Rhian Ramos admits being inspired by JC de Vera

"Mas masaya akong pumunta sa set namin lalo na kapag alam ko na mas nauna ang call time niya sa akin para pagdating ko, nandoon na siya. Parang ganoon. Nai-inspire akong magtrabaho kasi alam ko na nandoon siya. Lalo na kapag may eksena kami together," says Rhian Ramos about leading man JC de Vera.


Ang Lalola star na si Rhian Ramos ang sumalang sa "Gimme Mo" segment ni Mo Twister sa Showbiz Central last Sunday, January 25. Sina JC de Vera, Chynna Ortaleza, Keempee de Leon, Isabel Granada, at Richard Gutierrez ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Rhian na pumili ng five Most Wanted Questions na itatanong ni Mo sa young actress.

Most Wanted Question No. 5. Kayo na ba talaga ni JC de Vera? Officially, kayo na ba talaga?

"No!" sagot ni Rhian.

Why no? Nakikita sa mga VTR, sa look in your face, twinkle in your eyes? Sinasabi mo rin na ngayon ka lang nagki-care this much? So, why no? Who are you kidding?

"Who am I kidding? Joke lang! Well, marami namang mga bagay na first time kong gawin or marami pang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. It's just that, oo, siya pa lang or ngayon pa lang nagkaroon ng ganitong feelings at hindi pa nangyayari sa akin, pero hindi pa kami umaabot sa point na kami na."

This is the first time you had this feeling. So, are you in love with JC regardless kung kayo na or hindi pa?

"Strong word!" natatawang sabi ni Rhian. "Yung problema, oo, first time kong ma-feel yung feelings na ganito. So dahil doon, hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila."

So officially, not together at hindi mo pa alam na in love ka?

"Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya."

Most Wanted Question No. 4. Can you say that JC completes your day and inspires your work like you do for him?

"Yes, yes, mas masaya akong pumunta sa set namin lalo na kapag alam ko na mas nauna ang call time niya sa akin para pagdating ko, nandoon na siya. Parang ganoon. Nai-inspire akong magtrabaho kasi alam ko na nandoon siya. Lalo na kapag may eksena kami together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro sa mga nakakapanood ng Lalola, like yung mommy ko, sinasabi niyang, ‘Iba yun, a!' Yung mga acting sa Lalola, umiiba, kasi talagang I try hard. Hindi lang kasi friendship yung nasi-share namin but also, magandang working relationship meron sa amin ni JC."

Most Wanted Question No. 3. What's the sweetest thing that JC has done for you?

"May mga bagay rin kasi ako minsan na hinihingi sa kanya na hindi rin siya sanay gawin. Admittedly, hindi pa niya ginagawa para sa ibang babae. Like, kung gusto naming lumabas, siya ang magpapaalam kay Mommy. Yung legal na legal."

Okey ba si Mommy kay JC, especially if you take the next step with JC? Okey ba si Mommy na si JC ang magiging boyfriend mo?

"True enough, isa sa mga condition ko, if ever umabot sa point na yun, kailangan niyang magpaalam kay mommy kung puwedeng magka-official kami. Yun ang isa sa mga kondisyon ko. Pero so far, they look okay noong Christmas! Mukha namang bati sila!" natatawang sabi ni Rhian.

Most Wanted Question No. 2. Ano-ano ang mga "deep" na bagay na pinag-uusapan n'yo kapag kayong dalawa lang?

"Kaya nga namin pinag-uusapan na kaming dalawa lang, kasi ayokong malaman mo! Loko lang!" tawa niya.

Patuloy niya, "Mga deep na bagay? Well, isa sa mga gusto ko sa kanya, he makes plans about his future. Dini-discuss at pinag-uusapan namin yun."

Kasama ka ba sa future plans ni JC, especially Lalola is a week away? So, kasama ka ba sa mga future plans niya?

"Sana," sagot ni Rhian. "Hindi naman siguro masamang mag-hope na pagkatapos ng Lalola, hindi yun ang last time na makikita n'yo kami together in a show. Sana, kasama ako run."

Most Wanted Question No. 1. Sinu-sino or anu-ano ang mga tinutukoy ni JC na kumukontra sa relationship n'yo? Someone or something is keeping you from a relationship daw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yung tinutukoy niya noong sinabi niya yun... Well, nag-promise, hindi naman nagsabi, na kahit ano'ng mangyari, uunahin namin ang trabaho. Ngayon lang siguro kami pinag-uusapan ng ganito dahil tapos na nga ang taping namin. And true enough, inuna namin ang trabaho. At ngayon na lang siguro papasok yung...we'll see what happens."

Ngayong tapos na ang taping ng Lalola, do you miss JC already?

"Well, the thing is, kanina nga, nagkita kami sa SOP! Last taping day namin noong Thursday. Noong Friday, nag-record kami. Noong Saturday, nag-rehearse kami. Ngayon, nag-SOP kami. And so far, wala pa namang araw na hindi kami nagkita noong tapos na ang taping. Pero kapag naiisip kong tapos na ang taping, nalulungkot ako."

So, to answer the original question, ano ang kumukontra?

"Sa tingin ko, trabaho. Yun ang tinutukoy niya [JC]," sabi ni Rhian."

Hirit ni Mo, "Aminin mo na, kayo na, di ba?"

"Hindi!" sagot ni Rhian at saka natawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN