Baron Geisler pleads not guilty to acts of lasciviousness

Contoversial actor Baron Geisler has pleaded not guilty to acts of lasciviousness filed against him by the 21-year-old daughter of William Martinez and Yayo Aguila.


Nag-plead ng not guilty ang aktor na si Baron Geisler sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Patrizha Martinez, ang 21-anyos na dalagang anak nina William Martinez at Yayo Aguila, sa Makati City Metropolitan Trial Court.

Sa arraignment ng kaso kanina, Pebrero 3, tinanong ni Makati MTC Branch 64 Judge Ronald Romero ang parehong partido kung papayag sila sa settlement sa pamamagitan ng mediation. Pero ayon sa report ng GMA News, hindi pumayag ang complainant na si Patrizha. Pagkatapos nito ay ini-schedule ni Judge Romero ang pre-trial ng kaso sa April 14 ng ala-una y medya ng hapon.

Kasama ni Patrizha na nagpunta sa korte ang kanyang mga magulang.

Ayon naman sa lawyer ni Baron, nag-plead ng not guilty ang kanyang kliyente dahil naniniwala ang aktor na ang kaso ay isa lamang "nuisance suit." Magpa-file din daw sila ng motion to dismiss kasunod ng arraignment.

Sa complaint na hinain ng kanyang kliyente sa Department of Justice (DOJ), pinaninindigan ni Atty. Alentajan na wala ang mga elementong naglalaman ng pagsasampa ng kasong acts of lasciviousness.

"After the arraignment, we will file a motion to quash because the information does not constitute an offense," sabi ni Atty. Alentajan.

Idinagdag din niya na sa ilalim ng batas, ang lascivious act "is done with force, violence or intimidation and done with a lewd design."

Sinabi ni Atty. Alentajan na hindi binanggit ni Patrizha sa kanyang affidavit na gumamit si Baron ng force, violence, or intimidation nang hawakan diumano nito ang kanyang dibdib sa isang bar sa Makati noong nakaraang taon.

Iginiit din ng abogado na walang pagnanasa ang aktor kay Patrizha dahil ginawa ang sinasabing insidente sa loob ng mataong lugar.

"Paano ka magkakaroon ng pagnanasa o lewd design sa loob ng isang restaurant?" sabi ni Atty. Alentajan.

Nangyari ang insidente noong April 25, 2008 sa loob ng Fiamma Bar sa Jupiter Street, Makati City. Inimbitahan ni Patrizha sa kanyang birthday celebration si Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon naman sa lawyer ni Patrizha na si Salvador Panelo, nagre-resort lang sa "squid tactics" ang kampo ni Baron. Wala rin daw silang sapat na katibayan upang patunayan ang kanilang kaso.


"We will present our evidence to prove our case. They should just present theirs to counter ours. The only issue here is probable cause. In interviews, the accused [Baron] said he touched the breast of my client, but he said he was just playing a role. Dun pa lang may probable cause na," saad ni Atty. Panelo.

Sa interview ng GMA News kay Baron bago magsimula ang arraignment, sinabi nito na kampante siyang mananalo siya sa kaso. "I just want to work. Ang hirap ng may bitbit kang ganitong pangyayari," sabi ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN