Survivor castaway John Lopez plays leading man of Rochelle Pangilinan in new season of Daisy Siete

"Kung may chance namagkamabutihan kami, hahayaan ko. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko," says John Lopez about SexBomb's Rochelle Pangilinan.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang datingSurvivor Philippines castaway na si John Lopez sa presscon ng Season 21 ng Daisy Siete, namay pamagat na "Tarzariray: Amazonang Kikay" noong Lunes, January 12.

SiJohn ang leading man ni Rochelle Pangilinan sa bagong episode namapapanood sa dating timeslot nito pagkatapos ng EatBulaga! simula sa Lunes, January 19.

Tuwang-tuwa at may kasamang gulat si John sa pagkakapili sakanyang makapareha ni Rochelle. Lalo't alam niya na ang first choice sa role nanapunta sa kanya ay si JC Tiuseco, ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor ng SurvivorPhilippines. Na-consider din si Paolo Contis bago napili si John.

"Nagpapasalamat ako sa Focus E sa chance na ibinigay sa akinna muling umarte," sambit ni John. "Sa Dear Friend ako unang nag-guest,kasama si Nikki [Dacullo, another Survivor castaway], at nagustuhan ko naman.Nagwo-workshop ako ngayon under Jules Dacanay para hindi ako mapahiya saSexBomb Girls, kay Ms. Joy [Cancio], at sa viewers ng Daisy Siete."

LOVE TEAM WITH ROCHELLE. Bukod sa kakaibang istorya, ang love team nina Johnat Rochelle ang ibinibenta ng "Tarzariray."Malaking tulong para mabilis umingay ang kanilang tambalan angpagiging open ng dalaga na crush niya si John at talagang kinikilig ito sakanya. Sa harap ng press, tinawag ni Rochelle na "baby" si John, kaya nag-blushng modelo.

Ano ang masasabi niya rito?

"Nagulat ako, masaya at flattered na ang isang maganda,magaling umarte't sumayaw na dalaga ay crush ako," sabi ni John.

Wala raw girlfriend si John sa ngayon. May balak ba siyangligawan si Rochelle?

"As of now, focused ako sa trabaho ko. Kung may chance namagkamabutihan kami, hahayaan ko. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko."

Ano ang first impression niya kay Rochelle?

"First time kaming nagkita sa taping ng Tok! Tok! Tok! atnapansin kong tahimik at mabait siya. Wala lang kaming chance makapag-usap. Sapictorial ng Daisy Siete kami nakapagkuwentuhan at talagang mabait atmasarap siyang kausap. Kikay siya at alam kong mag-e-enjoy akong katrabaho siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napuna namin ang poster ng "Tarzariray" dahil sina Johnat Rochelle lang ang may litrato. Pati ang billing ni John ay ka-level ngpangalan ni Rochelle at magkasing-laki ang letra ng mga ito. Ikinatuwa ito ni John nang husto.

Nakausap din ng PEP si Rochelle sa Mugen Bar, kung saan ginawaang presscon. Inamin nitong nahiya lang siyang banggitin na si John ang gustoniyang makasama sa gubat halimbawang ma-stranded siya nang totohanan dahilnahiya siya.

"Pero una kong inalam kung may girlfriend siya dahil ayokongmay masagasaan ako. Nang malaman kong single siya, inamin kong crush ko siya.Sabi ng ibang SexBomb, may chemistry raw kami at kinikilig din sila sa loveteam namin," wika ni Rochelle.

CRUSH ON IZA. Wala ngang girlfriend si John, pero year 2003pa ay crush na raw niya ang Kapuso star na si Iza Calzado, na gymmate niya.Pinanood daw niya ang Desperadas 1 & 2 dahil kay Iza. Bukod dawsa nagagandahan siya rito ay nagagalingan pa siya sa pag-arte ni Iza. Walang boyfriendang aktres ngayon, kaya kailangang bantayan ni Rochelle si John at baka ligawannito si Iza.

John is 27 years old. May managerial contract siya kay RaulRamirez, bago pa man siya sumali sa Survivor Philippines. Ramp, print adat commercial model siya at ngayon ay desididong mag-showbiz. Graduate din siyang ComSci sa AMA.

Nag-graduate din ng Automotive si John sa Don Bosco at TESDAkaya mahilig siya sa mga sasakyan. Honda Civic at Mitsubishi ang gamit nakotse ni John, pero kung may pera na siya, gusto raw niyang bumili ng BMW,Audi, at ibang luxury cars. Pag-iipunan niya raw ang pambili ng kanyang dream carsat magandang simula ang pagkakasali niya sa Daisy Siete.

SURVIVOR SPOILER? Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni John saakusasyong siya raw ang spoiler at nagkalat na si JC Tiuseco ang mananalo sa SurvivorPhilippines. Nalasing daw siya at naikuwento sa mga kainuman kung sino angwinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, paano kosasabihin yun? Paano ako naging spoiler, pang-7th ako sa castaway nana-eliminate? Right after ma-vote out ako, ilang days lang ako nag-stay sa [KohTarutao] island at pinabalik na kami sa Manila nina Nikki, Vhev [Gador], atNiƱa [Ortiz]. Pagbalik ko dito, wala akong nakausap na castaway and no way paramalaman ko kung sino ang mga naging Jury at kung sino ang naalis," paliwanagniya.

Hindi ba siya nasaktan sa akusasyong siya ang spoiler?

"Hindi ako hurt, nagulat lang ako," sagot ni John. "Bakitako? On my side, wala akong kasalanan. Hindi rin ako guilty dahil wala akongginawa."

BUSY CASTAWAYS. Natutuwa si John dahil magaganda ang nangyayari sa kanilangmga castaway. Si JC ay nasa Unang Hirit, atang best friend nitongsi Jace Flores ay napapanood naman sa Luna Mystika. Si Patani ay nasa FulHouse, si Marlon Carmen ay kasama raw sa Totoy Bato, at si John aykasali sa Daisy Siete. Ang mga walang regular shows sa kanila ay madalasding mapanood sa mga show ng GMA-7.

Welcome kay John ang pagkakaroon ng Season 2 ng SurvivorPhilippines. Sigurado raw siyang magiging kasing-successful ito sa Season 1na kanyang pinanggalingan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN