Comedienne Pokwang turns to music recording

"Gusto ko kasing ire-invent ang sarili ko. Atgusto ko ring ipakita sa mga tao na kaya ko rin ito. Kaya kong kumanta. Hindiko sinasabing ang galing-galing ko. Pero at least, masasabi kong nakakakantaako. Kaya naman bonggang-bonggang nagpapasalamat ako sa Star Records na finallykinuha na nila akong recording artist. May six songs ako dito sa album ko.Maiiyak kayo sa kakatawa sa album na ito, pampatanggal ng stress," says Pokwang about becoming a recording a



Hindi lang ang pangarap na maging isang recording artistang natupad sa pagkakaroon ng sariling album ni Pokwang na may titulongPokwang... Ang Album Na May Puso under Star Records. Natupad din ang kagustuhanniyang makapagbigay ng kasiyahan sa mga tao sa ibang paraan at ito nga ay sakanyang pagkanta.

Matapos dalhin ni Pokwang ang kanyang brand of wit and humorsa telebisyon, entablado at pelikula, ngayon ay sa kanyang kauna-unahang albumnaman niya ito patutunayan.

Ano ang feeling na may sarili na siyang album?

"Ay, ang saya-saya talaga! Achievement, di ba? Dream kotalagang magkaroon ng album. Hindi photo album ha, marami na ako nun! Siyempre,ang gusto yung music album para maipakita ko yung galing ko as a singer, chos!"pabirong hirit ni Pokwang nang ma-interview siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) during her album launch and presscon na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN last Wednesday, January 21.

Patuloy niya, "Gusto ko kasing ire-invent ang sarili ko. Atgusto ko ring ipakita sa mga tao na kaya ko rin ito. Kaya kong kumanta. Hindiko sinasabing ang galing-galing ko. Pero at least, masasabi kong nakakakantaako. Kaya naman bonggang-bonggang nagpapasalamat ako sa Star Records na finallykinuha na nila akong recording artist. May six songs ako dito sa album ko.Maiiyak kayo sa kakatawa sa album na ito, pampatanggal ng stress."

DEBUT ALBUM. Ang first album na ito ni Pokwang ay naglalamanng anim na mga kanta with the carrier single "Sana Kunin Ka Na Ni Lord." Meronding Tagalog version ng "When You Tell Me That You Love Me" na "Pag In-Love KaNa Sa Akin." May mga novelty songs din na danceable like "Gaya-Gaya Puto Maya,""Bonggacious," "Bratatat," at "Bahoo." May bonus track pang "Hai."

Sa mga kantang kasama sa album niya, alin ang paborito niya?

"Lahat paborito ko, pero meron akong dalawang tinatangi nangbonggang-bongga—ang Tagalog version ng ‘When You Tell Me That You Love Me' atang ‘Sana Kunin Ka Na Ni Lord.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ang dalawang ito ang kanyang tinatangi?

"E, kasi nakaka-relate ako. O, di ba? Galing sa puso ko angpagkanta roon kasi may pinaghuhugutan ako."

Hindi lang dito sa Pilipinas sikat si Pokwang, kundi magingsa abroad lalo na sa mga The Filipino Channel (TFC) subscribers. Inaabangan nanga raw ng mga ito ang album niya.

"Yes, actually inaabangan na nga nila itong album ko.Excited na po sila sa album talaga. In fairness sa mga Kapamilya nating TFCsubscribers talaga. Kasi even before na lumabas itong album ko, pino-promote kona talaga maging sa mga shows ko sa abroad. Kaya nakakatuwa naman ang response nila."

POKWANG'S LOVE LIFE. Sa kantang "Sana Kunin Ka Na Ni Lord," parangnakaka-relate siya sa lyrics ng song, na isang babaeng nasaktan at nasawi sapag-ibig.

"Oo, feel na feel ko yun," sabi ni Pokwang. "Sabi nga nila, maramingnakaka-relate sa song. So, ibig sabihin, maraming sawing-puso. Kasi noongginagawa namin ito, sabi sa akin ng composer [Christian Martinez], ‘Di ba, lagika namang sawi sa pag-ibig? Siguro dapat natin gawin itong ganitong klasengsong para maibubuhos mo yung feelings mo.' Which is totoo namang nangyari na habangkinakanta ko ito, iniisip ko sila, yung mga nakaraan kong pag-ibig."

Hindi ba negative yung dating ng song na parang she iswishing bad sa kapwa niya na ma-dead agad?

"Hindi naman, joke-joke-an lang ito. E, tayo naman, Diyos parin ang nakakaalam kung hanggang kailan ang buhay natin."

Marami ba silang nagpaiyak sa kanya?

"Dalawa lang naman," sagot ng komedyana.

Sino yung pinakamatindi sa dalawa?

"Yung una... yun yung may bugbugan ever, dyombag ever. Atna-MMK [Maalaala Mo Kaya] yun. Pero kung anuman yun, wala na, kalimutan na langnatin."

Nag-e-entertain ba siya ng suitors ngayon?

"May mga kumikyeme, pero ayoko. Kasi parang hindi naman silatotoo. Parang ilusyon ko lang. Chos, ano ba yun!" pakengkoy na sabi ni Pokwang."Para kasing hindi naman totoo yung mga pinagsasasabi nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba yung mga sinasabi nila na hindi totoo?

"Ang ganda-ganda ko raw. Doon pa lang sinungaling na siya.Kapag sinabi niyang ang yaman-yaman ko, doon baka maniwala pa ako, chos!"

Ano ba yung qualities ng lalaking hinahanap niya?

"Gusto ko yung mas malaki ang kita sa akin, chos! Hindi, siyemprealam naman niya na may anak ako, di ba, babae pa yun. Yun lang, makita ko langtalaga na sincere at may respeto dun sa bata, okay na sa akin yun."

Patok ang kanyang career ngayon pero taliwas naman itopagdating sa kanyang love life. Naniniwala ba siya sa kasabihan sa showbiz nakapag successful ang career, hindi naman successful ang love life?

"Totoo yun. 101 percent na totoo sa akin yun. Proven."

Hindi ba niya wini-wish na maging okay rin ang love life niya?

"Sana pagdating ng panahon hangga't hindi pa akonakatungkod."

Pero masaya ba siya ngayon kahit walang love life?

"Sobra! Kapag hindi pa naman ako sumaya sa dami ng blessingsna binibigay ni Lord, di ba?"

Since ang title ng album niya ay Ang Album Na May Puso, anoang talagang nakaaantig sa puso ni Pokwang?

"Pagdating sa bata, oo. Ewan ko, parang pag sa bata iba, e.Kung gusto n'yo akong paiyakin, tungkol sa bata. Siguro dahil sa pagiging nanayko na nawalan ako ng anak. Siguro yun ang talagang matindi. Dun talagakumikirot ‘yong puso ko. Lalo na yung napapanood natin na mga batang nare-rape.Sobra yung galit ko sa ganun," saad niya.

JOEY DE LEON. Bakit hindi sila nagsama ng kanta na sagot kayJoey de Leon tungkol sa "aswang" issue?

"Huwag na. Baka pag sumagot na naman ako, tapos sasagot namansiya, wala nang katapusan ‘yon. Makabuo na kami ng tigsa-sampung album! Hindi,ano na lang, kumbaga wala na, e, tapos na 'yong isyu. Kinalimutan ko na. Batina kami."

Paano sila nagbati?

"Ganito yun... Sa akin lang, talagang wala na ‘yon. Kumbaga,magkita man kami ngayon, hindi kami maiilang sa isa't isa kasi tapos na.Tinuldukan ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya bati na sila, nag-offer ba si Pokwang ng peace?

"Hindi pa kami nagkikita, e. Pero ngayon, sinasabi ko nanakikipagbati na ako. Kalimutan na yung isyu."

Bibigyan niya ba si Joey ng album niya?

"Bibigyan ko siya pag gusto niya."

Hindi kaya si Joey ang pinatatamaan niya sa kantang "SanaKunin Ka Na Ni Lord" dahil sa away nila noon?

"Hindi, hindi si Joey, tungkol sa love life ko ‘yon.Promise, hindi siya yun."

PIOLO PASCUAL. Kung bumongga nang husto ang kanyang singingcareer at bibigyan siya ng isang big concert na isa lang ang kanyang guest.Sino ang pipiliin niyang maging guest?

"Piolo Pascual," walang kagatul-gatol na sagot ni Pokwang."I love him. Kasi malaki ang naitutulong sa akin ni Piolo, yung mga advise niyasa akin pagdating sa trabaho. Pinagpe-pray niya ako lagi."

Ano ang mga advise na sinasabi sa kanya ni Piolo?

"Yun nga, yung ‘Be humble kung anuman ang marating mo.' Kasiganun naman talaga si Piolo hanggang ngayon. Aminin natin kahit malayo na angnarating ni Papa P, talagang ano [humble] pa rin siya. Tapos yung huwagmakakalimot sa pagpapasalamat sa lahat-lahat ng dumarating. Yung mga taongtumutulong sa iyo, huwag mong kakalimutan. Ganun siya."

Hindi kaya mainggit si Sam Milby, siyempre silang dalawa niPiolo ang kasama niya during the Heartthrobs concert series nila sa Pilipinasat sa abroad?

"Ay, siyempre, pag may Piolo, hindi mawawala si Sam sa akindin. Kasi talagang silang dalawa yung lagi kong kasama. Si Sam, bunsong kapatidang turing ko talaga diyan, e. Si Piolo, pinagnanasaan ko ‘yan!" biro niPokwang.

"Alam naman niya yun e. Bakit ba?" pahabol niya.

Dahil sa kanya na rin nanggaling na "pinagnanasaaan" niya siPiolo, kung mabibigyan siya ng pagkakataon na maka-one-night stand si Piolo,papayag ba siya?

"Yes! Yes! Sabi ko nga kapag nagkaanak ako kay Piolo, ako paang magbibigay ng sustento sa anak namin, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WOWOWEE. Since isa siya sa mga co-host ng Wowowee,magkakaroon ba siya ng album launch dito?

"Yes, nakaplano na po ‘yan. In fairness naman kay Papi [WillieRevillame], meron yun. Ganun niya ako kamahal."

Wish niya rin bang ma-link kay Willie, tulad ng pagkaka-linksa kanya ng iba pang co-hosts ng show?

"Ano ba yun?" tila nagulat na sabi ni Pokwang. "Malabo namanyun. Alam naman natin ang mga taste ni Papi, di ba. Talagang...yun na. Ayaw niyang mga pang-international na mga Lucy Liu. Gusto niya mga Pilipina talagangbeauty."

May tsismis na babalik daw si Precious Lara Quigaman asco-host ng Wowowee, lalo na nga't okay na ulit sila ni Willie. Gaano itokatotoo?

"Wala pong balita. Parang tuksu-tuksuhan lang ‘yon. Perokung babalik siya, welcome naman po siyang bumalik."

Meron din daw madadagdag na isa pang beauty queen, si MiriamQuiambao daw. How true?

"Why not? Everybody is welcome naman sa show. Yun naman angsabi ni Papi, di ba? At hindi naman sa akin yung show para mag-inarte ako, diba? Maganda nga yun, e, di lahat kami beauty queen na kaming lahat doon!"patawa pa ni Pokwang.

Dagdag niya, "Di ba, lulutang na naman ang ganda ko? Maykanya-kanya naman silang ganda. At ako talaga, namumukod-tangi!"

Nainggit ba siya nang magbigay ng Louis Vitton bag si Williekay Miriam?

"Hindi, ‘no! Binigyan naman ako ni Papi ng Gucci na pitaka, e.Ganun talaga si Papi kapag may mga abroad kami."

May laman ba yung pitaka?

"Oo, dollars!" sagot ni Pokwang. "E, kasi nakita niya yungbag ko na Gucci, kaya tinerno niya yung pitaka. Binili niya ‘yon noong magpuntakami ng Houston, Texas."

Anu-ano pa ang naibigay sa kanya ni Willie?

"Pera kapag nasa abroad kami. Pera na pang-shopping. Lahatkami binibigyan. Generous talaga si Papi."

AI-AI DELAS ALAS. Hindi kaya lalo silang maintriga ni Ai-Aidelas Alas dahil yung career path nila ay parang nagkakapareho? Matatandaankasing nagkaroon na rin ng album noon si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kagaya ng lagi kong sinasabi, serious talaga, alam konaiintindihan ako ni Miss Ai. At saka alam ko happy siya kung anuman yungnararating ko ngayon kasi pinagdaanan niya rin ito. Alam ko, masaya siya,nakikita niya ito."

Sa mga interview naman ni Ai-Ai, sinasabi naman nitongwilling siyang makatrabaho si Pokwang. Ano ang comment niya rito?

"Korek! Uy, dream ko rin ‘yan, ha, na sana one day magkasamakami sa isang concert o pelikula."

Ano ba ang gusto niyang project with Ai-Ai?

"Ano ba ang maganda? Gusto ko mga beauty queen kami pareho.Bakit mga beautiful naman kami, a! Tapos may gown-gown na ganito. Itong gown naito [beaded gown na suot niya sa presscon], gift sa akin ito ni Rajo Laurellast Christmas. Uy, mamahalin ito, hello!"

May huling pasabi pa si Pokwang sa bibili ng kanyang album.

"Bumili po kayo ng original. Huwag po kayong bibili ng pirated, ngongo po angboses ko roon! Yun na!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN