Rosanna Roces says controversial scene in "Aurora" will not be cut

"Definitely, hindi kami magpuputol! Ang gusto nila, parangi-pixilize yung scene. Ano yun, DVD copy? Parang cartoon? Hello! Hindi puwede!Hindi naman ganoong direktor din si Adolf na basta papayag," says Rosanna Roces.



Pagkatapos ng screening ng indie film na Aurora sa UP FilmCenter kagabi, January 20, nagpaunlak ng ilang minuto si Rosanna Roces paramakausap ng entertainment press.

Nagiging controversial ang Aurora dahil dalawang beses itongbinigyan ng X-rating ng Movie Review & Television ClassificationBoard (MTRCB). Kaya ngayon ay may plano ang direktor nito na si Adolf Alix Jr.na mag-submit ng appeal letter sa MalacaƱang para maipalabas sa mga sinehan angpelikula.

Pagkatapos naming mapanood ang Aurora, kumpara sa ibang sexyfilms ay masasabing hindi naman maituturing na sexy o bold ang pelikula napinagbibidahan ni Osang. Ilang segundo lang ang mashing ng boobs ni Osang ng co-star niyang si Kristoffer King.

Ano ang masasabi ni Rosanna sa bagay na ito?

"Kayo na ngayon ang magsasabi para masabing hindi ginawa ang movie parai-titillate ang mga manonood. Hindi talaga! Walang mati-titillate, di ba? So,parang kayo na ngayon ang humusga kung anong klaseng MTRCB meron tayo ngayon!" diretso niyang pahayag.

During her speech before the screening of the movie, sinabini Rosanna na siguro raw ay dahil sa siya ang bida ng pelikula kaya't X agad ang ibinigay narating ng MTRCB. Was it a joke or seryoso siyang talaga sa sinabi?

"Puwede rin!" bulalas ng aktres. "Kasi, di ba, ang dami kongnapanood na mas grabe pa at talagang menor de edad pa nga yung mga nagbo-bold?Lintek ang pumping! E, ito kung makikita n'yo, kakarampot nga lang ang eksena.Noong tumayo si Kristoffer King, diniliman pa ang eksena."

Dagdag niya, "Naka-panty pa ako sa eksena run! Kaya nganakaganun [nakatakip] ang kamay ko para matakpan ang garter. So, talagangnagpaka-conservative pa ako ng lagay na yun."

Ayon kay Osang, unang beses niyang napanood nang buo angmovie kagabi. Mas nag-worry raw siya sa kung ano ang mararamdaman ng nanayniya.

"E, siyempre, first time na makakita ng suso nanilalamas-lamas!" natatawang sabi ni Osang. "Wala naman! E, siyempre, kapag may hindi maganda, unang-una,magre-react yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi rin naman na dati pa niyang ipinapakita ang boobsniya.

"Naku, e, kahit ba makita! Luzon, Visayas, Mindanao nakikitana yun, di ba? Kahit nakapikit siguro, kaya na itong i-drawing ng lahat ngtao!" tawa niya ulit.

Mariin ding sinabi ni Osang na ang sigurado raw, hindi rawsila magpuputol ng anumang eksena para lang tanggalin ng MTRCB ang X narating ng movie.

"Definitely, hindi kami magpuputol! Ang gusto nila, parangi-pixilize yung scene. Ano yun, DVD copy? Parang cartoon? Hello! Hindi puwede!Hindi naman ganoong direktor din si Adolf na basta papayag."

So, hindi sila papayag na magputol ng scene?

"Putulan ng ulo yung mga taga-MTRCB!" tawa niya. "Kayo namanang nakakakita. Nakita n'yo naman."

Nakaramdam ba siya ng disappointment sa pangyayari, lalo pa nga'tcomeback movie niya ang Aurora?

"E, hindi. Naiinsulto ako sa katangahan nila [MTRCB]! Kasi, di ba,parang ininsulto mo na rin ang audience ko? E, ang ina-apply namin R-18, hindinaman PG-13! Parang inaano mo ang kapasidad ng audience na manood kung ano anggusto nilang panoorin. Parang nililimitahan mo na rin sila."

Comeback movie niya, controversial pa rin?

"Ewan ko! Hindi ako nagpapaka-controversial. E, kasi, walanamang dapat ipag-ingay dun sa movie kundi yung the movie itself."

So, kakabit na talaga niya ang controversial?

"Ang X! X-rated!" natatawa niyang sabi.

Masasabi ba niyang tuloy-tuloy na nga ang pagbabalikpelikula niya?

"Oo! Kasi, may gagawin pa ko with Dante Mendoza. Pero secretmuna."

Nag-e-enjoy naman siya sa paggawa ng mga independentlyproduced film?

"Oo, sobra!" bulalas niya. "Kasi masyadong nirerespeto yung pagka-artist mo.Kahit sabihin pang mas maliit ang budget, pero talaga, totoo yun! Lintek angpagkarespeto nila sa mga artista. Para kang nilalagay sa pedestal."

Nararamdaman nga raw niya ang pagpapahalaga sa kanya. Tuladna lang sa ginawa sa kanya sa Aurora, na tulad din ng pagpapahalagang ibinigaynang gawan ng Adela si Ms. Anita Linda.

"Ako naman, kung anuman ang ibigay sa akin, gagalingan konaman. At least, hindi man pahalagahan dito sa sarili nating bansa, sa ibangbansa man lang, mapansin," saad ni Osang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN