibot sa iba't ibang filmfests abroad. Pareho ring nanalo ng mga parangal,among others, bilang Best Picture at Special Jury Prize (sa Osian Cinefan ng India at Marakkech Filmfest, saMorocco, respectively).

Locally, nanalong best director si Brillantesa Gawad Tanglaw (academe-based, for Foster Child), at sa31st Urian Awards '08 ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino parasa Tirador.

Wala sa bansa si Direk Brillante nang manalo sa Urianpara sa Tirador. Fivemajor wins, kabilang ang Best Picture at lead performance ni Cherry Pie Picache.

Sa mga unang buwan ng 2008, tinapos ni Direk Brillanteang Serbis, na napiling entry ng ating bansa sa prestigious CannesInternational Film Festival (Main Competition), sa buwan ng Mayo. From then on,there was no stopping Serbis sa pag-compete nito at pananalo ngawards in filmfests abroad; for one, dito nanalong Best Actress si GinaPareño, sa Vladivostok, Russia.

"Nagkasunud-sunod...tatlong pelikula, one after theother." Direk Dante just couldn't contain his happiness at the thought,kaya gano'n na lang ang kanyang pasasalamat.

Hindi naman daw siya naninigurong laging ganito ang mangyayari,although may maganda siyang track record sa ngayon bilang direktor ng mgapelikulang pawang acclaimed internationally—from Masahista (2005) to Kaleldo(2006) and Manoro (2006); from Foster Child and Tirador(2007) to Serbis (2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap magsabi. Ang importante, gawin mo nangmaayos, nang tama..." sabi pa niya, referring to any movie project nasinimulan, o nakatakdang simulan.

"Kaya nga ayaw ko munang ikuwento yung ano ko..."sabi ni Direk Brillante, pagtukoy sa bago niyang movie project (adigital indie). "Ayoko ng masyadong maraming fanfare. Gusto kong mag-stayput, kaya kinansel ko muna yung mga trips ko nungDecember."

Tungkol sa bagong project; action-drama thriller ito na mayworking title na Chop-Chop at pagbibidahan, supposedly, ng isang beteranangsexy actress at isang award-winning young actor. Ayaw pang i-confirm ngdirector-producer ang final main cast. Under negotiation at nasa pre-productionstages pa rawang pelikula.

"Ibang klaseng genre [action-drama thriller]. Baka ito lang ang gagawin ko this year," banggit ng direktor.

INTERNATIONAL FILMFESTS. Tulad sa nakagawian na rin niyang pag-attend ngmga international filmfest, walang masyadong pagbabago sa taong ito, asfar as direk Dante is concerned.

Sa January 30, he leaves for New York para sa commercial runng Serbis, na nag-premiere sa prestigious Museum of Modern Art last October. He will proceed to The Netherlands para sa RotterdamInternational Film Festival (non-competition entry).

Sa February naka-schedule tapusin ang Chop-Chop,before Dante leaves for Mexico to again sit as a filmfest jurist.

Bukod dito, naibalita niyang naging brisk ang sales ngmga unang kopya ng Tirador (Slingshot) when released first week ofDecember last year. Soon, ang Serbis naman ang ire-release on video,sa version na hindi ipinalabas sa local theaters.

TOUGH STRUGGLE? Totoo nga bang nagkaroon ng "tough struggle"ang Serbis, for some kind of support, mula sa mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng Film Development Foundation of the Philippines(FDFP) o ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?

Direk Brillante chooses to neither confirm nor deny whathas been circulating for some time: that,in terms of added financialreward, matapos mapiling main competition entry ang Serbis, saisang pangunahing filmfest abroad, Dante's group got only a small fractionof the supposed P2M incentive. This was even smaller, so we heard, than whatproducer Robbie Tan received as incentive, para sa Foster Childwhich made it to the Director's Fortnight, a non-competitive section ofCannes, 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakulangan ng pondo ng ahensiya angdiumano'y rason kung bakit "shortchanged" ang grupo nina DirekBrillante na dumalo sa Cannes Filmfest. Bukod pa ito sa natamongpagbatikos sa pelikula, ng ilang sektor ng local press, bagamatpinuri ng mga banyagang kritiko at taga-media—partikular sa Europa—angpinakahuli niyang obra.


Whatever, the award-winning director says he's humbled by the experienceand promised never to expect again from anybody or any institution—pampamahalaan man o pribadong sektor.

Samantala, kakaiba ang napaulat na panimulanginsentibong nakamit (P2M) mula sa pamahalaan ng pelikulang Ploning—idinirekni Dante Nico Garcia atbida si Judy AnnSantos—na napilingilahok ng bansa sa 81st Academy Awards o Oscars (best foreign filmcategory) ngayong Pebrero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN