Actress Melissa Mendez ventures into movie production with "Hilot"

"Sabi nga, kung hindi raw ba kami natatakot, kasi yung indie, hindi siya masyado pang kumikita. Pero para sa amin, lahat naman risk. Life is a gamble at masipag naman kami. Mababait naman kami," says Melissa Mendez about producing a movie.


For the first time, nag-venture na rin into film production ang magkapatid na sina Melissa Mendez at Glenda Garcia. Last Friday, January 9, sa Cuba Libre sa Star Mall sa Mandaluyong City ay nagkaroon ng press conference ang kanilang ipinagmamalaking independent/digital movie, Hilot, na ginawa ng kanilang Emerge Productions.

Ayon kay Melissa, naisipan daw nilang mag-produce ng pelikula kesa naman daw yung pera ay nasa bangko lang. Bukod sa makapagbibigay pa sila ng makabuluhang pelikula ay may matutulungan din daw sila sa pagpasok sa film production.

"Yung movie namin, ang Hilot, is an anti-abortion film," sabi ni Melissa. "Natutuwa rin kami, kasi kami lang yung production outfit na nakapag-shoot talaga sa loob ng Quiapo Church. Iprinisent namin sa Monsignor yung script, nagustuhan naman nila ang kuwento dahil anti-abortion nga.

"Bale endorsed din kasi yung movie ng Department of Education, Catholic Bishop, and Pro-Life Philippines," may pagmamalaki pahayag ni Melissa, na bukod sa pagiging producer ay isa rin sa cast ng movie bilang abortionist.

Bida rin sa pelikula ang young actress na si Empress Shuck, na gumaganap bilang anak niya. Ang kapatid naman ni Melissa na si Glenda, who is also a co-producer of the movie, plays a Japayuki na parokyano niya sa kanyang abortion clinic.

Bakit nga ba sa unang sabak nila sa pagpo-produce ng indie film, ang temang abortion na ang napili nila?

"Napapanahon, e," sabi ni Melisaa. "It's a very relevant issue right now, especially it's been discussed and debated in Congress, di ba? So, I don't want abortion to be legalized here. To kill is a sin. I want to do something worthwhile that's why this is going to be shown also in schools nationwide, high school and college."

Pero mauuna na raw itong mapanood sa premiere night nila sa SM Megamall on January 10, at sa January 21 naman ang regular showing ng Hilot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang direktor ng pelikula na si Neal "Buboy" Tan ay matagal na raw naisulat ang script ng Hilot at matagal na raw itong iniingat-ingatan. Timely nga lang daw na ito rin ang ongoing issue ngayon sa kongreso.

Ayon kay Melissa, "I told myself, I want to make a difference in people's lives. I want to be able to touch their lives and to learn. You know, we have to give them something that they will learn from, di ba?

"So, I thought of this project talaga. Sinabi ko that I think, this is the one that I really wanted to do. Kasi kung makikita mo, ang dami-raming fetus sa trash bin, sa kung saan-saan. Para magpa-abort ka, it's a sin. Life is a gift, e, di ba?

"There maybe a lot of reasons why women resort to abortion," patuloy niya. "Probably because of health, rape, incest, or a baby inside their womb has a physical defect. But then again, why won't you allow a life to live? So, we should give importance to life, yun ang goal ko."

Ayaw nang sabihin nina Melissa at Glenda kung magkano ang nagastos nila sa pagpo-produce, sinabi nla na four shooting days lang sila. Wala raw masyadong hirap sa shooting, pero ang madugo raw pala ay ang post-production.

But when asked if tuluy-tuloy na ba ang pagpo-produce nila, "Yes, tuloy-tuloy na ‘to!" mabilis na sagot ni Melissa.

"Sabi nga, kung hindi raw ba kami natatakot, kasi yung indie, hindi siya masyado pang kumikita. Pero para sa amin, lahat naman risk. Life is a gamble at masipag naman kami. Mababait naman kami."

May plano rin daw silang ipasok ang Hilot sa international film festivals.

"Of course, we intend to compete in Cannes Film Festival, Chicago International Film Festival, at saka Toronto Film Festival," sabi ni Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN