TJ Trinidad formally asked ABS-CBN's permission before moving to GMA-7

"It's not like bigla na lang kaming lumipat nang walang abiso. Nagpaalam kami nang maayos. We prioritized ABS-CBN first. Eventually, nagpaalam kami nang maayos at nagbigay sila ng green light. Ako, I owe it to the management of ABS. Kami naman, we don't wanna burn bridges," says TJ Trinidad about asking permission from ABS-CBN before accepting offer from GMA-7.


Bagamat madalas na napapanood si TJ Trinidad sa ABS-CBN, hindi pala under contract ang actor sa Kapamilya network. Kaya naman pagkatapos niyang magpalit ng manager—from June Rufino to Annabelle Rama—ay mapapanood siya for the first time sa isang telenovela ng GMA-7, ang Zorro na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

"I signed for Zorro," pagkumpirma ni TJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, it's per project basis. For now, it's like that. Ako yung magiging kontrabida kay Richard sa story."

Patuloy niya, "I was never under contract with ABS, it's per project also. Kaya medyo matagal ako na nagtrabaho uli after [Prinsesa ng] Banyera, kasi we just had to make sure that everything was okay. Si Tita Annabelle ang nakipag-usap sa kanila [ABS-CBN], nag-meeting kami and all that. Finally, pinayagan kaming mag-Zorro."

Ipinaliwang naman sa amin ni TJ na bukod sa nakipag-usap sila nang maayos sa ABS-CBN ay naghintay rin sila kung may proyekto bang maibibigay sa kanya ang Kapamilya network. Aminado ang aktor na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN at hindi niya ito puwedeng basta-basta kalimutan na lang.

"Malaki ang utang na loob ko sa kanila, doon ako nagsimula," sabi niya. "I was very grateful to them and everything they've done to me. Naghintay muna kami ng go signal sa kanila at nang umokey na sila, that's the time na tinanggap namin ang Zorro.

"It's not like bigla na lang kaming lumipat nang walang abiso. Nagpaalam kami nang maayos. We prioritized ABS-CBN first. Eventually, nagpaalam kami nang maayos at nagbigay sila ng green light. Ako, I owe it to the management of ABS. Kami naman, we don't wanna burn bridges."

Hindi maiiwasan na sa mga artistang lumilipat ng network ay napagsasabihang "walang utang na loob," "ingrato" o "nakalimot sa mga taong nakatulong sa kanya." Ayon kay TJ, handa na siyang masabihan ng mga ganitong mga paratang. Pero sana raw ay alamin muna ng iba ang mga mahahalagang detalye bago manghusga ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's something I can't control," aniya. "These are opinions of people and I have to respect that. I just hope that if they make it, sana based on facts and not just speculations. If they feel that way, hindi ko puwedeng kontrolin kung may isyu sila at gusto nilang sabihin yun. Handa naman ako kung may magsabi ng ganun, pero sana wala. I don't think it's fair for people to speculate. I've proven my loyalty to ABS when I was there."

Sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng komento si TJ nang tanungin namin siya kung ano ang pagkakaiba ng atmosphere sa ABS-CBN kumpara sa GMA-7. Hindi pa nga naman kasi nagsisimula ang taping ng Zorro. Pero kung ang pagbabasehan ay ang experience niya nang ginawa niya ang pelikulang The Promise under GMA Films, positibo ang aktor sa bagong nilipatang network.

"I was very happy when I worked with them. I'm looking forward to it kasi maganda yung atmosphere nung ginawa ko yung pelikula na yun," ani TJ.

TEAM-UP WITH KRISTINE. Ang ilan sa mga programang nilabasan ni TJ sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Basta't Kasama Kita, Krystala, Gulong ng Palad, Da Adventures of Pedro Penduko, Hiram Na Mukha, Rounin, Walang Kapalit, at Prinsesa ng Banyera.

Dalawa sa mga ginawa ni TJ para sa ABS-CBN ay pinagtambalan nila ni Kristine Hermosa—Gulong ng Palad at Prinsesa ng Banyera. Kaya tiyak na malulungkot ang mga tagahanga ng kanilang tambalan sa desisyon ni TJ na pansamantalang lumipat ng network.

"Nakakalungkot nga rin," sabi ni TJ. "Siyempre, kung kami ang magde-decide, gusto namin magkatrabaho uli kami, di ba? Kasi malakas din yung clamor ng fans. Pero hindi naman puwedeng kontrolin ang mga bagay na ito. This is what's in store for us now.

"I'm gonna do Zorro, she'll [Kristine] do another project. Pero hindi mo naman puwedeng sabihin ang mga mangyayari. After this year or whatever, baka may opportunity that will come up na we could do a movie pa rin. Pag movie naman, puwedeng magkasama ang ibang networks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGING MANAGERS. May 2008 nang magdesisyon si TJ na magpalit ng manager. Hindi naman itinago ng aktor na nagkaroon ng samaan ng loob sa paghihiwalay nila ng landas ng dating manager. Pero naayos na raw ito ngayon.

"Ang nangyari kasi nung wala akong manager, my dad suggested na kausapin namin si Tita [Annabelle]. Kasi, Tito Eddie [Gutierrez, husband of Annabelle] is an old family friend of ours, matagal na silang magkakilala. Kinausap niya si Tita Annabelle. It was an instant yes. She's a very capable manager and capable of helping with my career. I trusted Tita Annabelle na kaya niya akong patagalin sa industriyang ito.

"Four years ako kay Tita June. Siyempre, we both tried to make it maayos. But then, yung relationship namin is very personal, so we're very honest to each other. Siyempre, there are moments na like she expressed bad feelings and all that, naiintindihan ko naman yun. Kahit naman anong klaseng hiwalayan, there's always a good thing with it, there's always slight na sama ng loob Ngayon, okey na kami," lahad ni TJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN