Pinoy Parazzi editor defends publication of photos of Jennylyn Mercado's son

"Sa usapin ng invasion of privacy, ipaglalaban ko sigurong hindi. Pasensiya na dahil ako ay naninindigan na wala kaming ginawang mali. Wala kaming ginawa na labag sa batas dahil ang naganap ay isang affair ng isang public person at saka sa isang publikong lugar," says Mr. Raimund Agapito, editor-in-chief of Pinoy Parazzi about the publication of photos of the baptism of Jennylyn Mercado's (in photo) son.


Nakapanayam ng Showbiz Central ang editor-in-chief ng Pinoy Parazzi na si Mr. Raimund Agapito. Ito ang tabloid na balak idemanda ni Jennylyn Mercado dahil sa pag-publish ng mga litrato ng binyag ng kanyang anak na si Alex Jazz sa kabila ng pakiusap ng aktres na huwag itong ilabas. (Click here to read related article.)

Katwiran ni Mr. Agapito, "Pagdating nila [photographers] doon, siyempre trabaho nila ‘yan, kukuha sila ng litrato. Habang kumukuha sila ng litrato, lumapit daw na galit na galit si Jennylyn at huwag daw kunan."

Pero sabi naman ni Jennylyn, "Nakiusap ako, oo, hindi ako nagalit. Hindi ako nagwala. Nakiusap ako nang mabuti. Pero hindi sila nakinig, so, wala akong choice."

Ayon naman sa editor-in-chief ng Pinoy Parazzi, "Nabalitaan ko na lumabas pala sa Showbiz Central at nagsabi na, nagbanta na kung sino ang maglalabas ay ihahabla. At doon ako nagkaroon ng pagbabago ng damdamin, ng kalooban tungkol doon sa isyu. Kaya naman mas minabuti ko na ilabas na ito."

Isang bagay na hindi inaasahan ni Jennylyn dahil nagpauna na nga siya ng pakiusap at pagsasabi ng consequences kung itutuloy pa rin ang pagpapalabas ng mga nakuha nilang litrato.

"Hindi ko ine-expect na gagawin nila yun," sabi ng aktres. "Itinuloy pa rin nila. So, kailangan ko talagang gumawa ng move. Sabi ko nga, tuloy na tuloy na at magpa-file ako ng demanda."

Depensa naman ni Mr. Agapito, "Sa usapin ng invasion of privacy, ipaglalaban ko sigurong hindi. Pasensiya na dahil ako ay naninindigan na wala kaming ginawang mali. Wala kaming ginawa na labag sa batas dahil ang naganap ay isang affair ng isang public person at saka sa isang publikong lugar."

Pero sa panig ni Jennylyn, inaayos na raw nito ang lahat ng kailangan para mag-file nga ng kaso.

"Nasa process na kami ng filing. Tapos na lahat ng ebidensiya. Naibigay ko nang lahat. Kinumpleto ko na. As in lahat, lahat, lahat! Ganoon ako kaseryoso," saad ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN