Arnell Ignacio posts video message for Trillanes: "Wag kang masyadong maingay. Ang daldal mo."

Apr 30, 2016
<p>Arnell Ignacio to Senator Antonio Trillanes IV: "Anyway, maganda naman yung sinasabi mo na meron kang mga imbestigasyon, pero sana mag-issue ka ng affidavit para legal ang lahat. Hindi yung kung ano lang ang sabihin mo, gusto mo paniwalaan na namin."</

Personal na nagpunta noong Biyernes, April 29, sa Julia Vargas branch ng BPI ang avid Duterte supporter na si Arnell Ignacio.

Nag-deposit ito ng P1,000 bilang kontribusyon niya sa kandidatura ng kanyang presidential candidate.

Matapos i-deposito ang pera, gumawa si Arnell ng video para kay Senator Antonio Trillanes IV, at ipinost niya ito sa kanyang Instagram at Facebook accounts noong araw ding iyon.

Continue reading below ↓

Lahad ni Arnell, “Kasi sabi mo may account dito ang aming tatay na si Digong.

“Salamat naman at itinuro mo, kasi tutulong na kami, dito namin ilalagay ang tulong namin dahil kawawa naman yung tao.

“Hindi na nga nakakabili ng T-shirt, tatatlo lang yata ang damit, hindi pa napaplantsa.

“Anyway, maganda naman yung sinasabi mo na meron kang mga imbestigasyon, pero sana mag-issue ka ng affidavit para legal ang lahat.

“Hindi yung kung ano lang ang sabihin mo, gusto mo paniwalaan na namin.

“Ginagawa mo naman kaming masyadong tanga. Mag-issue ka ng affidavit para legal lahat, okey?

“Anyway Mayor, nag-deposito ako sa 'yo ng P1,000 ha? Ipambili mo ng pagkain o kaya damit ha?

“Mr. Trillanes, kapag totoo yung sinabi mo, sisingilin ko si Mayor ng ipinagpagawa ko ng T-shirt at saka ng relos.

“Ikaw, kung gusto mo rin, maganda e bigyan kita, dalhan kita sa senado, ha?

Continue reading below ↓

“Sige, wag kang masyadong maingay, ang daldal mo.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Arnell Ignacio to Senator Antonio Trillanes IV: "Anyway, maganda naman yung sinasabi mo na meron kang mga imbestigasyon, pero sana mag-issue ka ng affidavit para legal ang lahat. Hindi yung kung ano lang ang sabihin mo, gusto mo paniwalaan na namin."</
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results