Former singer-actress Donna Cruz finishes 12th in Sinulog Run

Former Viva artist Donna Cruz relayed to PEP that she finished 12th in the recently concluded Sinulog Run where more than 1,200 runners participated. In this photo sent by Donna (second from left) she is is joined by husband Dr. Yong Larrazabal (on her right) and two other runners.



Tinotoo ng semi-retired singer-actress na si DonnaCruz-Larrazabal ang pagsali sa marathon. Running kasi ang bagong passion ngdating Viva artist na ngayon ay naka-base na sa Cebu.

Masayang ibinalita ni Donna sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na tumapos siya sa 12th place sa katatapos pa lang naSinulog Run, kung saan mahigit 1,200 runners daw ang lumahok. Sumali si Donna sawomen's division samantalang nag-join naman sa men's division ang kanyangasawang si Dr. Yong Larrazabal.

Kahit na ikalawang beses pa lang niyang sumali sa isangrunning competition, masasabing respectable ang kanyang pagtapos sa 12thposition. Mga bandang November last year nang masumpungan ni Donna ang kanyangsarili na nahihilig sa pagtakbo.

"Thirty minutes flat ang naging time ko. Pero ang goal ko ayumabot sa 27 or 28 minutes for the same distance," sabi ni Donna sa kanyang e-mailsa PEP.

Nagpadala pa nga si Donna ng litrato niya in her running gearna kuha matapos ang marathon. Ipinagmalaki rin ni Donna sa litratong kanyang ipinadala namas malaki na raw ang mga legs niya ngayon dahil nae-exercise na unlike beforena wala siyang time to exercise.

Ayon pa sa email ni Donna na natanggap namin kahapon,January 22, tuloy na ang pagsali nilang mag-asawa sa Big Sur Marathonna gaganapin sa Monterey, California on April 26. Excited na raw siyangsumali sa nasabing running event.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN