Lead stars of "Tayong Dalawa" answer new controversies

Tayong Dalawa stars (from left) Jake Cuenca, Kim Chiu, and Gerald Anderson faced The Buzz host Kris Aquino yesterday, January 18, to answer some issues being thrown against them.



Sa live guesting ng tatlong bida ng bagong teleserye ngABS-CBN na Tayong Dalawa na sina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca saThe Buzz kahapon, January 18, maraming revelations ang naisiwalat sapubliko sa pag-i-interview na rin ng host na si Kris Aquino.

KIM & GERALD KILIG MOMENTS. Unang tanong ni Kris kayKim, kung ano ang gift ni Gerald sa kanya last Christmas.

"Actually, kakabigay niya lang noong isang araw...cellphone," pag-amin ni Kim.

Anong klase?

"Yung 5800 na parang touch screen ng Nokia," sabi ni Kim.

Yun ba ang pantapat ng Nokia sa IPhone?

"Yes, parang IPhone po," sabi naman ni Gerald.

Anong kulay?

"Baby blue or...basta kulay blue po," wika ni Gerald.

Sabay biniro ni Kris si Gerald kung wala ba ito sa plan ngkanyang cell phone na minsan ay nagkakaroon ng free cell phone or buy one, getone promo. Natatawang sinabi ni Gerald na binili naman niya ang phone na regaloniya kay Kim.

Si Kim naman ang sunod na tinanong ni Kris kung ano namanang gift niya kay Gerald.

"Ako, kasi nalaman ko na nabasag yung center table doon sabahay nila. Iyon na lang ang ibinigay ko kasi hindi ko alam kung anotalaga ang ibibigay ko sa kanya."

Nag-comment si Kris na mamahalin ang gift kasi furniture. Attinanong ni Kris kung si Kim mismo ang pumili.

"Ako po," tugon ni Kim.

Na ikina-react naman ni Kris ng, "So, that means madalas kasa bahay nila kasi nalaman mong nabasag?"

"Hindi po, kasi nakuwento niya. Nagagalit kasi siya sa PAniya, ‘Hoy, bakit nabasag yung ganyan.' Sabi ko, ‘A, talaga, nabasag?' So,naisip ko na ‘yon na lang ang ibigay ko," depensa ni Kim.

Nag-reminisce pa si Kris ng naunang interview niya kina Kimand Gerald sa The Buzz last year, kung saan marami raw pumuri sa dalawa dahilsa pagiging honest nila. Doon kasi ay inamin ni Gerald na araw-araw siyang nagte-textng "I love you" kay Kim, pero hindi naman tinutugunan ng dalaga. Inamin din niKim sa interview na ‘yon na nagseselos siya sa mga babaeng nali-link noon kayGerald. Kaya tinanong ni Kris mula ng panahon na iyon until now, ano na angpagbabago sa relationship nila Kim at Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman," sabi ni Kim.

So, hindi ka na nagseselos dahil walang mga babaengmakukulit na umaaligid kay Gerald?

"Wala na, kasi puro trabaho kami ngayon, e," sagot ngkauna-unahang Pinoy Big Brother Teen winner.

Si Gerald naman ang tinanong ni Kris, willing pa rin basiyang maghintay kay Kim kung kailan ito ready na makipagrelasyon, tulad ngsabi niya noon?

"Of course po. And I assured her na wala talaga ‘yon [issueng panliligaw sa iba]. At walang mangyayari in the future na masama sa amin.Alam naman niya ‘yon, e. Alam mo naman ‘yon, di ba?" patungkol na sabi pa niGerald kay Kim.

Nasaan na kayo ngayon?

"Sabihin ko na... nasa MU stage po kami ngayon. We have amutual understanding sa isa't isa," pag-amin ni Gerald.

Ano ba ang ibig sabihin ng MU na iyon ngayon?

"Parang you like each other pero wala...wala kayongcommitment," ani Kim.

Pag MU ba, you can like others? Exclusive ba yun pag MU?

"On my side, it's exclusive," wika ni Gerald.

Ikaw Kim, exclusive din?

"Wala namang lumalapit sa akin, e," sabi ni Kim.

Na kinontra naman ni Gerald, "Hindi po totoo ‘yon. You know,I'm very lucky to have someone like her."

JAKE'S LOVE LIFE. Nabaling naman ang atensyon ni Kris kayJake Cuenca. Tinanong niya ito na kapag nakikita ni Jake sina Kim at Gerald naso in love, ano ang napi-feel niya.

"Siyempre, nakaka-miss [na merong girlfriend]. Perosiyempre, nakita ko rin silang tumanda, e. Nakasama ko na sila dati sa SanaMaulit Muli," sabi ni Jake.

Noong birthday mo ba, may gift sa iyo si Roxanne (Guinoo,Jake's ex-girlfriend)?

"Wala e. Wala akong masyadong nakuhang gift noong birthdayko," medyo malungkot na wika ni Jake.

Si Bea (Alonzo) ba, nag-greet ng happy birthday?

"Hindi, e."

She never talked to you na?

"Hindi, kapag nagkikita kami sa ASAP, okay naman. Nagha-hinaman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano yung hi?

"Bebeso lang. Tapos diretso na dun sa prod [production]number."

Why do you think hindi ka niya nagustuhan?

"Siguro, wala pa ako dun sa maturity na hinahanap niya.Siyempre, at the same time, priority din namin is trabaho. So, ayun."

JAKE VS. BARON. Hindi rin nakaligtas si Jake sapang-iintriga ni Kris tungkol sa mga naglabasang balita sa tabloids tungkol sahindi magandang pagtitinginan nila ngayon ni Baron Geisler, na incidentally aykasama nila sa cast ng Tayong Dalawa.

Kumusta kayo ngayon ni Baron?

"I confronted him kanina [January 18 sa ASAP] about it,"pag-amin ni Jake.

Confronted, that's a very strong word. Explain mo sa aminand tell your story.

"Bale tinanong ko lang naman siya kung ano ang problema niyasa akin. e. Kasi sa mga naririnig ko."

Ano ba yung narinig mo?

"Syempre, ano... Hindi na siguro ako magdi-detail kasi medyomasama, e. Okay na yun. Siguro, alam ko naman yun. At saka sa mga taongnakabasa o nakakita ng write-up, alam na nila ‘yon.

"I confronted him about it. Sinabi ko, ‘Kung meron kangproblema sa akin, sa akin mo sabihin. Hindi na yung dadaan pa kung kani-kanino.'Sa akin kasi, I'm a very peaceful person. Kahit itanong n'yo kahit kanino samga friends ko, I'm a very peaceful person. Pero kapag nabastos na ang pagkataoko, hindi ko talaga tinatalikuran. So, yun lang naman ang sinabi ko sa kanya e.So, yun."

If he's watching right now, is there anything that you wantto tell him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Alam mo, Baron, sa akin more than anything, ha, siguro,sana we can be mature about this. Tingnan mo na lang na yung sinabi ko, para saiyo rin naman yun, e. Kailangan mo rin ‘yan para ma-realize mo ang mali mo. So,more than anything, wala naman akong hinahangad na masama sa iyo, e. Siguro anghinahangad ko lang, matutunan mo yung mali mo. Yun lang naman," pahayag niJake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN