Eula Valdes lists down her five sexiest female celebrities

Actress Eula Valdes will be seen in GMA-7's upcoming primetime series All About Eve, which will reunite her with Pangako Sa 'Yo co-star Jean Garcia.


Naging malungkot ang Pasko ni Eula Valdes at ng mister niyang si Richard Litonjua na naka-base sa Australia. Nanakaw kasi ang big bike (isang uri ng mamahaling motorsiklo) ni Richard.

"Nakakainis, pangalawang beses na kasi yung nakawan! Yung una, two years ago. Yung last, nung December. Sabi nga niya [Richard], parang Christmas gift niya yung nanakawan siya! Kasi may dalawa pang mas mahal na big bike sa harapan kung saan siya nakaparada. Pero obviously, tinanggal yung nasa harap niya tapos kinuha yung sa kanya," kuwento ni Eula nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Lalola sa Manila Memorial Park sa Parañaque City last Monday, January 19.

Ayon pa sa aktres, pinag-ipunan pa naman daw nang husto ng mister niya ang ipinambili ng naturang big bike na napakatulin daw tumakbo.

"Hindi ako natakot sa bungee jumping, kinaya ng powers ko yun. Pero maloka-loka ako nang isinakay niya ako dun sa big bike niya during my recent visit sa kanya sa Australia. Alam mo, yung helmet ko, umiikot talaga sa ulo ko! As in muntik ko na talagang hindi kinaya sa sobrang bilis!" kuwento ni Eula sa PEP.

MISSING MARKY. Sa February 6 na ang huling episode ng Lalola, kung saan gumaganap si Eula bilang Susanna. Sa pagtatapos ng Lalola, sino ang pinakamami-miss ni Eula?

"Si Marky Cielo!" mabilis niyang sagot. "Kasi napaka-approachable niya, naglalaro pa kami dati, tsikahan."

Huli raw silang nagkasama ni Marky sa taping ng Lalola ilang araw bago ito namatay.

"May laro pa kami, kung sino ang tatawa, talo. Magkakaharap kami, kakantahin mo yung ‘B-E-A-M means smile, smile kami ‘pag Beam!' Kami ni Lovi [Poe], laging natatawa; si Marky, hindi, kaya siya lagi ang panalo," pagbabalik-tanaw ni Eula.

ALL ABOUT EVE. Pagkatapos ng Lalola ay may sisimulan agad na bagong project si Eula sa GMA-7, ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na All About Eve. Dito ay makakasama niyang muli si Jean Garcia na naging mahigpit niyang karibal sa ABS-CBN soap noon na Pangako Sa ‘Yo. Biro namin kay Jean, "balik-tambalan" na naman sila ni Jean sa All About Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kami nga talaga yung magka-love team!" tawa ni Eula.

Magpapatalbugan ba sila ni Jean—sa damit, accessories, at acting—sa All About Eve tulad ng ginawa nila dati sa Pangako Sa ‘Yo, kung saan pinasikat nila ang mga karakter na sina Amor Powers (Eula) at Madam Claudia (Jean)?

"Sila [production team ng All About Eve] ang bahala dun, sila naman ang magdadamit sa amin," sabi ni Eula. "Kung sa mga eksena naman or sa acting, hindi ko pa alam, wala pa akong script."

One thing is for sure, pareho raw sila ni Jean na itotodo ang powers nila para mapaganda nang husto ang programa. Kasama rin nila sa All About Eve sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, at Richard Gomez.

Bago ginawa ni Eula ang una niyang show sa GMA-7 na Kamandag ay nakapag-taping na siya para sa isa pang teleserye ng ABS-CBN, The Wedding, na tinatampukan nina Anne Curis, Luis Manzano, at Zanjoe Marudo. Ngayong magsisimula na siyang mag-taping para sa All About Eve, mukhang malabo na niyang matapos ang The Wedding na magre-resume na ng taping.

"Hindi ko alam. Kasi ang alam ko, tapos na yung kontrata na yun last year pa, magagawan naman nila ng paraan yun, I'm sure. 'Tsaka alam nila ang gagawin nila. Wala naman akong kontrata sa ABS, per project ang kontrata dun," saad ni Eula nang hingin namin ang kanyang reaksiyon.

FIVE SEXIEST FEMALE CELEBRITIES. Si Eula ang itinuturing ni Dingdong Dantes na "best cover girl" ng men's magazine na FHM. Kasama rin ang aktres sa listahan ni Dingdong ng five sexiest female celebrities, na kinabibilangan din nina Gretchen Barretto, Kate Beckinsale, Kate Hudson, at Marian Rivera.

Si Eula naman ang hiningan ng PEP ng kanyang five sexiest celebrities. Pero imbes na male celebrities ang sabihin niya, mga babae ang inilista niya sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako tomboy, ‘no! Ano lang kasi, kapag seksi kasi ang topic na ganyan-ganyan, parang mas bagay kapag babae ang pag-uusapan, parang mas magandang tingnan," paliwanag niya.

Narito ang five sexiest female celebrities ni Eula:

Gina Pareño - "Nung ‘70s, may kuha siya na umaahon sa tubig na naka-two-piece na puti, para siyang [James] Bond girl."

Elizabeth Oropesa - "Meron siyang kuha na parang balat ng animal ang suot niya na para siyang amasona."

Angelica Panganiban - "Tingin ko siya ang bagong Gina Pareño, may innocence. Muntik na akong mabangga dahil sa billboard niya ng Bench!"

Techie Agbayani - "Ay, grabe ang kaseksihan nun! Pati ang kulay niya, pantay na pantay."

Daria Ramirez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN