Sunshine Dizon tackles personal and career issues

"If it's not for you, it's not for you, and you move on. Hindi naman sa sobra kong iniyakan, hindi naman. Nalungkot, oo, kasi lahat naman ng nawawala, nalulungkot ka, di ba? Gamit mo nga hinahanap mo, or aso nga magbabayad ka pa para lang makita mo, di ba? Parang ganun," says Sunshine Dizon about her last breakup.


Ilang taon na rin ang nakalipas nang mag-break sina Sunshine Dizon at Polo Ravales, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang tanungin ang dalawa tuwing may isyung kinasasangkutan ang bawat isa sa kanila.

Last Saturday, January 17, sa showbiz talk show na Startalk ay nagsalita ang dating GoBingo girl na si Krissa Mae. Sa pahapyaw na rebelasyon ay sinabi nito na siya ang dumistansiya kay Polo dahil nararamdaman niya raw na nagagamit na siya nito. Nabanggit din niya ang pangungutang daw sa kanya ng aktor.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine noong Sabado, January 17, kinuha namin ang kanyang opinion sa kinasasangkutang isyu ng kanyang exboyfriend. May na-experience ba siya before na ganitong insidente kay Polo nung sila pa ang magkarelasyon?

"Well, sabi ko nga sa mga interview sa akin, asking my opinion towards the girl, honest to goodness, I do not know the girl. So I cannot say anything about her. But what I can only say is, ako, I never had that experience before when Polo and I were together.

"I also don't think we're all in the position to say anything because we're not there naman. We don't know what really happened," saad ni Sunshine.



Tanggap ni Sunshine na kahit matagal nang panahon na wala na sila ni Polo ay hindi pa rin maiiwasan na matanong siya sa tuwing may issue ang ex-boyfriend. Aminado rin ang aktres na nahirapan siyang makawala sa anino ng love team nila noon ni Polo. Pero nakagawa na ng sarili niyang tatak at pangalan bilang aktres si Sunshine.

"Siguro I can work with him, but not like before," sabi ni Sunshine. "I won't deny the fact that it's been a hard drive getting out of that love-team thing. Kasi ako, ever since, ang outlook ko towards sa patutunguhan kong daan is I wanted to create a name for myself. Kasi it would be hard for anyone, for that matter, na nasanay ang tao na may kasama ka, and pag di mo na kasama ang tao na yun, di ka na nila type. For me, it's much better for me to be able to work with different actors. Ngayon, tingnan ninyo, wala na 'kong problema"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible kayang magkabalikan sila ni Polo sa puntong ito ng kanilang buhay?

"Regarding balikan, hindi na rin," aniya. "I guess Polo and I both know na masyado nang matagal yun. We moved on and we're better off as friends, we both know that."

LAST RELATIONSHIP. Ang businessman na si Jojo Manlongat ang nabalitang huling boyfriend ni Sunshine. Pero hanggang ngayon ay nananatiling misteryo ang dahilan ng kanilang breakup.

Sinabi naman ni Sunshine na okay na siya ngayon at natanggap niya agad ang paghihiwalay nilang dalawa. Sa pagiging malihim niya sa mga naging relasyon, ipinaliwang ni Sunshine na noon pa man ay desisyon na niyang gawing pribado ang kanyang lovelife.

"If it's not for you, it's not for you, and you move on," deklara ni Sunshine. "Hindi naman sa sobra kong iniyakan, hindi naman. Nalungkot, oo, kasi lahat naman ng nawawala, nalulungkot ka, di ba? Gamit mo nga hinahanap mo, or aso nga magbabayad ka pa para lang makita mo, di ba? Parang ganun.

"Ako kasi, I just really don't want talking about any one of my relationships, not anyone in particular, especially if it's not from the business [showbiz]. If you try to analyze my history, it's very rare for me to talk about things like that. But Polo could be an exemption, kasi Polo is also in the business. It's a different thing. Pero anyone na out of the business, I'd rather not talk about it," paliwanag ni Sunshine.

DINGDONG DANTES. Sa nakaraang interview ng Showbiz Central kay Sunshine, naging issue rin ang sinabi niya na sa lahat ng naging malapit sa kanyang mga aktor ay si Dingdong Dantes ang kinu-consider niya na pinaka-good-looking sa lahat. Marami tuloy ang nag-isip na baka may namagitan sa kanila ni Dingdong noon.

"Wala!" natatawang sabi ni Sunshine. "The question actually was, who among my leading men I think na pinakaguwapo, yun ang question sa akin ni Mo [Twister]. They only want me to answer one, but you know, I can name a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sila magiging artista in the first place kung hindi sila good-looking. Hindi sila magiging leading man kung hindi sila sexy and good-looking. But they want me to answer just one. I think it's just being fair for me to say it's Dong, he's the sexiest male celebrity and top three yata in the world.

"Dong and I have a very special relationship talaga," patuloy ng aktres. "We all started with Anna Karenina, TGIS... So, through the years, we really became good friends talaga. Kumbaga, we watch out for each other. People might get an impression that something's going on, pero wala talaga because he's just a very nice and good friend of mine."

AWARD-WINNING ACTRESS. Sunshine already proved her worth as an actress. Patunay na rito ang maraming awards na natanggap niya recognizing her acting prowess. Pero sa kabila nito ay nandun pa rin ang pangunguwestiyon ng ilang tao sa mga napapalunan niyang awards.

"Ako, hindi ako nagagalit sa kanila," sabi ng aktres. "I don't because people are always allowed to have their own opinion. I know I can't please everyone. I'm just really blessed and I'm very lucky to have people who are actually in a positon, who have a great eye for talent and giving people like me a chance or opportunity na ma-recognize yung worth nila. In return, like ako, I make sure every time I play a role, I make sure I give my best, I give my all."

THE AMPON ISSUE. Isa sa isyung hindi mamatay-matay ay ang pagiging ampon diumano ni Sunshine. Isang isyu na aminado ang aktres na kahit papaano ay nakaapekto sa kanya dati.

"For a while before, I got kinda offended because I thought my family was okay with it. Na-hurt lang ako nung na-hurt na yung lola ko. Kasi yung buong family ko naman, they don't care because they know the truth. My lola kasi is matanda na yun, tapos ako pa ang paboritong apo. Yung mga amiga niya, tinatanong siya kung ano raw yung issue. Siyempre nahe-hurt ang Mamang, alam niya anak ako ng nanay at tatay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang tsismis, anak daw ako ng isang German at galing daw ako sa Olongapo, tapos anak daw ako ng isang anak ng may-ari ng shipping lines. Sabi ko nga nung time na yun, way, way back, if you're saying it's true, talk to me, I don't fear anyone.

"Salamat na lang din at namatay yung issue. Kasi nung mga panahon na yun, nag-iisip na ako, ano ba ang gusto nilang gawin ko? Iwan ko ang nanay ko at hanapin ang sinasabi nilang tunay na nanay ko?

"Kunwari lang, given the fact na totoo, I wouldn't do anything. I'm perfectly happy where I am right now and I won't ask for anything more or less, because I was born with a golden spoon in my mouth. Kung ampon nga ako, napakasuwerete kong ampon dahil lumaki ako sa ganitong bahay, napalaki ako ng nanay ko, lahat ng kailangan ko naibigay sa akin. Kung napunta ba ako sa tunay kong ina, mararansan ko ba ito? Iiwan ko ba ang nanay ko? Hindi. Siguro if it's true, I will acknowledge her, but I will never ever leave my mom," mahabang lahad ni Sunshine.

LOSING WEIGHT. Marami ang nakapansin na ang laki ng ipinayat ni Sunshine at bumagay naman ito sa kanya.

Kuwento niya, "Second time akong nagpa-lipo, tinanggalan ako sa arms saka sa back, tapos sinasabayan ko ng diet. Hindi ako nagtitimbang, but sobrang happy kami ngayon, especially si Uncle Ramon of Sabella. Kasi noon, pag nagpu-pull out ako ng damit, nahihirapan kami. Siyempre kung hindi ka happy sa shape mo, ang dami mong kailangang takpan. Hindi ka makapag-sleeveless kasi malaki ang braso mo. Nayon, we're all happy because I dropped size. Before, nung pinakamabigat ko, nag-e-extra large ako! Ngayon, suprsingly, small or medium."

Hindi man diretsahang pinagsabihan ng GMA-7 na magpapayat, lalo't may bago siyang uumpisahang show, health reason ang isa sa ibinigay na rason ni Sunshine ng kayang pagpapapayat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman yata ng mga artista, they're expecting you to look good all the time, di ba? Ako nung time na mabigat ako, pinaalalahanan lang na magpapayat. Pero ako naman, since may bago nga akong project, yung All About Eve, ako na ang nag-initiate ng effort.

"Siyempre, gusto kong pumayat dahil pangit naman na ang laki-lako ko sa screen. Saka not for anything, may health reasons din ako. Kasi pag medyo mabigat ako, hinihingal ako. Saka, di ba, may back problem ako? Napapansin ko, pag mabigat ako, mas masakit, kumikirot. Pero pag magaan ako, wala akong napi-feel na ganung tension or pain," pagtatapos ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN