Meet Zaijan Jaranilla, the boy with the message of hope in May Bukas Pa

Zaijan Jaranilla said he shared some of thecharacteristics of his May Bukas Pacharacter Santino. "Makulit din po kasi ako. At saka, palagi rin po akongnagpi-pray kay God. Nagpi-pray po ako na sana po, maraming projects. Para rinpo makatulong ako kay Mommy. Kasi po may sakit si Mommy. May bukol po siya saneck pero nagwo-work pa rin po siya."


Ang seven-year old na si Zaijan Jaranilla angbagong kagigiliwan ng mga manood dahil siya ang mapalad na batang aktorna napili ng ABS-CBN para gumanap sa role ni Santino sa pinakabagong primetimeseries ng Dos, ang May Bukas Pa.

Si Santino ay isang batang lumaki sa monasteryo.Ang turing sa kanya ay isang batang hulog ng langit. Mabait, pero medyo pilyoat nangungulila sa pagmamahal ng ina, hanggang sa makahanap siya ng isang misteryosongkaibigan, si Bro, which we later on learned ay ang mismong the Great CreatorHimself—God.

Sa press conference ng May Bukas Pa sa 14th Floor ng ELJ Building, nalaman ngpress na nagsimula ang ideya sa pagkakaroon ng teleserye na May Bukas Pa, nang magpahayag ngpagkabahala ang presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio sa mganababasang balita tungkol sa krisis nasinusuong ng ating bansa. Kailangan naman daw ng ating bansa ng isangprogramang mapapanood na makakapagbigay ng pag-asa sa mga mamamayan.

Doon na pumasok ang ideya ng paggawa ng teleseryengMay Bukas Pa. Sa teleseryeng ito,susundan ng mga manonood ang istorya ng batang si Santino. Magbibigay raw ang showng mga mensahe ng pag-asa by touching on the spirituality of the viewers. Hindiraw ito pang-Holy Week na panoorin, kundi isang wholesome at family-oriented nashow na may mensahe lang daw talaga ng pagbibigay-pag-asa. Posible pa nga rawna maka-relate ang mga manonood sa mga characters sa teleserye, lalo na sa bidana si Santino.

Contrary sa lumabas na mga balitang nag-auditionmuna si Zaijan para sa role na Santino, siya raw talaga ang naisip kaagad nagumanap sa role na iyon. Dahil at that time, nakikita na siya bilang batangTiny Tony at marami na nga ang nagagalingan sa kanya. Bukod pa sa regular rinsiyang napapanood sa Goin' Bulilit.

Sa interview with PEP (Philippine EntertainmentPortal) tinanong si Zaijan na kung sakali at makakausap nga niya si "Bro," ano kayaang hihilingin niya dito? Sa halip na maraming laruan o kung anumang pambatang hiling,"mas marami pa pong projects," ang sinabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE ON ZAIJAN. Five years old daw siyanang magsimulang umarte. Hilig na raw kasi niya ang pag-arte gayundin angpagkanta at pagsayaw. Una siyang napanood at lumabas sa mga TV commercialstulad ng Tide, Lactum at McDonald's commercials.

Sa kabila ng pag-aartista niya ay sinisikap pa rindaw niyang mag-aral sa isang elementary school.

"Pero hindi nga po ako masyadong nakakapasok,"pag-amin niya. "Pero okey lang naman po dahil nagho-home study rin po ako."

Ayon kay Zaijan, gusto raw niya ang ginagawa niyakahit hindi katulad ng ibang bata ang way of life niya na aral at laro lang angpinagkakaabalahan. Paglaki, bukod sa pag-aartista ay gusto rin daw ni Zaijan namaging isang doktor.

Pero sa showbiz, ang idol daw niya ay si BillyCrawford.

"Gusto ko po siya, kasi po, magaling po siyangkumanta at saka sumayaw."

Nagulat kami when we asked him kung sino naman anggusto niyang artistang babae. Tulad ng kasamahan din niya sa Goin' Bulilit na si Nash Aguas, siCristine Reyes rin kasi ang isinagot ni Zaijan.

Naaliw kami nang mangiti ito upon mentioningCristine's name. Crush niya ba ang young actress?

"Hindi po...favorite ko lang po siya. Napapanood kopo kasi siya."

Tumango ito at ngumiti nang tanungin namin kungnagagandahan at naseseksihan ba siya sa young actress.

Ayon pa kay Zaijan, wala raw siyang crush sa mgabatang kasamahan niyang young actress. "Iba po kasi ang crush ko, nasa schoolpo."

Umiling agad si Zaijan nang subukan namingintrigahin at kung ano ang magiging reaction na baka may ibang mga batangkasamahan niya na posibleng makaramdam ng inggit sa kanya dahil heto't bida nasiya sa isang primetime series pa ng Kapamilya network.

"Hindi po, wala naman pong naiinggitsa akin."

Ano nga bang pakiramdam niya na siya ang bida sa May Bukas Pa?

"Masaya po ako. Nagulat po ako na ako ang pinilinila sa dami-rami ng mga bata rito sa ABS-CBN, ako po ang napili nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKE SANTINO. Nangiting muli si Zaijan sa huling tanong namin sakanya kung in real-life ba, kapareho niya ang character na ginagampanan niya saMay Bukas Pa na mabait din kungkaya't nakakausap niya si "Bro."

"Makulit din po kasi ako. At saka, palagi rin poakong nagpi-pray kay God. Nagpi-pray po ako na sana po, maraming projects. Pararin po makatulong ako kay Mommy. Kasi po may sakit si Mommy. May bukol po siyasa neck pero nagwo-work pa rin po siya."

On the other hand, masaya raw siya dahil kahit sakanilang lugar, nakikilala na raw siya ng mga tao at kahit sa Monday, February2 pa ang pilot airing ng May Bukas Paay hindi na raw Zaijan ang tawag sa kanya kundi Santino na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN