Direk Carlo J. Caparas does not want the Marian-Dingdong tandem to end

Director Carlo J. Caparas said he doesn't want the tandem of Marian Rivera and Dingdong Dantes to end. The famous komiks writer-turned-movie director said that Marian and Dingdong have so much chemistry that he already thought of two more projects the pair should star in—his novels-turned-movies Somewhere and Ayaw Matulog Ang Gabi.


Laging dumadalo si Direk Carlo J. Caparas sa presscon ng mga sinulat niya sa komiks na ginawang TV series ng ABS-CBN at GMA-7. Sa presscon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na muling pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, dumating si Direk Carlo kasama ang asawang si Donna Villa at ang binatang anak na si CJ Caparas.

Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay ang title ng TV series. Pinagdidiskusyunan kasi kung tama ba ang Babaeng... sa title nito o mas dapat na Babaing... Sagot ng direktor, sa komiks, Babaing... ang ginamit niya, pero sa TV series ay Babaeng... na.

Sa presscon, paulit-ulit na binanggit ni Direk Carlo ang pangalan ni Jackie Rice na kasama sa cast at in-announce pa nitong may tinatapos siyang istorya para sa young actress. Tinanong ng PEP kung bakit ginawan niya ng istorya ang young actress gayong hindi pa naman ito big star. Sagot ng direktor, kinakitaan niya raw ng kainosentehan ang mukha ni Jackie nang una niya itong mapanood sa TV.

"Ayoko lang sabihin ang title at di ko ikukuwento ang istorya at baka ma-preempt. Basta, maganda siya at sana gawin ng GMA pag tapos na. Maganda siya, ang mga story naman na ginagawa ko, universal ang theme at kahit sa ibang bansa puwede. Hindi sa pagmamalaki, ang mga story ko, can build a star," wika ni Direk Carlo.

Hindi pala papayag si Direk Carlo na maging last project na nina Marian ar Dingdong ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil masasayang daw ang napakalakas na chemistry ng dalawa. In fact, may naisip na siyang project para sa dalawa.

"Nabili na ng GMA-7 ang rights ng Somewhere na sa pelikula'y pinagtambalan nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez. Bagay na bagay kina Marian at Dingdong yun, maganda ang istorya at para sa kanila yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa Channel 7 na rin ang rights ng Ayaw Matulog Ang Gabi , pelikula rin yun na pinagbidahan ni Rudy. Sa TV, gusto kong ang anak niyang si Mark Anthony Fernandez ang magbida, tama lang na sa anak ni Rudy yun ibigay," ani Direk Carlo.

Pagkatapos mapanood ang pilot episode ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, mas bumilib si Direk Carlo kay Marian. Sabi nito, "Sexy talaga si Marian at ang appeal niya, kita talaga. Ang husay ng timing, bawat bitaw ng dialogue, walang off-balance sa kanya. Swak na swak at ang ganda nilang panoorin ni Dingdong."

Aprubado ba sa kanya ang mga daring scenes nina Marian at Dingdong?

"Okey na okey at magugustuhan ng viewers, hindi lang ng kanilang fans. Mas daring pa nga sa kanya si Vivian Velez nang gawin ang movie dahil first scene pa lang, hubad na. Saka pumayag yung tumalon mula sa 10th floor ng Legaspi Towers."

Sa kaseksihan, pareho raw sina Vivian at Marian at nagulat siya't sexy daw palang talaga si Marian lalo na ngayon sa vital stats nitong 34-22-34. Bale ba'y hapit na hapit ang black dress na suot ni Marian sa presscon at hulmang-hulma ang mahugis nitong puwit na pati mga bading na reporters ay humanga.

Kasunod nito, ibinuking ni Direk Carlo na kursunada ng anak niyang si CJ si Marian, lalo't kapangalan nito ang ina't Marian ang real name ni Donna. Naniniwala si Direk na papayag mag-artista ang anak pag si Marian ang makakapareha. Matagal at marami na ang kumukumbinse ritong mag-artista, pero iwas-pusoy ang Ateneo student at gusto'y sa background lang siya.

Payag na ba siyang mag-artista?

"Payag ako, basta si Marian," dire-diretso nitong sagot. Sabi tuloy ng ilang reporters, "Kaya Dingdong, mag-iingat ka at may gustong umagaw kay Marian sa 'yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN