Jennylyn Mercado protests unauthorized coverage of her son's baptism

"Honestly, hindi talaga sila invited at wala akong inimbitahan na kahit na sino. Family and friends ko lang talaga ang invited. Well, nakakagulat. Siguro tanggap ko na nasa showbiz ako, pero parang pagbigyan lang ako sa araw na yun. Kasi yung araw na yun, special para sa aming mag-ina dahil nga baptism ng anak ko. And gusto ko namang maging private at personal yun sa aming mag-ina," explains Jennylyn Mercado.


Last Saturday, January 24, ay pinabinyagan na ni Jennylyn Mercado ang kanyang anak na si Alex Jazz sa Christ the King Church sa Quezon City.

Nakapanayam ni Pia Guanio si Jennylyn sa Showbiz Central noong Linggo, January 25, para kumustahin ang naturang binyagan.

"Okey naman, nakaraos naman ang binyag. Pero yun nga, may mga incident na hindi ko talaga nagustuhan," simula nitong pahayag.

Ipina-elaborate ni Pia kay Jennylyn kung ano'ng hindi niya nagustuhan.

"First of all, gusto ko talagang maging private, maging solemn, at maging peaceful yung baptism ng anak kong si AJ," ani Jennylyn. "Siyempre, kawawa naman yung bata, di ba? Yun na lang ang moment naming mag-ina na talagang hindi kami iistorbohin, di ba?

"Pero yun nga, nakakalungkot ang nangyari na bago kami makarating ng simbahan, meron pang nauna sa amin dun na media at may mga photographers pa. Sobrang ang sama-sama talaga ng loob ko," pagsisiwalat niya.

Nagawa ba ni Jennylyn na pakiusapan ang media na umalis na lamang and respect their privacy, lalo't hindi niya ito inimbitahan?

"Yes, oo... Honestly, hindi talaga sila invited at wala akong inimbitahan na kahit na sino. Family and friends ko lang talaga ang invited. Well, nakakagulat. Siguro tanggap ko na nasa showbiz ako, pero parang pagbigyan lang ako sa araw na yun. Kasi yung araw na yun, special para sa aming mag-ina dahil nga baptism ng anak ko. And gusto ko namang maging private at personal yun sa aming mag-ina," paliwanag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.

Pinakinggan ba ang wish niyang hayaang maging private ang binyagan o sinundan pa rin sila hanggang sa reception?

"Well, the story is, yung room sa may left side, sa bigger chapel, yun dapat sa amin. Pero before ako makarating, yung mga visitors ko, nauna silang makarating at sabi nila, ‘Bakit may mga media?' Pumasok din sila sa loob. Nauna pa sila sa amin sa loob ng chapel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At hindi ko rin alam, yung chapel, bakit pinayagang makapasok sa loob yung mga media gayong alam naman nila na personal and private nga yung baptism na yun. So yun. Sabi ko, hindi ako papasok at hindi ko ilalabas yung anak ko hangga't nandiyan ‘yan [media], hangga't nasa loob ‘yan. So, yung mga friends ko at iba kong pamilya, pumasok sa loob at pinakiusapan naman sila.

"Ang ginawa namin, parang hindi yata sila napakiusapan at hindi rin sila umalis. Hindi rin nila nirespeto ang desisyon namin. Hindi rin sila umalis. Nandoon lang sila. Kaya kami, lumipat na lang kami ng ibang chapel, yung smaller chapel. Pinagtiyagaan na lang namin kahit siksikan kami sa loob. Kasi wala kaming choice. Kung hindi namin pipiliin yun, kung hindi kami lilipat ng lugar, hindi talaga masisimulan ang baptism at hindi kami matatahimik," kuwento ni Jennylyn.

Ano ang message niya sa media?

"Yun lang ang maipapakiusap ko sana, sa mga nandoon, sa mga nakakuha ng pictures... Kasi tatlo ang photographer na nandoon. Yung isa nakapasok pa sa loob during the ceremony, habang binibinyagan si AJ, kinuhanan nang kinuhanan ang bata at pagkatapos ay tumakbo siyang palabas. So, hindi namin alam kung nasaan siya. Ang mapapakiusap ko lang, sana naman irespeto n'yo lang ako. Kung gusto n'yo rin irespeto bilang tao, sana irespeto n'yo rin ako.

"At kawawa naman yung bata, di ba? Ito na lang naman ang araw na maibibigay n'yo sa amin. Nakakahiya naman sa amin kung pati ba naman sa occasion na yun, di ba, papasok pa rin sila at makikiusyoso sila?" pahayag ng actress-singer.

Sa huli, may plano ba siyang mag-file ng charge in case na gamitin ang pictures na kuha sa binyag ni AJ?

"Yes!" mabilis na sagot ni Jennylyn. "Hindi ko siyempre papalampasin ‘yan kung may lumabas na mga pictures. Siyempre, kailangang malaman ko rin kung sino ang mga naglabas at gusto ko rin silang makausap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Pia, at least her interview could serve as a warning sa kung sinumang maglalabas ng picture ng binyag ng anak ni Jennylyn.

"Yeah, at sana lang talaga hindi na maulit. At gusto ko rin iparating sa mga tao na yun, yung mga pictures na nakuha nila, huwag nang ipalabas para huwag nang lumaki," pakiusap pa ni Jennylyn.

Samantala, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na biglaan ang pagpapabinyag ni Jennylyn sa kanyang anak. May dumating daw kasi silang kamag-anak mula sa ibang bansa kaya nagdesisyon ang actress-singer na pabinyagan na si Alex Jazz.

Maging ang mga kinuhang ninong at ninang ni Jennylyn na mga ka-batch niya sa StarStruck gaya nina Mark Herras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, at Katrina Halili ay hindi nasabihan tungkol sa binyag. Pati raw ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ay walang alam tungkol sa pangyayari.

As expected, hindi rin imbitado ang ama ni Alex Jazz na si Patrick Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN