PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FIRST READ ON PEP: Kuya Germs finally forgives Billy Crawford

Billy surprises Kuya Germs during the anniversary of "That's Entertainment" in "Master Showman."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 11, 2009
"Nasorpresa talaga ako sa ginawa niyang effort na ito at dahil doon, masasabi ko mahal ko pa rin si Billy at pinapatawad ko na siya. Dasal ko na hindi ito mangyari ulit sa aming dalawa o sa sinuman na malapit sa puso ko," says German "Kuya Germs" Moreno (right) about Billy Crawford (left).

Natupad na rin ang matagal nang wish ng international singer na si Billy Crawford. Ito ay ang magkaayos at magkabati na sila ng kinikilala niyang ama sa showbiz na si German "Kuya Germs" Moreno.

Naganap ang kanilang pagbabati kagabi, January 10, sa reunion ng That's Entertainment members sa show ni Kuya Germs na Walang Tulugan With The Master Showman sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Sinorpresa ni Billy si Kuya Germs nang bigla itong pumasok sa studio habang nagsisimula na ang taping para sa second part ng naturang programa. Matagal na naghintay si Billy na bigyan siya ng cue ng staff para pumasok at sorpresahin ang kanyang tatay-tatayan, na walong buwan niyang hindi nakausap.

Ang pumunta noong gabing 'yon sa show ni Kuya Germs ay ang tanging paraan ni Billy para maganap na ang kanilang pagbabati.

"It's already 2009 and I really wanted to start this year right," sabi ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sinabi ko na I will do everything para lang mapatawad ako ni Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I've tried so many times to call him on his phone, pero hindi niya ako sinasagot. Noong nakaraang Christmas and New Year, binati ko siya via text. Pero unfortunately hindi pa rin niya ako sinagot.

"Nalungkot nga ako noong nakaraang birthday niya, hindi ako nakasama. Every year kasi on his birthday, parati akong present. So, doon ko na-feel na I need to exert more effort para makita ni Kuya Germs na I want to fix things with him. Siya pa rin ang itinuturing kong ama dito sa showbiz and I don't want to start this year na may taong galit sa akin," saad niya.

Nagsimula ang malaking tampo ni Kuya Germs kay Billy nang biglang tanggapin ng internatonal singer ang offer ng ABS-CBN para maging isa sa host ng Pinoy Dream Academy Season 2. Wala raw alam si Kuya Germs sa naging desisyon na iyon ni Billy dahil in constant communication naman siya rito, dahil nga meron itong gagawin dapat na dance contest sa GMA-7 sa pagbalik nito sa Pilipinas. Since then, ayaw nang kausapin ni Kuya Germs si Billy kahit na ilang beses na itong nagpaabot ng kanyang sorry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi nga nakatanggi pa si Kuya Germs nang sorpresahin siya ni Billy. Inawitan siya ni Billy ng "How Sweet It Is (To Loved By You)" at mainit siyang niyakap nito. Nauwi sa iyakan ang naturang eksena at halos hindi nakapagsalita si Kuya Germs dahil hindi niya alam na matagal na naghintay si Billy sa labas ng studio.

Inamin ni Billy na malaki ang naging kasalanan niya sa kanyang itinuturing na ama sa showbiz at sana ay mapatawad na siya nito. Sa ginawang ‘yon ni Billy ay lumambot na rin ang puso ni Kuya Germs at napatawad na niya ang anak-anakan.

"Hindi naman maaalis sa akin ang magalit kay Billy dahil talaga namang nasaktan ako sa naging desisyon niya," sabi ni Kuya Germs. "Hindi lang naman ako kundi pati na ang ibang mga taong nagtiwala sa kanya dito sa GMA-7. Nakahanda na kasi lahat ng mga plano para sa pagbabalik niya. Pero ginulat niya kaming lahat and naiintindihan naman ng lahat kung saan nagmula ang galit ko sa batang ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero dahil sa ginawa niyang ito, sino ba namang ama ang tuluyang magagalit pa sa kanyang anak? Nasabi nga ni Billy na may trabaho dapat siya sa gabing ito, pero hindi niya tinanggap dahil gusto niyang pumunta dito at makipag-ayos na sa akin.

"Nasorpresa talaga ako sa ginawa niyang effort na ito at dahil doon, masasabi ko mahal ko pa rin si Billy at pinapatawad ko na siya. Dasal ko na hindi ito mangyari ulit sa aming dalawa o sa sinuman na malapit sa puso ko," saad ng veteran TV host.

Nabanggit ni Billy na na-miss niya ang pag-aalaga na ginagawa ni Kuya Germs sa kanya. Parati raw siyang pinaghahandaan ni Kuya Germs ng paborito niyang almusal, ang danggit.

"Siguro naman mapagbibigyan na ako ni Kuya Germs sa paborito kong danggit!" sabay tawa ni Billy. "Na-miss ko ‘yon at si Kuya Germs lang kasi ang may alam ng mga paborito kong pagkain. I'm so happy na okay na kami. Now I can see him every day if I want to. Anytime na gusto niya akong kunin na guest sa Walang Tulugan, hindi ako matutulog at magge-guest talaga ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Kuya Germs, ang payo lang niya kay Billy ay ipagpatuloy nito ang pagrespeto sa mga nakakatanda sa kanya at iwasan nito ang may makasamaan ng loob.

"Mabait na bata itong si Billy," sabi ni Kuya Germs. "Nabantayan ko itong lumaki. Very close ako sa pamilya niya. Pero may mga pagkakataon talaga na nakakatampuhan ng magulang ang kanilang anak. Pero nagkakapatawaran din. I'm just glad na nangyari na ito para pareho na kami ni Billy na may peace of mind at maganda ang simula ng bagong taon sa aming dalawa."

Bilang ganti sa magandang gesture na ginawa ni Billy, binigyan ni Kuya Germs si Billy ng good luck money na P500. Naging tradisyon na kasi ito ni Kuya Germs na bigyan ang mga dumarating na dating members ng That's Entertainment tuwing may reunion sila. Ang nasabing amount kasi ang naging unang suweldo ng mga nagsisimula sa That's Entertainment.

"Hindi ko tatanggihan ang bigay na ito ni Kuya Germs. Para sa kaalaman ng lahat, I recently lost my wallet. Pero maganda naman ang naging kapalit, I got my father back, and that's Kuya Germs," nakangiting sabi ni Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Billy Crawford, German Moreno
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nasorpresa talaga ako sa ginawa niyang effort na ito at dahil doon, masasabi ko mahal ko pa rin si Billy at pinapatawad ko na siya. Dasal ko na hindi ito mangyari ulit sa aming dalawa o sa sinuman na malapit sa puso ko," says German "Kuya Germs" Moreno (right) about Billy Crawford (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results