Roxanne Guinoo on ex-boyfriend Jake Cuenca: "Wala nang balikan na mangyayari."

"Okey na yung ganito na lang kami. Basta okey nakami ngayon, hanggang doon na lang yun. Wala nang balikan na mangyayari.Napakarami ko nang chance na ibinigay sa kanya," says Roxanne Guinoo about ex-boyfriend Jake Cuenca.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang youngactress na si Roxanne Guinoo kagabi, January 15, sa taping ng Banana Split, ang kinabibilangan niyang gag show sa ABS-CBN.

Ikinuwento niya sa PEP ang paghaharap nila ng ex-boyfriendniyang si Jake Cuenca nang muli silang magkatrabaho at magsama sa isang episodeng Maalaala Mo Kaya.

"Nung una kaming magkita sa set, awkward," panimula ni Roxanne. "Peronung katagalan na, nag-usap na kami. Siya ang unang gumawa ng way paramagkausap kami."

Nag-sorry raw si Jake kay Roxanne.

Sa ngayon ba ay masasabi niya na friends na ulit sila ni Jake?

"Hindi naman namin kailangang maging super friends," sagot ng dalaga. "Bastaokey na kami ngayon. Open na ako na muli siyang makatrabaho. Kung may offerulit na pagtatambalin kami, tatanggapin ko pa rin."

Nang una bang i-offer sa kanya ang Maalaala Mo Kaya at malaman niya na si Jakeang makakatambal niya, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin itosince hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Jake at may bugbugan isyupa sa kanila?

"Ay hindi!" mabilis na sagot ni Roxanne "Kasi ako, gusto ko langtalagang magtrabaho nang magtrabaho. 'Tsaka maganda yung role. Sayang kungpalalampasain ko. And one more thing, gusto ko talaga ng drama. Kaya ngasana, mabigyan ulit ako ng serye ng ABS-CBN."

Ngayong okay na sila ni Jake, posible bang magkabalikan sila? Paano kunghumingi ng second chance sa kanya si Jake?

"Ay, hindi na siguro. Okey na yung ganito na lang kami. Basta okey nakami ngayon, hanggang doon na lang yun. Wala nang balikan na mangyayari.Napakarami ko nang chance na ibinigay sa kanya."

Ayaw niya nang makipagbalikan kay Jake dahil maybago ba siyang minamahal?

"May mga nanliligaw, pero wala pa akong sinasagot. Siyempre, tumatanggapako ng suitor, ayoko namang tumandang dalaga!" tawa niya.

Puro non-showbiz daw ang nanliligaw ngayon kay Roxanne.

Kumusta na ba sila ni Carlo Aquino na na-link sa kanya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko doon, hindi na nga siya nagpaparamdam. Minsan tinext ko siya, perodedma, hindi siya sumagot," saad ni Roxanne.

WANTS COMEBACK ON WOWOWEE. Tuwing taping ni Roxanne ng Banana Split sa ABS-CBN aydumadalaw siya sa live presentation ng Wowowee. Dati siyang co-host noon ni Willie Revillame. Dumadalaw siya dahil gustoniya raw bumalik sa Wowowee.

"Siyempre, mahal ko yung show na yun, kaya gusto ko sanangbumalik doon," pag-amin ng young actress. "Nagpapapansin na nga ako kay KuyaWillie, e, at kapag pinapabati ako ni Kuya sa show niya, lagi akong nananawagankay Mr. M [Johnny Manahan] na ibalik na ako doon. Sana may mapuntahan yungeffort ko na dumadalaw doon!"

Bukod sa gag show na Banana Split ay may sitcom si Roxanne sa TV5, Everybody Hapi. Pero madalang na siyang napapanood doon.

"Kasi Monday, Wednesday, and Friday, may taping ako ng Komiks PresentsFlash Bomba. Ako ang leading lady doon ni Luis [Manzano]. E, yung taping naminsa Everybody Hapi, walang regular day. Basta na lang silang magpapatawag saamin pag may taping.

"Minsan pag may taping kami doon, kasabay naman ng taping kong Flash Bomba kaya hindi ako nakakapag-taping. Pero okey lang naman yun sakanila. Naiintindahan naman nila na priority ko ang Flash Bomba, kasi ako ngayung lady doon ni Luis, kaya hindi puwedeng mawala ako doon," paliwanag niRoxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN