Status: Single leading men say prominent billing of Jon Avila is not an issue

Rufa Mae Quinto (middle) with her leading men in the comedy film Status: Single: (from left) Mark Bautista, Rafael Rosell, Jon Avila, Paolo Contis, and Alfred Vargas.



Marami ang naintrigasa naging billing ni Jon Avila sa poster ng pelikulang Status: Single, kung saanisa siya sa mga leading men ng bidang si Rufa Mae Quinto. May nakalagay kasing "and" sa billing ni Jon.

Hindi kasi itomasyadong na-explain nang maitanong sa press conference ng pelikula. Tahimik langdin si Rufa Mae, na co-producer ng pelikula, nang may magtanong tungkol dito.Kung tutuusin ay may dapat i-explain si Rufa Mae, pero bigla na lang naiba angtopic.

Inisip na lang ngmarami na dahil si Rufa Mae ang producer ay binigyan niya ng special billing siJon dahil ito ang nali-link sa kanya ngayon.

Sabi naman ng iba, kungmeron man daw may karapatan na lagyan ng "and" sa billing, ito ay walang ibakundi si Paolo Contis dahil bukod sa award-winning actor na aypinaka-senior ito sa mga kasamahan niyang mga lalake sa pelikula. Bukodkina Paolo at Jon, kasama rin sa Status: Single sina Alfred Vargas, RafaelRosell, at Mark Bautista.

Wala si Paolo noongpresscon ng pelikula kaya hindi siya natanong tungkol sa billing ni Jon, nakung tutuusin ay baguhan pa lang sa pagiging aktor sa pelikula. Pero nangtanungin sina Alfred (na may karapatan din na mabigyan ng "and"), Mark,at Rafael Rosell, okey lang daw sa kanila ang naging billing nila. Yun na rawkasi ang nakita nilang lumabas sa posters at tarpaulin kaya hindi na nila ito kinuwestiyonpa.

"For me, it doesn'tmatter kung may ‘and' or wala ang pangalan ko," sabi ni Alfred. "Ginawa konaman ang movie na ito, not because of the billing but because kaibigan ko siP-Chi [nickname ni Rufa Mae] at gusto kong makatrabaho ulit si Direk Joey [Reyes].So, wala akong masasabi about the billing. Hindi issue sa akin ‘yan."

Para naman kay Mark,wala raw siyang karapatan na mag-question sa billing dahil baguhan pa rin dawsiya sa pelikula.

"Nakakailang moviespa lang naman ako," sabi ng singer-actor. "May nagsasabi nga na I deserve agood billing kasi nagbida na ako before [sa Lastikman]. Pero I still considermyself a newcomer. Hindi naman ako nakilala bilang artista but as a singer. 'Tsakabilang kaibigan ni P-Chi kaya I joined the movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kayRafael, na isang award-winning actor na rin, hindi na raw siya nag-questionabout the billing dahil yun na raw ang nakita niyang nalagay.

"Nasa producer naman ang desisyon in regards sabilling. It has never been a problem with me and the people na humahawak sacareer ko. ‘Yan na kasi ang nakita kong lumabas kaya okey na ‘yan. Basta makitaang name ko, walang problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN