Sunshine Dizon challenged by questions on "Gimme Mo!"

"She really scrutinizes people! Siguro kasi bunso ako, the same way with my brother and sister. Mymom only wants the best for us, her children. So, in all aspects, noong bataako, feeling ko, pakialamera talaga. Pero ngayon naman, feeling ko, she's justthere to constantly remind me of things because she doesn't want me to gethurt," says Sunshine about her mom, Dorothy Laforteza.



May bagong segment ang Showbiz Central na nagsimula noongLinggo, January 11, ang "Gimme Mo!" Since kilala si Mo Twister sa pagigingmatapang sa pagtatanong sa kahit anong maintrigang isyu, siya ang naatasangmag-interview at magbato ng mga controversial issues sa mga celebrity na mauuposa naturang segment.

For its initial episode, si Sunshine Dizon ang unangsumalang sa "Gimme Mo." Sa 20 mystery questions, na pinili mismo ng mga taong malalapit kay Sunshine, lima rito ang itatanong ni Mo. Ilan sa mga namiling limang questions for Sunshine ay ang kanyang uncle na si Mr. RamonSabella; Sunshine's yaya, Malou Porcincula, na nagbitiw pa ng statement na: "Meronakong alam, e. Malaking pagtingin ni ano, e...hindi lang masabi. Hindi niyama-express. Hindi niya masabi. Hindi niya magawang lumigaw."

Si Dingdong Dantes ang isa pang namili ng tanong. Sabi ng aktor, "Okey ‘to, hindi ko alam ‘to. Yung iba, parang ayokong tanungin, e.Pero since binigyan n'yo ako ng choice na tanungin siya, mas pinili ko ‘to, yungalam ko na masasagot niyang talaga nang diretso. Ito kasi, ngayon ko langnarinig or ever na naisip na may ganito about her."

Ang isa pang namili ng tanong for Sunshine ay ang kanyangina na si Dorothy Laforteza. Aniya, "Kaya ko napili ito dahil ito ang gustokong maliwanagan. Dahil alam ko ang lahat sa buhay ng anak ko."

Naging emotional pa raw si Mommy Dorothy sa isang tanong nanapili niya para sa anak. "Huwag mong saktan ang anak ko! Dahil kapag sinaktanmo, uunahin ko pang idasal na sana, ikaw na ang naunang namatay!" banta ng inang aktres.

Ayon kay Sunshine, ninenerbiyos siya at the start ofthe interview. Hirit naman ni Mo, siya naman daw ang ninenerbiyos dahil nakitaniya ang mommy ni Sunshine.

Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Mo ang pagtatanong kaySunshine.

Question No. 5: Who do you find most attractive sa lahat ngmga leading men na nakatrabaho mo and why?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag naman sanang sumama ang loob ng iba, kasi siyempre,hindi naman sila magiging artista kung pangit sila. Well, I guess naman, lahatnaman ng naka-partner ko are goodlooking. Pero ang malapit sa puso ko, ofcourse, Dong [Dingdong] and Mark Anthony Fernandez."

The question is hindi pinakamalapit sa puso mo, yungpinaka-guwapo?

"Isa lang dapat? Baka ma-hurt sila! Obviously, si Dong!Sexiest man, di ba?"

During the time na nakatrabaho mo si Dingdong, did you everhave feelings? Crush? Siyempre, attraction?

"No, e. Si Dong talaga has always been like a brother to me.We're really close."

Question No. 4: Gaano katotoo na bumili ka raw ng isangnapakamamahaling sasakyan? A Porsche...at alam naman natin kung gaano kamahal angisang Porsche. So, it is true na bumili ka ng Porsche?

"Meron akong matchbox nun!" tawa ni Sunshine. "Pero isa yunsa mga dream car ko. It's not actually a Porsche. I am actually buying a newvan. Puwede ko bang sabihin ang tatak? Well, it's a new line of Starex van,yung limousine."

Magkano ba ‘yan?

"Huwag na lang..."

Sinabi mo na naman ang model, so how much it is honestly?

"Mura lang yun, kayang-kaya mo—2.6 million. Ano ba, yungibang kotse ko, ganoon din ang halaga! At saka hindi naman cash yun!" natatawaniyang sabi.

Question No. 3: Sa Iloilo ka raw nag-Christmas at nagkaroonka ng feeding program. How true na papasok ka raw ng politics?

"Well, it's really my dream, actually... Hindi naman feedingprogram. It just so happened that my mom and I, umuwi kami ro'n and we thought,it would be nice to share whatever we have. So, nagluto kami ng pagkain atnamigay kami ng pamasko sa mga bata.

"It's really one of my dreams. Siyempre, if ever I'll gointo politics, uunahin ko na ang mga kababayan ko."

Anong office if ever, ang gusto mong pasukan?

"Siyempre yung mataas-taas na, congresswoman, para siyempremas wide yung range, mas marami akong matutulungan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, if ever mag-run ka for Congress, sa Iloilo?

"Ay, hindi, huwag naman. I'll start from the very beginning.Siyempre, iba yung meron kang knowledge kung ano ang gusto mong gawin and youhave experience to back you up."

How soon will you go to politics kung busy ka ngayon?

"Well, siguro ano, kapag medyo maluwag ang schedule. Besidesfinishing my culinary degree, gusto ko sana talaga na makakuha ng somethingabout law. Mahirap naman tumakbo kung hindi ka knowledgeable, di ba?"

Question No. 2: (Ang isa sa tanong na pinili ng mommy niya.)Honestly, have you ever felt na masyadong naging pakialamera sa lovelife moang mommy mo?

"Well, to be very honest, yes, there was a time that I feltthat way. Because you know naman how kids are, when you're young, you want to dothings with your life and you have your mom telling you things. So, you'll feelna your mom is the kontrabida, pakialamera."

Pero ano nga ba ang ginagawa ng mga mommy na nagigingpakialamera sila sa buhay?

"Well, ano naman, she really scrutinizes people!" tawa niSunshine. "Siguro kasi bunso ako, the same way with my brother and sister. Mymom only wants the best for us, her children. So, in all aspects, noong bataako, feeling ko, pakialamera talaga. Pero ngayon naman, feeling ko, she's justthere to constantly remind me of things because she doesn't want me to gethurt."

It's pakikialam naman that is done with love?

"Yes! And I think, all parents are allowed to do that. I candraw the line naman and my mom draws the line rin naman."

Question No. 1. (Ayon kay Mo, ito raw ang question nanagalit ang mommy niya.) Sa isang interview before, nasabi ng mommy mo na walasiyang nagustuhan sa mga naging ex-boyfriend mo. Sino sa kanila ang hindi mo nagustuhan at bakit?

"Para fair..."

You need to give a name...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, lahat, obviously, hindi gusto ng mommy ko. Alamn'yo kung bakit. Kaya lahat sila wala na sa buhay ko!" natatawang sabi niSunshine.

So, sino ang pinaka-hindi?

"Let's just leave it like that..."

No, I will sit here forever, live on TV, sabi naman ni Mo. So,sino ba ang pinaka-hindi gusto ng mommy mo sa mga naging past boyfriend mo?

"You know what, honestly ha, I hope you do understand whereI am coming from... Obviously, my mother, she's very particular with the peoplethat I dated. But on my part, it would be so unfair to actually say someone'sname because I've been part of their lives. So, opinion yun ng mommy ko at hindi ko opinion."

Hindi nakuha si Mo sa sagot ni Sunshine, kaya ang ginawanito ay tinawag niya sa stage ang mommy ni Sunshine para tanungin kung sino angpinaka-ayaw nitong naging ex-boyfriend ni Shine.

"Actually, kung sabihin ko, hindi n'yo kilala. Non-showbizsiya..." sabi ni Mommy Dorothy.

Hindi naman itinanggi at hindi ikinaila ni Sunshine nakinabahan siya nang todo sa interview na yun sa kanya ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN