Maja Salvador still feels lucky despite delay of her launching projects

"Parang nanghihinayang kung hindi po matutuloy. Pero, hindi pa naman po nasasabi sa akin na hindi tuloy.Kumbaga, ang sabi naman po nila, revision lang, pinapaganda. ‘Tsaka parang masmaganda rin naman po, naisip ko rin po na parang mas maganda na gumawa muna akong isang teleserye na hindi muna bidang-bida talaga. Baka magulat ang mga taona bida agad," says Maja Salvador about the delay of her launching soap.



Tila expected na ni Maja Salvador na isa sa kukumustahin sakanya ng entertainment press during the press conference of the ABS-CBNprimetime series May Bukas Pa ay ang dapat sana'y pagbibidahan niyang seryeopposite Geoff Eigenmann—ang Moonriver. Pero tulad ng Anna Liza, na sinasabing magiging launching niya bilangbida, tila naudlot na naman ang pagpapalabas ng Moonriver. Instead, dito ngasiya nakasama sa isang wholesome and inspiring series, May Bukas Pa.

"Siyempre, masaya naman ako," sabi ni Maja. "Kasi ang nagawako lang soap last year sa primetime, yung Patayin sa Sindak si Barbara. Tapos,after nun, Kapitan Boom na, Your Song, ganyan... Nagte-taping naman po ako ngsoap na dapat gagawin. Kaso lang, may mga revision po kasi na ginagawa sa soapnamin ni Geoff.

"Siyempre, management naman po ang magde-decide. Sila po angnakakaalam kung saan pupunta ang career ng isang artista. So, noong in-offer posa akin itong May Bukas Pa, kailangang tanggapin. Bawal pong hindi tanggapinang mga projects," paliwanag ng young actress.

Hindi ba siya nakakaramdam ng frustration na tila nauudlotpalagi ang projects niya?

"Ano rin, parang nanghihinayang kung hindi po matutuloy,"pag-amin niya. "Pero, hindi pa naman po nasasabi sa akin na hindi tuloy.Kumbaga, ang sabi naman po nila, revision lang, pinapaganda. ‘Taka parang masmaganda rin naman po, naisip ko rin po na parang mas maganda na gumawa muna akong isang teleserye na hindi muna bidang-bida talaga. Baka magulat ang mga taona bida agad."

Pero last year pa siya pinaplanong i-launch as lead, di ba?

"Opo, pero kailangan pong tanggapin, e. Kumbaga, masuwertepa rin ako dahil hindi talaga ako pinapabayaan ng ABS. Kumbaga, inaalam po talaga nila kung ano ang mas ikakabuti ko. Siguro ayaw po muna nilang madaliin.Ayaw po akong isabak kaagad sa mga bida kaagad. Baka mamaya, hindi ko pa potime. Baka hindi ko pa po kaya."

Dagdag niya, "Noon nga pong nagte-taping kami ni Geoff,sobrang kinakabahan din po ako. Iba po yung pressure kapag bida ka pala. So, saakin, hintay lang po. Hintay lang tayo. Nagpi-pray lang ako na sana matuloy,sana maging maganda ang umpisa ng kuwento para magawa. Ang sabi naman po saakin, itong year na ito, gagawin rin po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH RAYVER. Dito sa May Bukas Pa ay si Rayver Cruzulit ang katambal ni Maja. Ayon sa young actress, ever since naman daw kasi ayhindi talaga siya nagkakaroon ng permanenteng ka-love team.

Sa upcoming movie daw niya sa Star Cinema ay sila pa rinnina Rayver at Geoff ang magkakasama, although surprise na lang daw kung anoang character niya rito. Nagsu-shooting na raw sila at posibleng sa summer naito ipalabas.

Kumusta naman sila ni Rayver?

"Okey naman po. Masaya kaming dalawa na nagkabalikan po anglove team. Ang ginagawa lang po namin dati Love Spell, Your Song, tapos ASAPlang. Since Spirits, ito lang yung soap na nasundan ulit.

"Masaya po kasi, ang dami raw sa Internet na nagre-requestng Maja-Rayver. So, nakakatuwa naman po at napagbibigyan ang mga fans."

Iba naman daw ang chemistry niya kay Rayver.

"Kami po kasi ni Rayver, para lang kaming naglalaro," sabini Maja. "Tawanan, kulitan. Kumbaga, wala pa kami sa level ni Rayver naseryoso, na napag-uusapan ang lovelife. So, tingnan po natin."

"Okey naman po" ang description ni Maja sa kanyang lovelife.Pero, sa huli ay sinabi nito na ang career pa rin daw ang gusto niyangi-prioritize. Although, wala naman daw nagbabawal sa kanyang makipag-boyfriend.

"Twenty na naman po ako, wala naman pong nagbabawal, e.Kumbaga, choice ko lang din talaga. Ako naman ang magde-decide sa sarili kokung dapat na ba akong pumasok sa isang relasyon."

Ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?

"Paulit-ulit ko naman pong sinasabi, basta mamahalin ako at mahalinlang ang pamilya ko, dun lang po."

CARLO AQUINO. Kumusta naaman sila ni Carlo Aquino ngayonnali-link na ito kay Roxanne Guinoo?

"Nagbalik ang communication namin...bago pa man mag-New Year."

Paano bumalik?

"Nag-usap po kami. Dati kasi, nawala talaga angcommunication namin, nag-focus kami sa trabaho namin. So, bago mag-New Year,nakapag-usap po kami."

Hindi ba parang namamangka sa dalawang ilog si Carlo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay hindi, hindi naman... Well, napag-usapan naman po naminglahat. In fairness naman sa kanya, na-explain naman niyang lahat-lahat kunganuman ang dapat niyang i-explain at naikuwento naman niyang lahat sa akin."

If ever na manligaw siyang muli, may chance na kaya?

"Tingnan po natin. Abangan natin ang mga kabanata sa 2009!"natatawa niyang sabi.

So, hindi pala totoo ang Carlo-Roxanne, mas totoo pala angCarlo-Maja?

"Hindi ko po...hindi ko po alam," hindi agadnakapagsalita si Maja. "Siguro po, siya na lang ang dapat sumagot diyan. Kaminaman po ni Roxanne, magkaibigan naman po kami. Hindi naman ako papayag napag-awayan namin ang isang lalaki lang. Kung may kailangan man ayusin, siguro,dapat ayusin na ni Carlo agad yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN