Sam Milby denies reconciliation with Anne Curtis

"Maraming nagsasabi na nagkabalikan na kami, but it's not true. Pagkatapos ng breakup namin, medyo mahirap para sa aming dalawa. Pero ngayon, I can say na okay na talaga kami," says Sam Milby about ex-girlfriend Anne Curtis.


Sa kabila ng pagkaka-link ni Sam Milby kina Rufa Mae Quinto at KC Concepcion after his breakup with Anne Curtis, hindi naman nakumpirma kung totoong niligawan o nakarelasyon ng aktor ang mga nabanggit na aktres.

Bukas naman pareho sina Sam at Anne sa pagsasabing hindi nawala ang feelings nila para sa isa't isa sa kabila ng ilang buwan na rin nilang paghihiwalay. Kaya hindi na nagulat ang marami sa lumabas na balita na sa nakaraang farewell party ng Dyosa ay sweet na sweet daw buong gabi ang dalawa, at kahit sino raw ang makakita ay iisiping nagkabalikan na sila.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa dressing room ng ASAP '09 last Sunday, January 18, agad namin siyang tinanong tungkol sa balitang nagkabalikan na sila ni Anne.

"Hindi naman nawala yung feelings ko for Anne," simula ni Sam. "Siyempre, hindi naman ganun kabilis na mawawala yun. But we're not together, magkaibigan lang talaga kami ngayon.

"Maraming nagsasabi na nagkabalikan na kami, but it's not true. Pagkatapos ng breakup namin, medyo mahirap para sa aming dalawa. Pero ngayon, I can say na okay na talaga kami."

Ayon sa lumabas na kuwento, nagsimula raw ang lahat nang pahiramin ng jacket ni Sam si Anne sa isang eksena nila sa Dyosa na kinunan sa bundok, kung saan napakalamig daw talaga ng panahon. Dito raw na-touch nang husto ang aktres at lumambot uli ang puso para kay Sam.

Totoo ba ito?

"It happened sa eksena na namatay ako sa Dyosa," banggit ni Sam. "Naghintay kami sa bundok, super lamig! Yun na siguro yung pinakamalamig na na-experience ko dito sa Pilipinas. Blanket lang, I just kept her warm because giniginaw siya."

Sa farewell party pa rin ng Dyosa, may lumabas pa ngang kuwento na halikan daw sila nang halikan ni Anne buong gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang issue na ‘yan," sabi ni Sam. "We sang together, there's just one song that we're parang dancing together. Pero hindi naman kami naghahalikan just like ng mga balita. All I can say is that we're really okay with each other now."

Hindi man constant ang communication nila ni Anne gaya ng dati nung sila pa, hindi naman nagsasara ng pinto si Sam sa tsansang magkabalikan talaga sila ng dating girlfriend.

"Pag nagkikita kami, we're very much okay," diin ni Sam. "Minsan nagte-text pero hindi na araw-araw gaya ng dati, kumustahan lang. Reconciliation, there's always a chance. We cannot deny naman the fact that there's always a chance."

NEXT PROJECT. Ngayong tapos na ang Dyosa, aminado si Sam na mami-miss niya nang husto ang buong cast at mga nakasama niya sa nasabing fantaserye.

"Siyempre, medyo malungkot kasi matagal yung show, naging family na kami dito. Talagang pag soap, you really become a family. But happy na rin ako kasi wala nang prosthetics. Laging may reaction ang skin ko pag sobrang makeup."

Sa ngayon ay sisimulan na ni Sam ang soap na pagtatambalan naman nila ni Angel Locsin sa ABS-CBN, Buhay ng Buhay Ko.

"I'm very excited sa soap namin ni Angel. I worked with her in MMK [Maalaala Mo Kaya] and she's really so nice to work with. Isang beses pa lang kaming nagkatrabaho, pero nag-tour din kami sa States. I was with them during the premiere night [Love Me Again]. Ang bait talaga niya, she's super nice, super bait. So, I'm really looking forward to working with her," saad ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN